"Bakit mo sinabi kay Skye yon?" Na iinis na inagaw niya ang kanyang cellphone dito. "At bakit hindi ko sasabihin sa kanya yon? alalahanin mo Richelle asawa na kita at lahat ng sayo ay may karapatan ako kahit pa ang pag hinga mo." Angil nito sa kanya na tinignan siya ng masama "No! wala kang karapatan sa akin dahil kinasal lang tayo dahil sa mga magulang natin at kahit kailan ko gustohin na ipa annual ang kasal natin ay gagawin ko." Gigil na turan ko sa kanya. Nakita niya na mas lalo pa itong nagalit sa sinabi niya kaya hinablot nito ang kanyang braso. "Hindi mangyayari yon atat na atat kana man atang ipaannual ang kasal natin gayong kanina lang tayo ikinasal. Dahil ba sinabi ng boyfriend mo na uuwi siya ng pilipinas kaya ganon nalang ang kagustohan mong maiannual ka sa akin?" Naramdaman

