PART 21

1191 Words

"Ate, salamat at sumama ka sa akin ngayon pauwi,” masiglang sabi ni Marjorie sa kapatid kahit na hindi dapat iyon ang unang lalabas sa bibig niya dahil sa totoo lang ay nasa utak pa rin niya ang tungkol sa nalaman niya kagabi. Gusto niya sanang iyon ang agad nilang pag-uusapan pero naisip niya na mas mainam na maghinay-hinay siya. Tumango lang ng isa si JL. Halatang wala itong kagana-gana. Kung hindi pa nga sana ito pinilit ni Marjorie ay hindi ito sasama sa pag-uwi sa kanilang bahay. Mas gusto sana na lang nito na kasama si Jonathan. “Siguradong matutuwa sina Lolo at Nanay kapag nakita nila tayo,” sabi pa ni Marjorie. Nakasakay na silang magkapatid sa taxing inarkila nila para mabilis lang ang byahe nila pauwi. Wala nang naging reaksyon si JL. Salitang nakagat naman ni Marjorie ang mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD