Chapter 2

949 Words
"Wow! ang ganda pa rin talaga ng resort na to Bry." Bumalalas ko ng dumating kami dito sa secret paradise resort. "Para ka talagang bata" Iiling iling na sabi naman niya sa akin at inakbayan na ako papasuk sa secret paradise hotel kung saan kami mag che check in. "Ang KJ mo talaga kahit kailan." ungot ko sa kanya sabay pag nguso. "Ang ganda talaga dito Bry! gusto ko dito ako mag de debut at mag pakasal" Wala sa loob na turan ko. "Bakit?" Tanung pa ko ng tumigil ito sa paglakad. "Ang bata mo pa para isipin ang pag papakasal Chelle." Saad nito sabay gulo sa akin buhok. "hmmm gusto mo ba dito mag debut? maganda din yang naisip mo na dito na lang natin I celebrate ang 18th birthday party mo, at ako ang magiging escort mo" Sersoyong sabi niya sa akin. "Pwede ba yun? panu kung my boyfriend na ako non? diba siya ang dapat maging escort ko at last dance ko?" nakangiting saad ko sa kanya na siya naman pag babago ng expression ng mukha niya. "Di ka pa pwedeng mag boyfriend hangga't di kapa tapos mag aral." mariing sabi niya sabay talikod sa akin at pumunta na sa mga kasamahan naming nag aantay sa aming dalawa. "Minsan di ko talaga mabasa ang laman Ng utak Ng lalaking yun kainis" Bulong ko pa sa aking sarili at sumunod na din dito. "Hi Rich" Bati sa akin ni bobby. Isa sa ka klase at kaibigan namin. "Hi Bobby hi guys" Ganting bati ko dito at sa ibang ka klase namin na nakangiti. "Hi Bry kumain na ba kayo?" Nakangiting bati ni Madeline ky Bry. Nauna kasi ang mga ito dito sa resort at sumunod na lang kami ni Bry, dahil nga tinanghali na ako ng gising. "Hi Madeline! Di pa kami kumakain, kayo ba?" ako na ang sumagot sa tanung nito dahil halatang wala sa mood maki pag usap ni Bry sa kanya. "Ganun ba. tamang tama hindi pa din ako kumain sabay na tayo Bry." Malanding wika nito sabay pulupot ng mga braso sa bisig ni Brylle at hinila na ito papasok sa loob ng kainan sa hotel. Hindi man lang ako pinansin nito, napabuntong hininga na lang ako sabay iling na sinundan ng tingin ang dalawa. "Halika na Rich samahan na kita kumain di pa rin kasi ako nag almusal kanina at nandon na din ang iba nating kaibigan" nakangiting aya sa akin ni bobby. tumango na lang ako dito at nauna nang humakbang papasok sa loob ng restaurant. Nabigla pa ako ng pag pasok ko sa loob ng restaurant ay ang nakasimagot na mukha ni Bry ang nakasalubong sa amin. "Bat ang tagal mo sumunod?" Halatang naiiritang saad niya sabay tingin sa likod ko kung saan nakasunod si bobby sa akin. "Kaya naman pala natagalan ka nakikipag ligawan kapa ata." Malamig na turan niya. "Nakipagligawan agad? eh iniwan mo lang kaya ako basta basta dun at sumama ka kay Madeline" Pairap kong saad sa kanya at nauna nang lumakad sa mesa kung saan si medaline at ang dalawa kong malapit na kaibigan nakaupo at iba pa naming kasamahan. umupo ako sa tabi ni shiela at nakita kong mayroon nang naka handang pag kain, my bacon at hotdog na sa plato, alam kong akin yun dahil my nakatabing pineapple juice na paborito kong inomin sa almusal "Hey Rich sang room ka naka check in? don narin ako para mag kasama tayo, ayaw ko kasama itong c Maybelle sa Isang kwarto at balahura ito," tanong ni shiela. "Hoy shiela grave ka mag sabi sa akin ng balahura eh mas matindi kapa nga sa akin" Irap naman ni Maybelle dito na ikinatawa namin. Alam naman namin na biruan lang nila yon ganun kasi kaming tatlo pag mag kasama. Maliban kay Brylle. Sila shiela at Maybelle ang malapit ko pang kaibigan. " Pero nga Rich sang room ka para iisa na lang ang room natin tatlo para naman maka pag usap tayo ng magdamag." tanong din ni Maybelle sa akin. "Ah sorry girls pero mag kasama kasi kami ni Bry sa room. Pero kung papayag si Brylle na iisang room lang tayo doon na lang ako inyo" nakangiting saad ko sa mga to. pero alam naman ng mga to na pag si Brylle ang mag desisyon ay wala na silang magagawa pa. "Naku di na kami aasa pa na papayagan ka niyan noh" Saad ni Maybelle sabay ikot ng mga mata "Oo nga itong si Bry akala mo eh dinaig pa ang jowa kung maka asta para higpitan tong kaibigan namin." Sigunda naman ni shiela "Pag sinabi kong hindi siya sasama sa inyo sa room niyo ay hindi " Ani ni Brylle sa dalawang kong kaibigan. "Eh bakit nga?" Tanong ni belle dito. "dahil mag damag lang kayo mag kwe kwentohan tungkol sa mga lalaki at mag iisip kung panu kayo makalandi" Malamig pang turan ni Bry. "Ang sakit mo naman mag salita parang sinabi mo na rin na bad influence kami dito kay Richelle ah" Na iinis na saad ni shiela dito "Bakit Hindi ba? hindi ba minsan na rin kayong nag cutting classes dahil lang pinuntahan niyo ang boyfriend mo na nahuli mong nag cheat sayo." Ganti dito ni Brylle "Brylle -"Saway ko dito dahil nakita ko ang sakit sa mga mata ni shiela. "What? Diba totoo naman. Paano kung di kita napagtakpan kay Tito ng mga panahon na yon. kaya nga bago kayo gumawa ng desisyon pag isipan niyo muna" Mahabang saad niya at nakitahimik na ng dalawa. Alam kong nasaktan si shiela dahil sa sinabi nito lalo na't nasa process pa ito ng pag mo move on dahil sa panloloko ex-boyfriendiend nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD