**Ethan’s Point of View** Tahimik kong pinagmasdan si Sam habang nakaupo siya sa gilid ng kama, ang buhok niyang bahagyang magulo, ang manipis na tela ng kanyang suot na damit bahagyang nakalilis sa hita niya. Hindi niya ako tinitingnan. Hindi niya kailangang magsalita para malaman kong naguguluhan siya. Gabi na, pero hindi pa rin siya natutulog. Ako man ay walang balak matulog. Hindi matapos-tapos ang pagkasabik ko sa kanya, kahit na alam kong hindi dapat ganito. Pero paano ko pipigilan ang sarili ko kung kahit sa simpleng pag-upo niya roon, napapatulala ako? Diyos ko, Sam. Hinila ko ang hininga ko at lumapit sa kanya, naupo sa tabi niya. Hindi siya gumalaw, pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko. "Sam," tawag ko, mahina lang, pero sapat para marinig niya. Na

