MARGARETTE POV “A–Ano? Pa–Pakiulit mo nga sinabi mo, Dreydon?” gagad ko dahil baka nabingi lang ako sa sinabi niyang nasa harap siya ng bahay. “ I said, I’m here in front of your house,” imporma niya, dahilan upang magulantang ako. “Umalis ka na, Dreydon at punta ka na lang sa mall para doon na kayo magkita ni inay,” matigas na saad ko. Kinabahan ko tuloy ako dahil baka nandito si Vince at baka magkagulo. “Hindi ko na kailangan pang pumunta roon dahil nandito na ‘ko, kaya lumabas ka na kung ayaw mong magpakita ako sa fiancé mo,” tila may pagbabántang sambit niya. “Hindi ako lalabas, Dreydon, kaya umalis ka na riyan!” impit na sambit ko. “Ano bang nangyayari, Margarette?” nagtatakang tanong naman ni inay. “Na–Nasa labas si Dreydon, ‘Nay. Baka mapang–abot sila ni Vince,” nag–aa

