Ethan’s Point of View Tahimik ang buong event hall habang hinihintay ng mga reporter ang pagsisimula ng press conference. Ilang linggo nang pinagpipiyestahan ng media ang tungkol sa akin at kay Samantha, pero ngayong gabi, magtatapos na ito. Nakatayo ako sa harapan ng podium, walang bahid ng kaba. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon—sa mundo ng negosyo, ang media ay isang chessboard. At ako ang nagdidikta ng bawat galaw. "Good evening, everyone," panimula ko, diretsong tumingin sa mga mata ng bawat reporter sa harapan ko. "I know you all have questions. I’m here to answer them." Agad na nagtaasan ang mga kamay. Pinili ko ang isang reporter sa harapan. "Ethan, maraming tao ang nagsasabi na hindi tama ang relasyon mo kay Samantha dahil sa age gap ninyo. Ano ang masasabi mo tungko

