3RD PERSON POV “Nandito na kami sa destinasyon namin, Boss at nakikita na namin ang bridal car ni Ms. Velasquez,” imporma ni Judo ang binayaran niyang armadong lalaki upang kidnap–in si Margarette at may mga kasama itong dalawang lalaki. “Stand by lang kayo riyan, Judo, basta’t ‘wag n’yong saktan ‘yang bride dahil mananagot kayo sa akin. Paglapit n’yo sa kanya’y piringan n’yo agad ang mata n’ya’ nang hindi niya kayo makilala dahil kahit naka–bonnet pa kayo’y may tendency na puwede kayong makilanlan. At iyang pampatulog lang ang ipaamoy n’yo para hindi na siya manlaban pa sa inyo. Tandaan ninyo na ni dulo ng daliri ninyo’y hindi dapat dumapo sa kanya,” maawtoridad na sambit niya. “Masusunod, Boss, pero paano kapag nanlaban sila?” tanong pa ni Judo. “Kung manlaban, lalo na ‘yang driv

