Fourteen

2552 Words
“THANK YOU po Doc Xander,” tumayo si Nadia sa upuan at nakangiting nagpasalamat sa binata. Tapos na ang kanilang counselling. Nag-kwentuhan lang sila ng mga bagay-bagay at naging smooth naman ang lahat. Sa katunayan ay nagtatawanan lang sila na para bang matagal na silang magkakilala. “Your welcome, Nadia.” Ngumiti si Xander. Naglakad na siya patungong pinto. Pinihit niya ang door knob nang tawagin siya uli nito. “Nadia.” Agad siyang lumingon. “Bakit po, Doc?” Tumayo si Xander, tumingin sa wrist watch at bumalik ang atensyon sa mukha niya. “Lunch time na rin pala. Let’s eat.” Mabilis nitong inayos ang mga papeles at pinasok sa loob ng drawer sa ilalim ng desk saka naglakad palapit sa kanya.  Nabigla man ay sumang-ayon na rin si Nadia. “Sige po, Doc.” Pinagbuksan pa siya nito ng pinto at pinaunang lumabas. Napangiti siya at nagpasalamat. Sabay silang naglakad ni Xander patungong dining area. Ang totoo ay magaan ang loob ni Nadia sa binata. Nung una ay nahihiya talaga siya rito dahil nasaktan niya ito. Pero matapos ang kanilang therapy session ay unti-unting naging panatag ang loob niya sa binata. Bukod sa mabait at matalino ay may sense of humor din itong kausap. “Good afternoon, Doc Xander!” Bumati ang isang babae at isang lalaking nurse na kanilang nakasalubong pagkaliko nila sa susunod na hallway. Bumati pabalik si Xander sa mga ito na may magandang ngiti. Marami pa ang pumansin sa gwapong doktor maging iyong ibang mga residents ay magiliw sa binata. Tahimik lang na nagmamasid si Nadia. Mukhang malapit talaga ito sa mga tao sa loob ng Love and Hope at hindi na niya `yun ipagtataka. “Doc, ang dami niyo palang fans dito sa center `no? Mapa-nurse, staff o kahit residents ay magiliw sa inyo,” hindi niya napigilang komento. Napangisi ito at simpleng sumulyap sa kanya patagilid. “Hindi naman ako artista para magkaro’n ng fans. Normal lang naman ang pakikitungo sa `kin ng lahat. I don’t see anything special with that.” Ngumuso siya. “Pero ang gandang lalaki mo, Doc. Matangkad ka pa, matalino, at higit sa lahat mabait. Bakit hindi ka na lang mag-artista? Sigurado `kong lalampusihin mo sina Piolo, John Lloyd at Alden!” Natawa ito sabay umiling. “I don’t have any talent para mapunta sa showbiz. Parehong kaliwa ang paa ko. Gusto ko man kumanta pero ayaw sa `kin ng mga kinakanta ko. Mas lalong hindi ko kayang umiyak sa harap ng camera.” “May workshop naman, Doc. For sure, matutunan mo rin `yun.” “Hmm. I’m already good and happy with my profession.” Tumungo-tungo siya. “Sabagay, mukhang para sa `yo naman ang pagiging doktor. Malapit ka nga sa mga resident. If you don’t mind me asking, Doc. Bakit niyo ho pala naisipan maging Psychologist?” Nakarating na sila sa dining area. Si Xander muli ang nagbukas ng pinto para sa kanya at pinauna siyang pumasok. Napapangiti si Nadia sa pagiging gentleman nito. Sabay silang naglakad patungo sa kaliwang bahagi ng maliit na canteen kung nasaan ang display ng mga pagkain at saka tumayo sa dulo ng pila. May mga bumati uli sa binata. Walang tao na hindi nakapapansin dito mula pa kanina. Pinasok ni Xander ang dalawang kamay sa bulsa ng puti nitong lab gown. “At first, I’m just fascinated to study human behaviours. Bata pa lang observant na `ko sa paligid ko lalo na sa mga tao. I wanted to know the science behind the human brains and how it works. Pero nung malapit na akong maka-graduate sa med school. Naghiwalay ang parents ko dahil sumama ang Daddy ko sa kabit niya at iniwan niya kami. “Since then, nagkaroon ng nervous breakdown si Mommy. She became worser and worser each day. Nung una, alcohol lang hanggang sa one time nahuli ko siyang gumagamit ng shabu. Because I’m too busy in studying and taking care of my younger sister. I wasn’t able to keep an eye on her. Malala na pala ang addiction niya so we had to sent her to the rehab. “Nung una she’s able to get back to her old self. `Yun nga lang after a few months she got a relapse. Bumalik ulit ang addiction niya so we had to sent her back again. But she became worser than ever. She became violent and suicidal. The psychiatrist adviced us na kailangan na siyang dalhin sa mental hospital.” Nanikip ang dibdib ni Nadia sa mga narinig. Sa likod pala ng mga ngiti ni Xander ay may mapait itong nakaraan. “I’m sorry to hear that, Doc.” Bumuntong hininga ito at maliit na ngumiti. Ngunit hindi umabot ng mata nito iyon. “She’s doing fine inside the mental. Every once in a while binibisita ko siya. Since then, I promised myself to help those who are suffering in mental illness. I saw how addiction has ruined my mother’s life and how it badly affected our family. Ako ang tumayong magulang sa little sister ko and we have to be on our own. It’s not easy. Pero kinailangan kong maging matatag dahil kaming dalawa na lang ang magkasama. Ayokong mangyari sa ibang anak ang nangyari sa'`min ng kapatid ko.” Saglit na katahimikan ang namagitan sa dalawa. Nagtama ang mata nila at sa mga sandaling iyon ay nababasa ni Nadia ang kalungkutan sa mga mata ni Xander. She can’t help but feel symphatetic towards him. Nadia understands much it hurts to lose someone precious to you. Kung tutuusin ay maswerte pa siya dahil kahit nung namatay ang mommy niya ay nandun pa rin si Nathaniel upang bigyan siya ng magandang buhay at pagmamahal. Unlike Xander who had to struggled everything on his own. Nadia wanted to give him a hug pero alam niyang hindi naman sila close. So instead, she slowly reach for his right wrist with both of her hands and gently squeezed it. Bahagyang nanigas si Xander sa kinatatayuan at napatingin sa mga kamay niya. She looked at him in the eyes with softness reflecting on her face. “You did a great job, Doc Xander. Sa kabila nang nangyari sa mommy mo at sa pamilya niyo. I’m sure that she’s very proud to have a son like you.” Natigilan ito at dahan-dahang napalunok. Nagtagal pa ng ilang segundo ang tinginan nila hanggang sa na-realize ni Nadia na hindi niya pa rin pala binibitiwan ang pulsuhan nito. Agad niya `yun pinakawalan na tila napaso at alanganing ngumiti sa binata. “Ay, sorry, Doc.” Tumikhim si Xander at namula ang magkabilang pisngi. “It’s okay. Thank you, Nadia. I appreciate what you said.” Nakagat ni Nadia ang ibabang labi at nag-iinit ang mukha na tumingin sa binata. Masyado ata siyang naging touchy at feeling close baka kung anu ang isipin nito. Napahawak si Xander sa batok at maliit na ngumiti habang nakatingin sa kanya. Lalo tuloy siyang na-concious. Tumagal pa ang awkward nilang palitan ng ngiti at tingin hanggang sa namumuo na ang butil ng pawis sa kanyang noo at mga palad. “Doc, anu pong gusto niyong ulam?” Naputol ang tinginan nila nang magsalita ang canteen staff. Sila na pala ang susunod sa pila. Wew. Na-saved siya roon. Pinauna siya ni Xander na mamili ng pagkain. “Ikaw muna, Doc.” “No, you go first.” Hindi na siya tumangi at tumingin na lang sa nakahandang menu for the day. Ituturo niya sana ang kare-kare nang maalala niya si Riko at ang mga health tips nito. Kung kaya one cup of rice at pinakbet na lang ang pinili niya. Pumili naman ng kare-kare si Xander, one cup of rice at dalawang bottled juice para sa kanila. Pumuwesto sila sa pinakamalapit na bakanteng table malapit sa pintuan. Takam na takam nang kumain si Nadia nang biglang kinuha ni Xander ang kutsara at tinidor niya. Pinunasan muna nito iyon gamit ang tissue bago binalik sa kanya. Kagat labing tinangap niya `yun. “Thank you, Doc.” Ngumiti ito at nagsimula na silang kumain. Tahimik lang silang dalawa. Habang sumusubo ay panakanaka ng tingin si Nadia sa kaharap. Nakayuko lang ito at abala sa kinakain. For some reason ay biglang naging irregular ang pagtibok ng dibdib niya at para bang gusto niya lang itong pagmasdan buong araw. She feels delighted by just simple staring at his handsome face. Para bang nakikisabay ang tadhana sa kanya at biglang tumunog ang kantang “Kapag Tumibok ang Puso” ni Donna Cruz sa speaker sa dining area. ♫  Sharam sharam shararam. . . Sharam sharam shararam. Sharam shararam. Aaaahhhhhhhh... ♫ Oh no, bakit ganito ang t***k ng dibdib ko? Wala naman akong maalalang may history kami ng ashtma? Napahawak si Nadia sa dibdib habang kinakausap ang sarili. ♫ Heto na naman naririnig. Kumakaba-kaba itong dibdib. Lagi nalang sinasabi. Pwede ka bang makatabi? ♫ Nag-zoom in ang buong atensyon niya kay Xander. Bigla itong pinalibutan ng glowing effects, paru-paru at mga puso. Madiin na napalunok si Nadia. ♫ Kahit sandali lang pweda ba. Sana pagbigyan sige na? Muhkang tinamaan yata ako... ♫ Tugtug. Tugtug. Tugtug. Nag-chuva choo choo na ang beat ng puso niya. EMERGERD! Kailangan na ata niya magpatingin sa Cardiologist! ♫ Kapag tumibok ang puso. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso. Lagot ka na. Siguradong huli ka... ♫ Biglang nag-angat ng tingin si Xander. Nanlaki ang mga mata ni Nadia at mabilis na nagbaba ng tingin sabay sunud-sunud na sumubo ng kanin na para bang isang buwan siyang gutom. Nakalimutan na nga niya na magsandok ng ulam. Nalagot na dahil nahuli siya nitong nakanganga. Baka tumutulo na pala ang lawat niya ng hindi niya napapansin. #HuliKaBalbon Habang nakayuko si Nadia ay simpleng tumaas ang sulok ng bibig ni Xander. Matapos ang limang segundo ay dahan-dahang nag-angat ng tingin si Nadia upang sulyapan uli ang binata. Sa gulat niya ay nakatingin pa rin pala ito. Bigla tuloy siyang nabilaukan sabay naubo nang malakas. Nataranta naman agad si Xander at inabutan siya ng isang baso ng tubig. “Okay ka lang?” Panay ang ubo niya at hindi siya makasagot. Agad niyang ininom ang tubig habang mahinang hinahampas ang dibdib. Lumipat si Xander sa tabi niya at hinimas ang kanyang likuran. “Hey, can you breathe normal?” Tumungo-tungo si Nadia sa pagitan ng pag-ubo at pag-inum ng tubig. Bakas sa nakakunot nitong noo ang labis na pag-aalala sa kanya kahit pa nabilaukan lang naman siya. Ilang sandali pa at umayos na ang lagay niya at nakahinga na siya nang maluwag. “Thank you, Doc. Okay na ako,” aniya. Maluha-luha pa siya sa pag-ubo. Binigyan ni Nadia ng maliit na ngiti ang binata pero mentally ay tinutuktukan na niya ang sariling ulo sa pagiging clumsy. Nakahihiya tuloy kay Dr. Xander. #BawasGandaPoints “Dahan-dahan lang kasi ang pagsubo para hindi ka mabilukan.” Sabay silang napatingala ni Xander sa may-ari ng boses. Naroon si Jace na nakatayo sa harapan nila. Nakangisi ito na obviously ay nakita ang nakakahiya niyang eksena at pinagtatawanan pa siya nito. Walang paalam na umupo ito sa table nila. Naku naman! Nandito na naman ang asungot. Kung dadalawin ka nga naman ng kamalasan! Tumikhim si Xander. “Jace, why you didn’t come this morning? You were scheduled for a counselling,” tanong nito. “Tinanghali kasi ako ng gising Doc, eh. Next schedule na lang,” sagot ni Jace sabay kibit balikat. Lihim na nagngingitngit si Nadia lalo na’t hindi pa nawawala ang inis niya kay Jace sa pamababastos nito sa kanya at sa pag-aaway nila. Wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga na lang at ituloy ang pagkain bilang ayaw niyang makipagbangayan rito sa harap ni Dr. Xander. “You should come to the counselling, Jace. It’s very important. Next time, I won’t accept your laziness as a reason.” Kumibit balikat ulit ito halatang lumusot lang sa tenga nito ang mga sinabi ni Xander. “Sure, Doc.” Inabala na lang ni Nadia ang sarili sa kinakain nang biglang pinunasan ni Xander ang gilid ng bibig niya gamit ang panyo nito. “May naiwang kanin.” Nag-init lalo ang pisngi niya sa magkahalong hiya at kilig. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Jace sa dalawa at lihim na nagtigas ang bagang. Natapos silang mananghalian. Nagpaalam na si Xander na babalik na sa office nito. “I’ll go ahead.” “Thank you, Doc Xander. Bye, ingat ka!” Ngumiti si Nadia at nag-wave sa binata. Naiwan siya sa tapat ng pinto ng dining room at pinagmamasdan itong mawala sa kanyang paningin. Napabuntong hininga siya habang tila nananaginip pa sa cloud nine. Hindi niya namamalayang nakangiti na siya ng mag-isa. “Bigla atang sumanib si Maria Clara sa katawan mo.” Nakapamulsang tumayo si Jace sa gilid niya. Mabilis na nalusaw ang ngiti sa labi ni Nadia at umasim agad ang mood niya. Matalim niyang tinignan ang katabi. “What?” Ngumisi ito nang nakakaloko sabay umaktong mahinhin na babae.  “Thenk ye, dek Xender. Bey, inget ke.” Kunwari’y inipit nito ang buhok sa tenga at ginaya ang akto niya. Napanganga si Nadia. Ganoon ba siya ka-arte kanina? Parang hindi naman. Sa inis niya’y hinampas niya si Jace sa braso. “Tumigil ka nga diyan! Ang OA mo!” Mabilis na nawala ang pagiging dalagang Pilipina niya makita niya lang ang pagmumukha nito. “Bakit ang hinhin mo `pag kaharap mo si Dr. Xander? `Yan! Ganyan dapat ang ipakita mo sa kanya. Ang tunay mong anyo na isang amazona!” Tinuro-turo nito ang mukha niya. Mas lalo niya itong pinaghahampas nang malakas. “Sinung amazona? Excuse me! Normal ako makitungo kay Doc Xander. Sa `yo lang ako nagiging beast mode dahil makita ko lang ni anino mo, kumukulo na ang dugo ko!” Sinasangga nito ang mga hampas niya habang tatawa-tawa. “Asus! Plastic mo! Kunwari ka pa! Pa-cute ka lang kay Dr. Xander. Hindi bagay sa `yo maging si Maria Clara. Mas maganda ka kapag ikaw si Gabriella Silang!” “Tumigil ka na!” Nagpatuloy pa siya sa paghampas nito hanggang sa naalala niya na may atraso nga pala ito sa kanya at hindi sila bati. Tumigil siya sa ginagawa. “Teka nga, bakit nga ba kita kinausap? Hindi ko dapat kinakausap ang katulad mong bastos!” Inirapan niya ito sabay humalukipkip. Nalusaw ang ngiti sa labi ni Jace. Namutla ito at napahaplos sa batok. Humugot ito ng hangin sa dibdib. “Nadia, about last time... I’m really so—” “Ate Nadia!”  Sabay silang napalingon sa likuran. Masiglang tumatakbo palapit si Riko. Agad nitong niyakap ang braso ni Nadia. “Nandito ka lang pala. Tara sa garden!” “Sige.” Tinignan ni Riko ni Jace. “Sama ka rin Jace?” Napangiti si Jace at sasagot na sana pero naunang nagsalita si Nadia. “Busy siya. Tara na!” Agad niyang hinatak si Riko at nagmamadaling naglakad paalis. Naiwan si Jace at nagbuga ng mabigat na hangin.  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD