SAMANTHA POINT OF VIEW Si Ninong Ethan, nakahubad na naman, tanging sweatpants lang ang suot habang nakatayo sa may sala, nakataas ang isang kamay at nag-iinat na parang bagong gising. Halos mahulog ang puso ko sa kaba at inis nang mapansin kong bumakat na naman sa katawan niya ang bawat himaymay ng muscles niya. Mula sa broad niyang balikat, matitigas na braso, hanggang sa nakakahumaling na abs na parang pinalamanan ng batong matigas. Putangina. Bakit ba hindi siya marunong magsuot ng damit?! Kumuha ako ng unan sa sofa at inihagis sa kanya. Hindi naman malakas ang tama, pero napatawa siya sa ginawa ko. Napangisi siya, ‘yung tipong alam niyang tinamaan na naman ako. "Oh, Sam. Good morning din." Hindi ko na siya pinansin. Pumasok ako sa kusina para kumuha ng tubig, pero ramdam ko a

