Nine

1760 Words
KUNG ipinanganak siguro ang tao na nakalaklak ng isang swimming pool ng Milo, si Jace `yun. Dahil wala itong ka-energy-energy gap sa katawan at napakarami nitong lakas para mangulit buong maghapon sa araw-araw na ginawa ng Diyos. `Di lubos maintindihan ni Nadia kung talagang bored lang ba ang binata at kamalas-malasan na siya ang nabunot nitong istorbohin. Magugulat na lang siya na nasa tabi na niya ito at magpapansin na parang bata na kulang sa atensyon. Kasalukuyan silang nag-eexercise sa loob ng gymnasium ng center. Tuwing 4:40 AM scheduled ang lahat na mag-join sa health and fitness therapy na kasama sa programa ng LHRC. Isa sa epektibong way para mabawasan ang mga stress ay ang regular na pag-eexercise. Mandatory iyon at hindi puwedeng hindi sila sasama unless na may valid reason katulad ng masama ang pakiramdam. Pilit sumasabay ang mga resident sa zumba steps ng kanilang baklang instructor na si Mr. Willy. Masigla itong sumasayaw sa unahan. “Push to the left, push to the right! Single-single, double-double. And push! And Push! And Push! Good job, everyone!” matining ang boses nito na mas malakas pa sa dance music na tumutugtog mula sa speakers. Panay ang pag-push ng kanilang mga braso sa kaliwa’t kanan na tila may tinutulak na pader at may kasamang pag-alog ng dibdib, kembot, at foot work. Easy lang at madaling sabayan ang steps na ginagawa ni Mr. Willy lalo pa at nakagagana ang masigla nitong boses. Lahat ay game na game sa pagsu-zumba. Maging si Jace na nakasuot pa ng complete gym clothes na puro may tatak ng malaking check. Ang dapat sanang:“Thank you Lord for another wonderful day” na mantra ni Nadia tuwing umaga ay nagiging: “Hay naku! Heto na naman ang gunggong!” sa tuwing nilalapitan siya ni Jace. “Good morning, Nadia!” buong siglang bati nito. “Walang good sa morning na `to at sa mga nakaraang umaga ko `pag nakikita ko `yang pagmumukha mo,” pagtataray ni Nadia saka binigyan si Jace ng katakot-takot na irap. Tumingin siya sa harapan at nagpatuloy sa pag-follow sa steps ni Mr. Willy. “Ikaw naman, masyado kang harsh sa `kin. Ang aga-aga ang sungit mo. Ikaw rin, sabi nila mabilis tumanda ang mga masusungit.” Nakangising nilapit ni Jace ang mukha nito kay Nadia. “Push to the left! Push to the right!” Buong effort na pinush ni Nadia ang kanang kamay pakaliwa at sinadya niyang tamaan sa mukha si Jace. “Aw!” Natumba ito sa sahig habang hawak ang tinamaang ilong. Lihim na napangisi si Nadia tapos kunwari ay apologetic siyang lumuhod at dinaluhan ito. “Ay! Sorry! Ikaw kasi, lapit ka nang lapit alam mo namang nag-eexercise tayo.” Akala ni Nadia pagtapos ng insidenteng `yon ay matatauhan na ito at hindi na siya lalapitan. Pero nagkamali siya. “Good afternoon, Nadia!” Lumitaw muli si Jace sa gilid niya. Patungo dapat siyang garden. Nagbuga siya nang malakas na hangin, agad itong nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad. “Maganda na sana ang hapon ko kundi lang kita nakita.” Parang asong susunud-sunud lang ito sa kanya. “May juice ako rito, anung gusto mong flavor? Orange or apple?” Hindi pinansin ni Jace ang pagtataray niya. Pinakita nito ang hawak na dalawang bote ng malamig na inumin. “Wala,” malamig pa sa yelo na sagot ni Nadia. “Anu ba’ng favorite mong flavor? Grapes? Pandan? Nata de Coco?” Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad na tila hindi ito nag-eexist. “Lychee? Pineapple? Mango? Green Mango? Four season?” No reaction pa rin si Nadia. “Buko? Avocado? Strawberry? Raspberry? Blueberry? Blackberry?” `Di pa rin siya kumikibo. “Ah! Alam ko na! Jace flavor gusto mo?” Napahinto si Nadia at pinukol ito ng matulis na tingin. Aba! At nakakainit talaga ng ulo ang mga banat nito. Ginawa pang flavor ang sarili. Ngiting panalo si Jace. “Uy, gusto niya.” “Feeling mo! Lumayas ka nga sa harapan ko!” Maging sa pagsapit ng gabi ay hindi siya nito tinitigilan. Kakatapos lang ni Nadia maligo. Kagagaling niya lang sa girls common bathroom at naglalakad na siya mag-isa sa hallway pabalik ng girls dormitory. Nagpupunas siya ng basang buhok nang bigla muling lumitaw ang asungot. “Good evening, Nadia!” Kahit kaliligo niya lang ng malamig na tubig ay umiinit na naman ang ulo niya. “Walang good sa evening—” “Dahil nakita mo na naman ako?” Napangisi siya. “Buti alam mo.” “Bakit ba napaka-init ng dugo mo sa `kin? Gusto ko lang naman makipagkaibigan.” Humalukipkip ito at bahagyang nag-seryoso. Pumikit si Nadia at humugot ng hangin at pilit na pinakalma ang sarili. Ilang sandali at dumilat siya at muling hinarap si Jace. “Wala `kong plano na makipagkaibigan sa katulad mong bastos, feelingero, mahangin, at higit sa lahat, GGSS!” Kumunot ang noo nito. “GGSS?” “Gwapong-gwapo sa sarili!” Umismid si Jace. “Hindi ako GGSS dahil talagang gwapo ako.” Pinatong pa nito ang baba sa isang kamay at pumosing ng Mr. Pogi.  “Ha! GGSS ka nga!” “Why? Don’t tell me na hindi ako gwapo sa paningin mo?” Humakbang si Jace palapit sa kanya. Yumuko ito at pumantay sa mukha niya. He pouted his lips. He looked like a lost puppy. Ngumiwi siya. “Hindi.” “Malabo ba ang mata mo? Lahat ng babae sinasabi na ako ang pinakagwapong lalaki na nakilala nila, tapos ikaw, hindi? I don’t think so. Wala naman masama kung aaminin mong naga-gwapuhan ka sa `kin.” Si Nadia naman ang humalukipkip. “Excuse me! Beauty is in the eye of the beholder. So kung `di ka gwapo sa mga mata ko, hindi ka gwapo. Period!” Naningkit ang kumikinang na mga mata ni Jace. Humakbang pa ito palapit sa kanya at humakbang naman agad siya paatras. “Don’t you know that you’re not good at lying?” He stepped forward. “I’m not lying. I’m telling the truth. I don’t find you attractive.” She stepped backward. Jace smirked, stars were twinkling in his eyes. “Talaga? Mamatay? Cross your heart?” He stepped forward again. She stepped backward, twice. “Oo!” “Are you sure you don’t find me attractive? Baka kainin mo ang sinasabi mo.” He stepped forward, twice. Humakbang ulit si Nadia paatras. Kasamaang palad ay humalik nang likuran niya sa pader at wala ng mauusugan pa. Tinaas ni Nadia ang baba niya at nakipagtitigan sa binata kahit pa tila mabigat na bato ang mga tingin nito na dumadagan sa kanyang dibdib. Halos hangin na lang ang pagitan nila ni Jace. “I’m one hundred and one percent sure.” Tumaas ang sulok ng bibig ni Jace. Nilapat nito ang dalawang palad sa magkabilang gilid ni Nadia. Ngayong ganito sila kalapit sa isa’t isa ay saka lang niya napagmasdan mabuti ang mukha ng binata. Natural na mahaba at mapilintik pala ang mga eyelashes nito. Saktong-sakto din ang tangos ng ilong ni Jace. Hindi sobra at hindi kulang. His square jaw was sharp as a blade. Katamtaman ang pagkakalubog ng pisngi nito. Perfectly fitted ang bawat parte ng mukha ng binata. Hindi nakapagtatakang napakaraming babae ang nahuhumaling sa kagwapuhan nito. Jace pierced Nadia with his dark eyes and dangerous smile. Any woman no doubt will be under the spell of this daredevil. One look and he could put you down on your knees begging for his attention. Hindi na namalayan ni Nadia na kanina pa pala siya nakatitig sa mukha ni Jace. Tuluyang bumaba ang tingin niya sa labi nito na manipis para sa isang lalaki. Parang labi ng babae kung titignan. Mapula at mukha din iyong malambot. Napalunok siya nang madiin at biglang uminit ang pakiramdam niya matapos pumasok sa isip ang imahe nilang dalawa na naghahalikan. Nadia suddenly wonders how his lips would taste like. Malakas ang kutob niyang magaling itong humalik. Gaano nga kaya kasarap ang labi ng isang Jace Devenacia upang mawala sa ulirat ang mga babae rito? Lumabi si Jace at nagkaroon si Nadia ng chance na masilip ang dulo ng dila nito. Kinagat pa nito ang ibabang labi at tila slow motion ang galaw niyon sa mata niya. How could a man be so damn hot by just licking and biting his lips? Pati tuloy si Nadia ay napakagat-labi na rin. Ni hindi na niya napansin na isang pulgada na lang ang distansya ng mukha nila sa isa’t isa. “Nadia...” Jace’s husky voice vibrated into her chest. It sent thousand icy shivers over her skin. “I badly want to kiss you right now. Pero ayokong mas maging panget ang image ko sa `yo.” Sapat na ang mga sinabi nito upang tumirik ang mga balahibo ni Nadia sa katawan at ayaw man niyang aminin ay umabot ang kilabot hanggang sa pagitan ng mga hita niya. Oh, s**t! She’s getting aroused by his voice! Nagtaas baba ang adams apple ni Jace. Bakit kahit sa paggalaw lang ng lalamuna nito ay tila kinikilit na siya? “Kaya magpapaalam muna ako. Can I kiss you?” Ki—k—ki—k-kiss?! Napakurap-kurap si Nadia at kumabog nang sobrang lakas ang dibdib niya. Paulit-ulit niyang naririnig ang huling salita nito sa isip niya na parang sirang plaka. Can I kiss you? Can I kiss you? Can I kiss you? Can I kiss you? Can I kiss you? Napigil ni Nadia ang paghinga at kasalukuyang nagkakaroon ng matinding debatuhan ang isip at nag-iinit niyang katawan. Gusto niyang sumagot ng “YES!” nang nakarinig sila ng mabibigat na yabag na paparating. Agad niyang tinulak ni Jace palayo sa kanya. Naabutan sila sa gano’ng sitwasyon ng dalawang rumorondang staffs from night shift. “Anu pa ang ginagawa niyo ritong dalawa? Oras na para matulog. Bumalik na kayo sa kanya-kanyang dormitory,” sabi ng matandang babaeng sa gitna. Pulang-pula ang mukha ni Nadia. “Opo.” `Di na siya nag-abala pang tignan si Jace dahil nagmadali na siyang naglakad paalis. Nang makapasok sa loob ng females dormitory ay agad siyang tumakbo patungong kama niya, nagtago sa ilalim ng kumot, at sinubsob ang mukha sa unan. `Saka niya nilabas ang kanina pa pinipigilang tili. “HMMMMMMMM!” Holy mother Queen! Muntik na silang mag-kiss ni Jace!!! #LendeMengBeteKe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD