CAPÍTULO 16

1722 Words

ILANG MINUTO PA ang lumipas ay nakarating na sila sa mansiyon. Bumaba na si Rosallia nang tumigil na ang kotse sa nakapalawak na garahe na may magagarang mga sasakyan. Malalim siyang napabuga ng hangin sa bibig at humarap kay Nate na saktong kakalabas lang ng kotse. "Maraming salamat po, Sir. Nate," aniya rito saka tumungo. "Don't mention it," walang kaemosyonal na anito saka naglakad na papalayo. Nabasa na lang ni Rosallia ang kaniyang labi gamit ang dila habang nakatingin sa papalayong bulto ng binata. Buong byahe ay tahimik lang siya dahil wala naman siyang karapatang magsalita sapagkat mas mataas ang dalawa kaysa sa kaniya. At sino ba siya para magsalita? Isa lang naman siyang mahirap na pinandidirihan! "Natandaan mo ba iyong sinabi ko, Rosallia?" Halos mapatalon siya dahil biglan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD