Ang daming katanungan na pumapasok sa isipan ko. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa sakit ng anak ko at kung meron bang gumagaling dito. Isang linggo na kami dito sa hospital mula nang ma admit si, Bryce. Nalaman din ni Skye ang nangyari sa kanya dahil kay tita Belinda kaya wala akong nagawa nung dinalaw niya ang bata. Halos ayaw nang umuwi si skye at lagi na lang din dito naka bantay kay Bryce sa hospital. I know na mahal na mahal niya si Bryce dahil halos sila itong magkasama sa loob ng pitong taon, nung tanungin ko siya about sa sintomas na lumabas nito kay bryce. Ang sabi ay hindi naman daw niya nakitaan ng ganun ang bata. Ni minsan daw ay hindi niya nakitaan ng mga ganung sign si Bryce dahil bibo at makulit itong bata. Kaya nagulat pa siya nang sabihin ko sa kanya ang sakit nito

