CAPÍTULO 23

2791 Words

"DAHAN-DAHAN LANG PO, Ma'am Julietta," ani Rosallia habang inaakay ang amo papasok sa kuwarto nito— ng mag-asawa. Nasa kaliwang bahagi siya samantalang si Sir. Nathan naman ang nasa kanan at inaakay din ang asawa habang nasa likod si Manang Alice at nakasunod lang sa kanila. Nang makapasok sila sa nasabing kuwarto, marahan nilang inupo si Ma'am Julietta sa kama. "Ayos ka na ba, Julietta?" tanong ni Sir. Nathan sa asawang walang buhay ang mukha. Tumango ito. "Ayos lang ako, Nathan. W-Where is Nate?" "What?" Natatawang umiling si Sir. Nathan. "Sa nagawa niya sa iyo, tatanungin mo pa kung nasaan siya?" "Anak ko— natin pa rin siya, Nathan. Mahal na mahal ko pa rin si Nate kahit na ginanito niya ako," saad nito saka bumaling sa nakabukas na pintuan. "Let me out here, I wanna see him now!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD