PART 35

1458 Words

"Marjorie, dumating na ba si Darren? Nandito na ba siya?” tanong agad ni Jonathan nang dumating siya sa kanilang bahay. Galing na siya sa family house nila pero walang tao roon kundi ang mga kasambahay nila. Tinawagan niya rin ang mommy niya at nalaman niyang may sinasabi nga raw rito si Darren. Mabuti na lang at hindi raw pinaniwalaan ng kanilang ina ang kapatid. Nakahinga siya kahit paano kanina, subalit ay hindi pa rin siya mapanatag. He knows Darren very well; he won’t just stop like that. “Hindi pa po, Kuya,” sagot ni Marjorie. Maingat niyang isinarado ang pinto. “Nasa’n na kaya ang pasaway na ‘yon?” Inis na inis na si Jonathan. Nagulo niya ang sariling buhok. Wala na talagang mabuting naidulot sa kanya ang kapatid, laging sakit sa ulo. “Siya nga ba talaga ang sakit sa ulo o ikaw?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD