PART 13

1087 Words
"Really, Pare, nasa bahay niyo si JL? ‘Yung kaibigan ni Flower?” Hindi makapaniwala si Gomer. “Yeah. Kapatid pala siya ni Marjorie, eh,” nakatutok ang tingin ni Jonathan sa mga papeles na sagot. Kanyang binabasa ang mga profile ng mga buyer ng kanilang mga bagong model na sasakyan bago niya mga i-approve. “Saludo na talaga ako sa ‘yo. You’re such a lucky man.” Niluwagan ni Gomer ang necktie. Mukhang nainitan sa itinakbo nang malaswa nitong isipan. Halos magdugtong ang mga kilay ni Jonathan nang sulyapan niya ang kasusyo. “Anong lucky man na sinasabi mo, Pare?” “Pare, alam mong type ka ni JL kaya siguradong exciting ang susunod na mga mangyayari sa inyo habang magkasama kayo sa iisang bubong. Siguradong magiging sizzling!” Parang natakam sa isang ulam si Gomer na binasa naman ngayon ng dila nito ang mga labi. “Magtrabaho ka na nga. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo na, eh.” Binato niya ng lapis ng sira-ulo niyang kaibigan. Nakalimutan yata na may asawa na siya kaya hinding-hindi niya magagawa kung anuman ang nasa isip nito. Isa pa, baka nga pag-uwi niya mamaya ay wala na si JL dahil nakitulog lang naman ang dalaga sa bahay nila kagabi. Subalit anong gulat ni Jonathan nang umuwi siya kahit gabi na dahil nasa bahay pa pala nila ang dalaga. At ito’y lasing. Lasing na lasing si JL. “Kuya, sorry. Akala ko nag-aayos na siya ng gamit niya kanina para umuwi. Iyon pala ay umiinom siya ng alak.” Hiyang-hiya na sabi sa kanya ni Marjorie. “It’s okay. Ang mabuti pa’y kumuha ka ng tubig at bimpuhan mo siya,” dismayado man ay aniya. “Sige po.” Natatarantang lumabas nga ng silid si Marjorie. Sinamantala iyon ni JL dahil ang totoo ay naglalasing-lasingan lang naman siya. Kanina’y nag-isip siya ng paraan para hindi pa siya umalis sa bahay ni Jonathan at ito nga ang naisip niya – ang kunwari lasing siya. “Hi, Jonathan.” Kunwari ay mahilo-hilo siyang tumayo at susuray-suray na nilapitan si Jonathan. “Oh, teka, teka. Mahiga ka lang, JL.” Nabahalang inalalayan siya ni Jonathan nang kunwari’y parang matutumba siya. Hinapit ni Jonathan ang baywang niya para hindi siya matumba. Ikinawit naman niya ang dalawang braso niya sa leeg nito. Nagdikit ang mga katawan nila at napa-s**t siya sa kanyang loob-loob. Nag-init kasi agad ang kanyang katawang lupa nang kanyang maramdaman ang matipunong dibdib ni Jonathan. Nag-wet agad ang nasa pagitan ng mga hita niya. “Come. Humiga ka lang at baka matumba tayo,” ngunit parang wala lang naman na ani Jonathan. Nginitian niya ito. Grabe, mas guwapo pa pala ito sa malapitan. Ang kinis ng mukha nito. Ang lips niya, ang sarap halikan. Kung hindi nga niya napigilan ang sarili ay baka sinalabusab na niya ito ng mga halik. Buti naisip niya ang kapatid niya. Ayaw niyang makita siya sa ganoong sitwasyon ni Marjorie. Hindi bale at madami pa namang pagkakataon basta mananatili lang siya sa bahay na ito. “No. Ayokong humiga, Jonathan. Gusto ko rito. Dito sa mga bisig mo,” sabi na lang niya. Kinapalan na lang niya ang mukha. Nang hindi umiwas si Jonathan ay yumakap na siya rito. Mahigpit na yakap. Alam naman nito ay lasing siya kaya okay lang naman siguro ang yakap lang. “T-teka, JL,” angal na naman dapat sana ni Jonathan pero parang tulog na si JL na nakayakap sa kanya. Nagtatakang napalunok siya ng kanyang laway. Nararamdaman na niya kasi ang malambot na katawan at lalo na ang mga malulusog na dibdib ni JL. Unti-unti ay nadadarang siya hanggang sa kumislot at kumapal na nga ang p*********i niya sa may loob ng brief niya. Hindi niya gusto ang nararamdamang iyon pero hindi naman niya mapigilan. “Naku, Kuya!” Mabuti na lang at dumating na si Marjorie. Dala na ng dalaga ang maliit na palanggana. “Marjorie, gusto niya kasing tumayo kanina pero hindi niya kinaya kaya ganito natumba siya,” mabilis na paliwanag ni Jonathan. Kunwari ay lumupaypay naman na ang katawan ni JL. Nagtulungan sina Jonatahan at Marjorie na ipinahiga ulit ito sa kama. “Kuya, sorry talaga,” hinging paumanhin ulit ni Marjorie sa amo pagkatapos. “Okay lang ‘yun. Naiintindihan ko naman. Sige na banyusan mo na ang Ate mo para maginhawaan siya.” “Sige po, Kuya.” Akmang iiwanan na ni Jonathan ang magkapatid nang nag-iiyak si JL. “Ayoko munang umuwi, Marjorie. Dito muna ako, please? Ayoko munang umuwi sa atin. Natatakot pa rin ako sa lalaking ‘yon. Baka kapag umuwi ako ay kung ano ang gagawin niya sa ‘kin.” “Ate, hindi puwede,” tugon ni Marjorie habang pinupunasan ang kapatid sa mukha. “Sige na, Marjorie. Maawa ka sa ‘kin. Dito na lang ako. Ayokong umuwi.” Napatingin si Marjorie kay Jonathan. Nanghihingi ng pag-unawa bago ipinagpatuloy ang pagpupunas sa kanyang Ate JL. Natitig naman si Jonathan sa mukha ni JL. Sa kanyang tingin ay may pinagdadaanan nga talaga ang dalaga dahil hindi naman ito siguro magpapakalasing ng ganoong kalala kung walang malaking problema. Siguro’y problema nga nito talaga ang lalaking paulit-ulit nitong sinasambit. Iyong stalker daw nito. At dahil hindi naman bato ang puso niya para paalisin ang isang tao sa bahay niya kung alam niyang mapapahamak ito sa pupuntahan ay nabuo ang kanyang pasya. “Marjorie?” “Kuya?” Lumingon sa kanya ang dalagang nurse. “Kapag ayaw pang umalis ng Ate JL mo’y hayaan mo na lang siya dito. Ayos lang naman.” “P-pero, Kuya, nakakahiya naman po sa inyo.” “Ayos lang talaga. Maluwag naman tayo rito sa bahay kaya walang problema.” Nagliwanag na ang mukha ni Marjorie. “Salamat, Kuya. Salamat po talaga. Ang totoo kasi nag-aalala rin ako sa kanya kapag umuwi siya.” “Kaya nga hayaan mo na lang kung ang gusto niya ay dumito muna kaysa mapahamak siya. It would be safer for her if she stays here temporarily.” “Sige po, Kuya. Salamat po ulit. Kakapalan ko na po ang mukha ko.” Ang hindi nila alam ay lihim nang nagdidiwang ang kalooban ni JL sa mga sandaling iyon. Wagi na naman ang kanyang plano. Ang galing niya talaga. Umpisa pa lang iyon dahil sisiguraduhin niyang doon na siya titira sa bahay na iyon kasama si Jonathan, pati na ang magiging anak nila. Wala nang makakapigil sa mga gusto niyang mangyari. She will become Jonathan’s wife no matter what happens.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD