Chapter Five
Year 2019
Kakalabas niya lang sa Trabaho ngayon, Stuck parin siya sa traffic sa Main Gate ng Clark Freeport ZOne sa Pampanga – halos kasi lahat ng empleyado dito ay ala-singko ang uwian. Naisip niyang mamili ng kaunting grocery dahil dayoff niya bukas. Dumaan muna siya sa SM Clark para dito mamili. Alam niyang tinitignan siya ng mga nakakasalubong niya dahil sa angkin nyang ganda pero wala siyang pakialam. Nandito ngayon siya sa comfort room ng mall habang tinitignan ang reflection niya.
Malayo na ang itsura niya noon nung nasa Club pa sya. She is a straight hair brunette. Marketing Manager siya sa isang Five Star Hotel sa Clark. She is now 27 years old. Masaya siya sa narating niya, kahit na maraming peke at niloko siyang tao. She is now living in a middle - middle class. Malayo sa namulatan niyang buhay.
Pagkatapos ng gabing umalis siya sa condo ni Gorio tumuloy muna siya sa isang pucho puchong motel para magpalipas ng gabi. Kinabukasan ay inumpisahan niya na ang plano niya. Una niyang ginawa ay pinalitan ang pangalang ginagamit niya. From Estrella “Starr Yu” Yuzon, ay ginawa niya nalang itong Ella Yuzon. Pumunta siya sa Recto at nagpagawa ng mga fake diplomas, COE and Training Certificates – Naisip kasi niya na kung susundin niya ang payo ni Gorio na bumalik sa pag-aaral ay matatagalan siyang makamit ang pangarap niya – para sa kanya eto na ang pinamabilis na paraan sa pagtatagumpay niya.
Pumunta siya sa pinakamalapit na Bus Station. Wala siyang alam puntahan – Dinala nalang siya ng mga paa nya sa bus na may byaheng Pampanga. Naghanap siya ng maliit na apartment na matutuluyan sa probinsiyang iyon at pinilit ipagkasya ang ipon niya.
Agad naman siya nakakuha ng trabaho dahil maliban sa napakaganda niyang mukha at mala diyosang katawan, Maganda din ang mga Company Credentials niya na nakareflect sa resume niya – pero ang lahat ng ito, Peke at gawa gawa lang, pero wala siyang bahid ng pagsisisi sa mga pinekeng dokumento, alam niya kasi na ito ang magaging susi sa pagtatagumpay niya. Dahil magaling siya makipagusap, ay hindi man siya pinaghinalaang manloloko siya. Sa loob ng dalawang taon na nagtratrabaho siya sa Hotel, sunod sunod ang naging promotion niya. Halos kasi ang mga kliyente na nakakaharap niya ay napapa-amo niya. Madalas pa siyang bigyan ng bonus ng Director of Sales and Marketing niya dahil sa confirmed Accounts niya sa kumpanyang iyon.
She is now living at Timog Residences at Pampanga, one of the high-end Subdivision sa lugar na yun. Meron na siyang rent to own unit at last year nakabili siya ng 2nd hand car ng Hyundai Kona 2018 model na pula. Paborito niyang kulay ang pula, dahil ito ang naging lucky charm niya noong panahong walang wala siya.