“Diana,” awat ni Papa Lindon nang dumating ang mga ito, kasama si Mama Dafne, kaya ibaba ni Diana ang kamay nito. “Ba’t sasampalin mo ang manugang namin? Ano na naman ang ginawa n’ya sa ‘yo?” maawtoridad na tanong pa ni Papa Lindon. “Kanina lang naman po niya ako sinampal, Papa. Mabuti na lang at dumating kayo ni mama,” saad ko. “Iyang babaeng ‘yan ang nangunguna, Tito, Tita. Sinabihan ko lang naman po siya kung ba’t ngayon lang siya dumating ay nagalit na, kaya nainis ho ako,” pagsisinungaling ni Diana kaya naman umiling ako. “Huwag ka ngang gumawa ng kuwento, Diana. Galít ka nga dahil nandito ako, ‘di ba? At kung ano–ano na naman ang sinasabi mo, tapos magsisinungaling ka ngayon,” depensa ko. “Tama na ‘yan,” protesta naman ni Mama Dafne. “Umuwi ka na, Diana dahil nandito naman na

