DREYDON POV PIGIL na pigil ang inis ko nang makita kong hinalikan ni Vince si Margarette. Gusto kong lumabas sa pinagtataguhan ko upang sugurin ito, pero iniisip ko pa rin si Margarette, lalo na at may kasunduhan kaming dalawa. “I want to punch your fuckíng face, Montelibano, but I need to hold back,” gigil na sambit ko. Nanggigigil tuloy ako, kaya naikuyom ko na lang ang kamay ko. Sino ba kasing may gusto na harap–harapan mong nakikita ang Ex–wife mong mahal mo na ngayon na may kahalikan at kayakap na ibang lalaki? ‘Tang ina!” impit na sigaw ko. Mukha akong baliw na nilamukos ang kurtina upang pigilan ang nararamdaman kong galit sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung sinasadya rin ni Margarette na yakapin ang putik na Vince na ‘yan! Ang hapdi na nga ng sugat ko sa kamay ko’y la

