CHAPTER TEN *** Elsa NAGPALINGA-linga ako pero wala parin si Alice. Nasaan ka na na Alice? Tinawagan niya ako kanina para sabihing magkikita daw kami sa lugar na ito, tapos wala naman pala siya. “Elsa?” boses ni Belle. Nakasuot pa siya ng long white gown at parang galing pa siya sa photo shoot sa pustura niya. “What happened? Sabi emergency daw? Kaya hindi na ako nakapagpalit ng damit,” tiningnan nito ang sarili at napakagat labi. “Belle?” balik tanong ko. Nasa isang bakanteng lupain kami. Dahil doon kami pinapapunta ni Alice. “Tinawagan ka rin ba ni Alice?” “Yes,” sagot niya, maya-maya pa’y dumating naman si Celen. May dala pa itong libro, galing pa ito sa school niya dahil naka-uniform pa ito habang naka ponytail na kulay pula. Pula din ang dala nitong shoulder bag. Kaagad na nagya

