CAPÍTULO 25

2728 Words

KUNG HINDI PA magpapatulong si Rosallia kay Manang Alice ay hindi kaagad nila mahahanap ang kwintas ni Nate. Mabuti na lang at nahanap kaagad ng matanda. Nakita raw nito sa tabi ng paso. Hawak-hawak na iyon ni Rosallia at hindi niya mapigilan ang matakot. Hinawakan niya ito, paano kung dalawin siya ni Gianna? Huwag naman sana dahil takot siya sa multo kahit na hindi naman daw iyon totoo, nagpapaniwala siya. Paakyat na sana siya sa ikatlong palapag para ibagay ang kwintas ni Nate nang biglang bumungad sa harap niya si Emily. Naka-arko ang mga kilay nito sa kaniya samantalang siya'y napalunok lang dahil parang may kakaiba siyang naramdaman. Mukhang magkakaroon na naman ng gulo. Para maiwasan iyon, nagpatuloy na siya sa paglalakad. "Saan ka pupunta, Rosallia?" mayamaya pa'y tanong ni Emily.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD