“A–Anong sabi mo, Vince? Pa–Pakiulit mo nga,” nauutal na sambit ko. Narinig ko naman ang sinabi niya, pero tila para akong nabingi. “I said, I want to court you, and to be the father of your baby,” seryosong saad niya dahilan upang mapalunok ako. “Ba–Ba’t ako, Vince? Ang daming babae riyan para ligawan mo, at mas deserve mo dahil binata ka. Hindi sa katulad kong babae na buntis,” protesta ko. “And so? It doesn’t matter to me if you’re pregnant, Margarette. At narinig mo naman na gusto kong maging ama ng anak mo, and I’m willing to give you everything para makalimutan mo ang lalaking nanakit sa ‘yo ng husto. Dahil alam kong malaking sugát ang iniwan sa ‘yo ng putik na Dreydon na ‘yon,” mariin na wika niya, kaya hindi agad ako nakasagot. Hinaplos niya ang mukha ko, subalit pinalis ko

