Lumipas ang isang buwan at ngayon ay dalawang buwan mahigit na ang aking tiyan. Tumindi din ang aking morning sickness sa araw araw na nagdaan kaya halos hindi na pumasok si Brylle sa opisina nito. Naging maayos din ang kalagayan ni Bryce na siya naman labis namin na ikinatuwa. Plano na din ulit namin siyang papasukin sa school para ma enjoy niya ang pagiging bata na katulad ng iba. Lalo na at hindi na dumadalaw sila ni Skye dahil umuwi daw ito sa Florida. Noong una ay nagtataka ako kung bakit umalis ng bansa ang mag ama na hindi man lang nagpaalam sa amin ni Brayce. Hindi gawain ni Skye ang hindi nagsasabi sa akin ng mga plano niya. Kaya labis akong nag taka. Pero tulad ng sabi ni Brylle baka mayroong emergency kaya hindi na niyang nagawa pang magpaalam sa akin at kay Bryce. Hindi ko na r

