MARGARETTE POV “A–Anong ibig sabihin nito, Diana? Ba’t dinala mo ‘ko rito?” sunod–sunod na sambit ko. At kinakabahan ako sa kung anong puwedeng gawin nito sa akin lalo na at may kasamang dalawang lalaki ito. “Ba’t kailangan mo pang magtaka, Bruha? Alam mo naman kung gaano ako kagalít sa ‘yo, ‘di ba? At tinik ka sa relasyon namin ni Dreydon!” asik nito at lumapit sa akin. “Pa’nong tinik? Samantalang hinahayaan ko lang kayo sa relasyon n’yong dalawa, ‘di ba? At kahit nakikita ko kayo ng harap–harapan na nagse–séx ay wala kayong naririnig sa akin, kaya pakawalan mo na ‘ko rito dahil wala akong kasalanan sa ‘yo,” maawtoridad na saad ko. “Wala kang kasalanan sa ‘kin, ha? Ang tanga mo naman para sabihin ang bagay na ‘yan. At imbes na ako ang kasama ng Delgado’s family ay naging ikaw dah

