“Ba–Bakit ‘yan, Vince? Ba–Ba’t may engagement ring kang dala?” nauutal na sambit ko dahilan upang matamis siyang ngumiti sa akin. Ang lakas tuloy ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko’y may sorpresa ang lalaking ito. “Vince,” halos pabulong pang sambit ko. “Alam kong masyado pang maaga para dito, pero hindi na ‘ko makapaghintay pa na gawin ang bagay na ito, Margarette. Last month ko pa ‘to gusyong sabihin sa ‘yo, kaso’y natatakot ako dahil baka i–reject mo ‘ko. Yes, I have money, business, house, but I’m on the fence if you’re going to accept my proposal,” seryosong wika niya, kaya nagsalubong ang kilay ko. Kinuha niya ang singsing. At isinuot ito sa akin, kaya napalulunok na lang ako. Inilapit niya sa kanyang bibig ang kamay ko’t dinampihan ito ng halik. “Vi–Vince,” kinakabahan na saad

