Ring....Ring....Ring..... Alarm
Naramdaman ko na may nakayakap sa akin at ang init ng katawan niya na nakasuot sa gilid ng aking leeg ang kanyang mga mukha . Si John gusto ko siyang gisingin at tanungin agad pero di ko magawa kaya tinanggal ko ang mga kamay at braso niya sa akin para tumayo na at magasikaso ngayon pala kami aalis papunta kanila Tristan “anong oras kaya siya umuwi ? Di ko man lang nalaman na nakauwi na pala siya.” Nagtimpla ako ng kape habang nagluluto nako ng almusal namin maya maya pa ay nagising na si John di ko alam kung anong sasabihin ko o dapat siya ang mauna na magsalita sa aming dalawa tatahimik nalang ba ako .
“ Good Morning “
Siya unang nagsalita sa aming dalawa magtatanong na siguro ako kung bakit di siya nakasipot sa usapan namin.
“Good Morning din po”
“ Tara kain na tayo wala kang pasok ngayon diba?
Bakit parang magsalita siya walang nangyari di niya ba naalala
“ Ahmm. Aalis ako mamayang 8:00 AM birthday kasi ng kaibigan namin ni Aya baka gabi.........
“ Okay sige ingat ka
Bakit parang napakacold naman niya sakin di man lang niya ako pinatapos ano bang nangyayari sa kanya may problema ba sa trabaho niya.
“ Mahal ano si...
“ Pasok nako, Ingat ka i love you sabay humalik sa noo ko
Di man lang niya ako pinapatapos magsalita umiiwas ba siya pwede naman siya magsorry sakin mapapatawad ko naman siya siguro nahihiya siya .
“Mahal yung nangyari kagabi wag mo nalang isipin okay lang sakin yon ha .
Di man lang siya sumagot, ayaw kong palalain pa ang away namin dalawa di ko kaya na may tampuhan kami hanggat maari gusto namin agad maayos pero bakit..... hayaan ko na nga lang baka pagod lang siya sa work.Oo nga pala kanina pa tumatawag sakin si Aya aantayin daw nila ako sa labas ng University .
“ Mahal mauuna na ako ha . Ingat ka magtetext ako pagnakarating na kami don ha . I love you
“ Sige ingat ka din ...
[Tristan’s POV]
7:00 AM andito nako sa University para magantay kanila Aya at Kyla Sabado ngayon kaya naman di gaano karami ang mga estudyante dito .Habang nasa Kotse nagaantay sa kanila nagpatugtog ako para naman di ako maboring kakaintay saka maaga pa naman kaya okay lang . Maya maya ay may kumatok na sa kotse ko si Aya pa andito na medyo maaga siya ha 7:30 AM andito na siya pero wala parin si Kyla baka natraffic lang papapunta dito .
....Tok...Tok...Tok...
“ Tristan, Good Morning Happy Birthday Sayo Unggoy :D HAHAHAHA Jk.
“ Salamat, Good Morning din Ms. Sungit
Asan na pala si Kyla Papunta naba siya rito?
“ Oo kanina tinawagan ko siya kanina sabi ko na dito tayo magkikita - kita . Baka nagpaganda pa ng husto HAHAHA. Antayin nalang natin
“ Sige . Tara pasok kana dito maiinit diyan sa labas
“ Okay . Sige Tawagan ko kaya ulit si Kyla kasi anong oras na mag 8:00 AM na wala pa siya rito . Di naman siya palaging nalalate sa mga plano.
“Oo nga pala nakita ko si Kyla kagabi.
“Huh? Saan?
“Sa Burger Stall mag aalas dose na andon pa siya.
“ Ano! Diba sabi niya kahapon susunduin siya ni John tuwang tuwa pa nga siya excited na baka daw bumabawi sa kanya si John ano kaya ang nangyari. Eh paano siya nakauwi kagabi?
“ Hinatid ko siya delikado naman kung pasasakayin ko siya ng magisa diba?
“ Salamat , Tristan (sabay punas sa mata)
“ Bakit ka naluluha?
“ Wala lang di na kasi masyado nagkwekwento sakin ngayon si Kyla simula nung magsama sila sa isang bahay di ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan niya kung okay lang ba siya.
“Hayaan mo Aya andito tayo para sa kanya . May gusto sana akong sabihin sayo pero wag kang magagalit.
“ Ano yon?
“May gusto kasi ako kay Kyla kaya nung First na magkita tayo nilapitan ko siya sa canteen matagal ko na rin kasi siyang sinisilayan napakaganda niya sa tuwing ngingiti siya lumalabas ang malalim niyang mga dimples at mga mata na mapupungay sa tuwing makakausap mo siya. Sorry
“Eh bakit ka nagsosorry , Alam ko naman di mo na kailangan sabihin kasi napapansin ko din lahat ng mga ginagawa mo may gusto lang ako malaman ikaw ba si Mr.Clue?
“ Paano mo naman nasabi?
“ One time kasi parang nakita kita na naglusot ng love letters sa locker ni Kyla . Ikaw din ang naglalagay ng chocolate at flowers sa desk niya na inuutos mo sa classmate namin. Nakikita ko lang ng effort mo di ka naman talaga dapat bibili ng burger tuwing papasok siya sa work niya inaantay mo talaga siya sa gate ng school natin sa labas para makasabay mo siya . Tuwing umuulan ikaw ang nagiiwan ng payong kay Manong Guard para ibigay sa kanya . Di mo kailangan magexplain pa sakin.
“Oo, (yumuko at parang nalungkot) Pasensya kana alam ko naman na mali pero gusto ko lang siya maging maayos
“ Di mo kailangan maging malungkot at wag kang humingi ng pasensya sakin wag kang magalala di ko sasabihin
“ Salamat ha, Paano mo nga pala nalaman lahat yon ?
“Naweweirduhan talaga ako sayo First meeting palang natin kaya sinusundan kita ng palihim saka bukod don umamin din sakin si Angelica yung inuutusan mo at taga masid sa loob ng room namin noh. Kaya ko nalaman
“ Salamat sayo dahil ka.......
Tok...Tok....Tok....
“ Si Kyla Shhhh.
“Hi Be Kyla Bakit ang tagal mo kanina pa kami andito anong oras na pati ano ba nangyari ?
“(Ngumiti siya) Sorry sobrang traffic kasi saka tinanghali ako ng gising.
“ Halika na pasok kana baka abutan tayo ng traffic wika ni tristan.
“ Okay ka lang ba be?
“ Ummm Oo (ngumiti ng pilit )
[ AYA’S POV]
Sobrang tahimik dito sa loob ng kotse bakit parang kinakabahan ako feeling ko may problema si Kyla at si John di niya lang sakin sinasabi halata sa muka niya ang bakas ng lungkot ngumingiti siya pero parang di naman totoo ang mga ngiti niya . Nagtapat si Tristan ng feeling niya para kay Kyla sana lang di masira ang relasyon ni John at Kyla ng dahil sa kanya di naman ako against kay Tristan pero syempre di naman maganda na parang nagpaparamdam siya ng feelings niya sa ganitong sitwasyon na parang may problema silang dalawa .Siguro kailangan ko ng basagin ang katahimikan nato .
“ Oy Tristan , Ano naman plano natin ngayon sa birthday mo marami kabang handa ? Sa tingin mo kyla?
“ Sa tingin ko maraming pagkain kasi halata naman na mayaman kayo tristan
“ HAHAHAHA. Grabe kayo sa mayaman ha may kaya lang naman oo nagpahanda ako ng maraming pagkain para sa inyong dalawa
“ Dalawa? Dalawa lang kami na bisita mo sa birthday mo?
“ Kami lang talaga?
“Bakit parang gulat na gulat kayo wala naman kasi talaga
“ Mga magulang mo? Pinsan mo ?
“ Wala ang parents ko OFW ang mga magulang ko matagal na silang nasa UK parehong Nurse ang mga parents ko nagiisa lang ako ng anak kaya naman talagang boring ang buhay ko lumaki ako sa mga lola ko yung pupuntahan natin bahay yon ng mga lola ko dati maganda don kasi sa amin ang resort don
“ Ang hirap pag only child parang ang lungkot noh? diba ikaw Aya Magisa ka lang din
“ Oo pero marami ang mga pinsan ko at kasama ko sila sa bahay kaya naman di ako nakaramdamdam ng lungkot ikaw nasan ang mga pinsan mo?
“ Isa lang ang pinsan ko babae pa si Katrina pero syempre di ko naman siya pwedeng kabonding na
“ Bakit naman ? Kasi babae siya kaya ayaw mo
“ Hindi kasi matanda siya sakin ng Tatlong taon bukod pa don may anak narin siya . Ang cute ng anak niya lalaki minsan yun ang nakakalaro ko
“ Eh bakit di mo siya imbitahin ? Para makalaro din namin yung pamangkin mo.
“ Di ko alam kasi alam ko wala siya sa Tanay ngayon parang nabangggit niya kasama niya yung tatay ng anak niya
“Bakit hiwalay ba sila ng asawa niya ? Wika ni Aya
“ Alam ko naghiwalay sila pero di alam nung lalaki na buntis yung pinsan ko kaso kailangan kasi ng bone marrow transplant ng bata kaya inaasikaso ni Ate Katrina kaya baka busy siya
“ Kawawa naman , Sana gumaling na siya ani ni kyla
“ Malayo paba tayo?
“ Malapit na tayo Excited ka noh? Nagdala ba kayo ng panglangoy.
“Huh? Anong panglangoy
“Swimsuit kyla wag mong sabihin wala kang dala nagtext ako sayo kagabi ichinat pati ni Tristan sa GC natin to about don.
“ Anong GC? Gumawa ba kayo?
“ Aba! Ano ba nangyayari sayo di kaba nagonline? Okay ka lang ba talaga
“Hmm. Aahh Oo naman okay lang naman ako sobrang pagod ko kagabi nakatulog ako agad kaya di nako nakapagopen pasensya ma meron naman ako dto na manipis na damit okay nato.
Napatingin naman si Tristan sa salamin ng kotse at tumingin sakin na para bang nagaaalala..
“ Haysss . Ikaw talaga sige okay na nga yan andyan na yan
Maya maya pa ay nakarating na kami sa Resort nila Tristan . Villa De Castro Resort ang laki ng resort ang dami din tao dito akala ko pool lang siya sobrang ganda kasi waterfalls running water kaya naman ang ganda at ang bango pa ng simoy ng hangin dito di katulad sa Maynila amoy polusyon at wala ng gaanong puno. Oras na para ibaba ang mga gamit namin at ilagay sa kwarto dito sa resort.
“Guys ito muna yung kwarto na magagamit niyo okay lang ba kayo dito? Magpahinga muna kayo kagagaling lang natin sa biyahe. Mauna nako text niyo ko pag may kailangan kayo ha .
“ Salamat Tristan
“ Kyla . Okay ka lang ba talaga ano ba nangyari sa inyo ni John nabanggit kasi sa akin ni Tristan na siya daw naghatid sayo di kaba nasundo ni John bakit?
“ Okay lang ako noh. Masaya ako na andito tayo matagal narin akong di nakakapagrelax .
“ Bakit binabago mo yung topic? Bakit di ka nasundo pag ako nainis diyan pupuntahan ko talaga yang John na yan ng masapak ko sa mukha
“ Ikaw naman (sabay ngumisi) Busy siya sa trabaho kagabi kaya di niya ako nasundo pinag OT daw siya sa work sa dami ng tao pagod na pagod siya halatang halata sa mga mata niya kaya wag kang mangamba okay lang kami ang tagal na namin malalagpasan namin lahat ng magkasama at masaya
“Buti naman akala ko kung ano na ayaw kong nakikita kitang malungkot at nasasaktan tandaan mo yan buti naman sinabi mo na nasa akin ang dahilan kaya nakaluwagluwag na ang dibdib ko. Pahinga muna tayo mamaya magsaya at magenjoy tayo ha.
Ngumiti naman si Kyla at Humiga ng huminga siya ng malalim at nagisip
....Magkasama at Masaya....iniisip ko rin kung tama ba ang pakiramdam ko sa relasyon na meron kami naguguluhan nako
“Sorry Aya di ko masabi sayo kung ano ang nararamdaman ko ngayon”
Nakatulog ako at Nagising ako sa ingay ni Aya .
“ Ano na Kyla ? Tulog tulog nalang kanina ka pa natutulog jan maghahapon nalang di natin masusulit to
“Ang ingay mo talaga, Eto na tatayo na po.
“Mahiya ka sa Birthday boy nagaantay sa labas yung regalo mo kay Tristan Nasaan?
“Ayan nasa lamesa
“ Tara na
“Happy Birthday Tristan at inabot ko ang regalo ko sa kanya
Ganon din si Aya na inabot ang regalo.
“(Ngumiti naman ito) Nagabala pa kayo pero salamat.
“ Halina kayo at nakahain na ang handa kumain kayo ng madami
“ Wow! Ang dami nman nito
“Sige magpakaPG ka nanaman
“Grabe ka naman sa PG HAHAHAHA
Maghapon kami ng kumain ng kumain at lumangoy nila Tristan kahit papaano nagenjoy ako at nakalimutan ko ang mga problema ko . Salamat kay Tristan grabe ang effort niya samin ni Aya di niya kami pinapabayaan at Ang dami ko ring tawa sa mga joke niya na corny naman talaga
—“Salamat, Tristan “
Andito na kami sa kotse 7:00 PM na kailangan na namin umuwi kahit linggo bukas ay may pasok parin ako syempre bukas na din ang anniversarry namin kahit papaano naeexcite parin ako kahit ganon ang nangyari kailangan ko lang intindihin na pagod lang siguro siya baka bukas ay okay na ang lahat sa sobrang pagod namin nakatulog kami ni Aya Maya maya pa ay nakarating na kami sa Quezon City 9:30 PM na pala siguro andon na sa bahay si John.
“ Salamat sa inyo naging masaya ang kaarawan ko.
“ Kami nga tong dapat magpasalamat grabe ang pagintindi mo sa amin di ako nakaramdam ng gutom sa maghapon ani ni Aya.
“ Salamat sa mga corny mo na joke HAHAHA. Kahit papaano nakapagrelax kami
“Sana nagenjoy kayo. See you on monday
Bumaba na kami ni Aya sa Terminal ng Tricycle medyo malapit naman ang baranggay nila Aya sa amin dadaanan lang yung samin.
“Sige Aya , Mauna nako ha Goodnight Salamat magingat ka.
“ Salamat magingat kadin , Goodnight sa monday nalang.
Pumasok nako sa bahay pero wala parin si John “Bakit parang lagi siyang ginagabi ng uwi” Binaba ko na ang mga gamit ko at naglinis nako ng katawan. Humiga ako. Sa kama at nagFacebook tinitingnan ko ang mga litrato namin ni john na magkasama sobrang saya ng mga ngiti namin dalawa. Maya maya ay may biglang tumulo sa mga mata ko . “Anong nangyari sa aming dalawa?” Maghapon akong nagantay sa text at tawag niya ngunit wala akong natanggap ni isa . Ipahinga ko muna ang sarili ko baka bukas pag gising ko katabi ko na siya at okay na ang lahat anniversary pa naman namin bukas kaya gusto ko fresh ako bukas .