Chapter XXV - Family

576 Words
Chapter Twenty Five Naalimpungatan si Ella at hindi na siya makatulog, parang namamahay yata siya. Napatingin siya kay Matthew, alam niyang ang himbing ng tulog nito. Napakaguwapo talaga niya hindi maiwasan ni Ella na haplusin ang mukha nito. Tumayo siya at sinuot muna ang polo shirt ng binata. Nagmukhang mini dress yun sa kanya dahil matangkad si Matthew. Maingat niyang inalis ang kamay ng binatang nakayakap sa kanya. Tumayo siya at lumabas sa kuarto nito. Pinagmasdan niya ang bahay ng binata. Halos triple ang laki nito sa condo unit ni Gorio noon, Pumunta ito sa may kusina nito dahil medyo nauhaw siya, napansin niya ang glass door sa may dining area nito at binuksan niya. Terrace pala ito na may infinity pool, Napakaganda ng view mula sa kinatatayuan niya, kitang kita mo ngayon ang ilaw ng ibang building na nakapaligid sa kanya. Para siyang makapangyarihang tao na rin sa nakikita niya sa sarili niya. This penthouse simply symbolizes The Great matthew Alexander Del Rosario III. Naramdaman niyang medyo nilamig siya kaya pumasok siya ulit sa loob, Binuksan niya ang two door refrigerator upang kumuha ng tubig. Hawak hawak niya ang kanyang basong may lamang tubig ng mapansin niya ang malaking letrato na nakasabit sa may dingding ng sala nito. Pumunta siya sa may living room at nilapitan ang malaking picture frame ng marahil ay pamilya ni Matthew, nakasulat pa dito ang DEL ROSARIO EMPIRE. His Father looks like an old version of Matthew and her mother is beautiful, looks influential, elegant and a powerful woman, yung bang sa mga telenovela ay laging nang-a-api at nagsusuplada. Matthew is siting beside her sister. Mukhang mas bata ito sakanya, siguro ay nasa beinte dos lang ito. She looks like her mom pero mas maamo ang mukha nito, they have all beautiful tanned skin, yung bang hindi nakakasawang tignan.  Nagulat siya ng biglang may yumakap mula sa likod niya. It was his Matthew, his fiancée. “Kinabahan ako at bigla kang nawala sa tabi ko, Ella.” Habang hinahalikan ang bunbunan niya. “You have a beautiful family, Matt – I did not know that you have a sister.” Habang nakatingin parin sa Family Picture Frame nila. “Yes, she is Mary Ava nasa France siya ngayon to finish her degree, sorry wala kasi sila sa Pilipinas kaya hindi pa kita mapakilala sa kanila, both of my parents are in America for our business there, but I already told them about our engagement and they are really excited about us.” Pagkukwento nito. “How about your family Ella? Do you have siblings? Pansin ko din kasi walang family picture ang bahay mo.” Curious na tanong ni Matthew. Biglang namutla si Ella, eto yung mga kinakatakot niya, ang magtanong si Matthew sa nakaraan niya. “Uhm, I have a half-brother but he died already,” medyo nabubulol na sagot ni Ella sa kanya, “My mom died too dahil nagkasakit siya, I never met my dad, you know I used to live alone without any of them. I’m sorry, malungkot kasi ang buhay ko –-- ayaw ko nalang pag-usapan.” Pagiiba niya sa topic nito. “Let’s sleep Matt, inaantok na ako.” Paanyaya niya Binuhat siyang bigla ni Matthew na para bang bagong kasal sila. “Don’t worry, I am your family now, Babe.” Bulong sa kanya ni Matthew. At pinagsaluhan nanaman nila ang matamis na gabi na magkasama.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD