PART 11

1097 Words
Humalik sa pisngi ng kanyang Ate JL si Nurse Marjorie pagdating ng kapatid. “Tara po sa loob,” at anyaya niya. Kinuha niya ang may kalakihang bag na dala ng kapatid. Medyo nagtaka pa siya dahil parang ang dami yatang dala nitong damit. Pinili lamang niya na huwag pansanin. “Mag-isa ka lang?” tanong ni JL habang inililibot ang tingin sa paligid ng kabahayan. Ang inasahan kasi niya ay agad niyang makikita ang among lalaki ni Marjorie—si Jonathan. “Nandito po si Kuya Jonathan. Binabantayan niya si Ate Ashlene sa taas,” sagot ng kapatid. “Nga pala kumain ka na, Ate?” “Oo kanina pa. Tara sa silid ni Ashlene,” walang kagatol-gatol na aniya. Ang gusto niya ay magkita agad sila ni Jonathan dahil sigurado siyang magugulat din ito. Wala pa man ay kinikilig na siya magiging reaksyon ni Jonathan. “Pero bakit, Ate?” Nagtaka tuloy ang kanyang kapatid. Natauhan siya sa kanyang padalos-dalos na kilos. Mali nga pala na halatado siya masyado. Dapat niyang alalahanin na wala pang kaalam-alam si Marjorie sa kanyang plano at sa kanyang nararamdaman para kay Jonathan. Dapat ay maghinay-hinay lang siya. “Uhm, kasi ano… gusto ko sanang magpasalamat agad sa kanya kasi pumayag siyang makitulog ako rito,” pagsisinungaling na lang niya. Buti na lang talaga at mabilis siyang mag-isip ng mga alibi. Nakita niyang umaliwalas na ang mukha ni Marjorie. “Ay, oo nga. Tama, Ate. Dapat ka nga talagang mag-thank you kay Kuya kahit na nag-thank you na ako sa kanya.” Ngumiti siya sa kapatid na uto-uto. Itinabi muna ni Marjorie ang bag niya saka siya nito iginiya sa silid ng mga amo. Tuwang-tuwa siyang sumunod. Kumatok muna si Marjorie sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang marangyang silid. Ipinasok nito muna ang ulo. Sumulip muna. “Kuya, nandito na po si Ate.” “Come in,” tugon ni Jonathan na narinig ni JL. Napakagat-labi siya. Grabe, boses pa lang nito ay kumakabog na ang kanyang puso. Kinikilig na siya. Kiming pumasok silang magkapatid. “Ikaw?” At katulad nga nang kanyang inasahan ay napakunot-noo si Jonathan nang makita siya. She smiled at him sheepishly. Lalo pa siyang kinilig dahil naalala siya ni Jonathan. Sobrang saya ng pakiramdam niya na ngayon lang niya naramdaman para sa isang lalaki. “Magkakilala na po kayo?” tanong naman ni Marjorie. Naglipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Takang-taka. “Uhm, yeah. Naalala ko na. Ikaw ‘yung kaibigan ni Gomer na boyfriend ng kaibigan kong si Flower, tama?” kunwari ay tanong din ni JL kay Jonathan upang hindi makahalata ang kapatid. “Ako nga,” maluwang ag pagkakangiting sagot ni Jonathan. “And you are JL, right?” Tumango siya. Ang ngiti niya ay mas naging matamis dahil pati ang kanyang pangalan ay natatandaan ni Jonathan. Tinanggap niya iyon na sign na baka may gusto rin sa kanya si Jonathan dahil naalala nito ang lahat sa kanya. “Oo. At salamat sa pagpayag mong makitulog ako rito,” kunwari ay nahihiyang pasasalamat na niya kay Jonathan. Dagdag drama. “It’s my pleasure. Maluwag naman ang bahay.” Her coffee-brown eyes gleamed appreciatively. Pakiramdam niya ay ang ganda ng pangalan niyang JL kapag si Jonathan ang siyang bumibigkas. Lalo tuloy nadagdagan ang paghanga niya para rito. Hindi lang ito guwapo, sobrang bait pa. Mas sure na siya ngayon na ito ang gusto niyang mapangasawa. “It’s getting late,” saglit ay ani Jonathan na napatingin sa pambisig nitong relo. “Magpahinga na kayo. Ako na ang bahala sa asawa ko, Marjorie. Samahan mo na ang Ate mo sa silid niyo. Bukas na lang tayo magkuwentuhan.” “Sige po, Kuya.” Bahagya na iniyuko ni Marjorie ang ulo bilang paggalang sa amo. “Salamat ulit, Jonathan,” sabi rin ni JL na hindi maitago ang labis-labis na kilig. Magkasunod silang magkapatid na lumabas. Kumaway pa siya konti kay Jonathan at inipit ang buhok sa tainga niya. Parang nagbalik siya sa pagiging dalagita. Malanding dalagita nga lang. “Ate, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” ang hindi niya nga lang inasahan na itatanong ni Marjorie sa kanya nang maglapat na sa pagsara ang pinto. “Ano ‘yon?” maang-maangan niya. Hindi naaalis ang matamis na ngiti sa labi niya. Hindi kasi talaga niya mapaniwalaan na magkasama na sila ngayon ni Jonathan sa iisang bubong. Ang gusto lang sana niya ay makita itong muli pero sobra-sobra pa ang nangyari. Nakakakilig talaga. Pinaningkitan siya ng mata ng kapatid. “Ate, hah, binabalaan na kita. May asawa na si Kuya. Bawal nang magka-crush sa kanya.” “Ikaw naman. Anong akala mo sa akin malandi? Kahit gusto ko nang mag-asawa ay hindi pa naman ako desperada much para papatol ako sa may marriage contract na,” pagsisinungaling niya. “Sure ka?” Ayaw maniwala ni Marjorie sa kapatid. Kitang-kita kasi sa mukha ng Ate niya ang kilig. Kusabagay hindi niya naman masisisi ang kanyang Ate JL. Sinong babae ba naman kasi ang hindi magaguwapuhan sa amo? Wala yata. Baka nga kung hindi siya bata masyado para kay Kuya Jonathan niya ay nagka-crush na rin siya, eh. “Oo nga,” natatawang sagot niya. “Tara na nga sa room ko. Kung ano-anong napapansin mo,” pagkuwa’y pagwawala niya sa usapan. Kumapit siya sa bisig ng kapatid at siya na ang humila rito. “Silid natin, Ate,” ngunit ay pagtatama sa kanya nito. Natigilan siya. “Silid natin? Ibig sabihin dalawa tayo sa silid mo?” “Oo, Ate. Nakakahiya naman kasi kay Kuya kung gagamit ka pa ng ibang kuwarto.” “Pero alam mo namang hindi ako sanay na may katabi. Nasanay na ako sa Hong Kong na mag-isa, eh,” katwiran niya at umaasa siya na mabubula niya ulit ang kapatid. Napakamot-noo si Marjorie. Namoblema ang hitsura nito. “Dito na lang ako sa kuwarto na ito.” Turo niya pa rin sa pinto ng isang kuwarto. Kinapalan na talaga niya ang kanyang mukha. “Pero, Ate—” “Sige na, Marjorie, diyan na lang ang Ate mo sa isang kuwarto. It’s okay,” nang bigla ay boses ni Jonathan mula sa likuran nila. Hiyang-hiya si Marjorie na napalingon sa amo. Habang si JL ang siya namang tuwang-tuwa. Ito talaga ang gusto ni JL; ang nakabukod siya ng silid sa kapatid upang magagawa niya ang lahat ng gusto niya. Kasama ito sa plano niya. Sasamantalahin niya ang pagkakataong naririto siya sa bahay ni Jonathan upang maakit niya ito. Paiibigin niya si Jonathan agad sa kahit na anong paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD