MARGARETTE POV “A–Ang sakit!” ngiwi ko dahil pakiramdam ko’y nahuhulog ang matris ko. “Mabuti ‘yan sa ‘yo! At sana’y mawala na ang batang ‘yan!” gagad sa akin ni Dreydon. “Margarette!” narinig kong tawag sa akin ni Lucas. “Na–Nandito ako, Lucas, nandito ako!” sigaw ko para marinig nito ang boses ko. “Margarette? Margarette!” sunod–sunod na tawag nito nang makita ako sa kuwarto, at matalim na tingin ang ipinukol nitong tingin kay Dreydon. “Dinudugo ka,” nag–alala pa nitong sambit sa akin. “Don’t you dare touch her!” sigaw naman ni Dreydon. “Dámn you! Talagang napakasama mong tao!” asik ni Lucas na bibigwasan sana ng suntok si Dreydon, ngunit pinigilan ko ito. “Huwag mo na siyang patulan, Lucas dahil sementado ang braso niya, at dalhin mo na ‘ko sa hospital,” namimilipit sa sak

