4 : Truth and lies

2272 Words
“Regime…” My sight shifted on a hand resting on my shoulder. Worry was evident on Anna’s pale face as I looked up. “Gusto mo ng kausap?” Nang matantong hindi ako sasagot ay dahan-dahan siyang naupo sa sahig, sa tabi ko. Nanatili namang pako ang tingin ko sa kaniya hanggang sa mahina siyang ngumiti. “Tungkol ba to sa daddy mo?” Seryoso ngunit malumanay ang boses nya. With both arms propped on my knees, I kept my silence and just continued staring blankly at her face. Confusion had been a normal thing for me lately. So why bother asking? Baka lalo lang akong maguguluhan kung pilit kong hihingin sa kanila ang sagot. She drew in a tight breath before she started saying, “Kadalasan may sariling paraan ang mga magulang natin, para protektahan at ilayo tayo sa mga bagay na alam nilang makakasakit sa atin. Minsan hindi natin maintindihan ‘yon. But some sacrifices are necessary. Kahit na sila ‘yung magmukhang masama madalas, pinipili pa rin nila kung ano ang sa tingin nila mabuti para sa atin.” Inalis ko ang tingin sa kanya at tumitig sa kawalan. Our even breaths filled the silence for the next while as we both kept quiet. “He’s always been selfless.” Halos hangin sa hina ang malat kong boses. “Masyado niyang pinoprotektahan ang mga taong mahal niya. Hindi niya man lang iniisip na siya ang masasaktan sa huli.” Squeezing my arm, a faint smile touched my lips. I still couldn’t understand why people with genuine intentions like my father always bet on a losing game. Para bang kasalanan ang maging mabuting tao sa mundong ito. O siguro nga hindi talaga para sa lugar na ‘to ang mga taong kagaya niya. This cruel world didn’t deserve someone as good as him. “Prinotektahan niya ako mula sa totoong pagkatao ko’t isinama niya ‘yon hanggang sa hukay, para lang hindi ako masaktan ng ganito ngayon.” Sinubukan kong sapuhin ang luhang mabilis kumawala sa mga mata ko. Ang paulit-ulit na paninikip ng dibdib ay hindi ko makontrol. My father’s death was only starting to dawned on me. I could feel the pain from it together with everything slowly seeping in my bones, determined to cripple me. And here I thought I had gone numb. Turned out I was just distracted—I was trying to disassociate myself from what had been happening around me. “No matter what truth unveils, it wouldn’t change the fact that he loved you like his own.” Sobbing now with a hand covering my eyes, she started stroking my arms. I cried for my loss. I cried for the tragedy of a life my father had. I cried for the injustices of world. I cried like a child as if I found a shelter in her arms from all the things that hurt. I woke up the next day on the floor with a throbbing head and swollen eyes. Pinasadahan ko agad ng tingin ang buong kwarto para kay Anna pero wala siya ro’n. It was a weekend. I slowly got up on my feet and washed my face before starting the day. Pagkakuha ko ng mga gamit ay nagtungo na ako sa drafting table para sinimulan ang paggawa ng plates. Abala, tahimik ang kwarto ko buong sandali hanggang sa may kung sinong kumatok sa pinto. Quarter to nine na nang sulyapan ko ang orasan. “Kuya, kagabi ka pa hindi kumakain. Dinalhan kita ng breakfast. Kunin mo na lang kung nagu—” Natigilan si Fritzie sa pagbaba ng tray sa sahig nang pagbuksan ko ng pinto. “Ah!” Agad niyang kinuha ang tray at ibinalandra iyon nang may ngiti. “Pancake?” Bumagsak ang tingin ko ro’n ngunit hindi ako gumalaw para kunin. “Kuya?” Nagtuon ako ng tingin pabalik sa kaniya. “Bata pa lang alam mo nang magkapatid tayo ‘di ba?” Tumaas ang dalawang kilay niya bago mabagal na tumango. I wasn’t really thinking as I blurted out, “Paano kung malaman mong hindi pala? Tatawagin mo pa rin ba akong kuya?” Blinking, confusion washed over her expression. With a slight furrow, she then tilted her head a bit to the side as if scrutinizing my face, or probably ruminating my weird question. Para akong natauhan sa mga pinagsasabi. “Forget i—” “Bakit mo naman naitanong ‘yan, Kuya?” I pressed my lips together and caught myself from saying more. “Lumaki akong isa ka sa kinilala kong kuya. At kung mangyari man ‘yang sinasabi mo, I guess nothing will change. Kuya pa rin ang tingin at itatawag ko sa ‘yo. Dahil bukod sa nakasanayan ko na ‘yon, hindi naman basehan kung kadugo mo ba ang isang tao para ituring siyang pamilya. The same way that I treat some of my friends like a sister. At ikaw, Kuya, pamilya kita kahit ano pang ka-weird-uhang mangyari katulad niyang sinabi mo.” She end it with a chuckle. As I let her words sink in, I found a faint comfort from it. Smiling weakly then, I extended an arm and patted the top of her head. Tinanggap ko ang hawak niyang tray matapos. “Salamat. Sige na.” She flashed yet another smile at me before turning around to take her leave. Bumagsak muli ang tingin ko sa platong may pancake at sa baso ng orange juice na naro’n sa tray. I was thinking how some truths aren’t that awful. Buong araw akong gumawa ng plates nang hindi nakararamdam ng gutom. Hindi ko sigurado kung hindi ba talaga ako nagugutom o talagang hindi ako sinasaniban ng gana para kumain. “Alam mo, may isang tao noon na halos maging tissue ko na dahil sa kaniya ako palaging umiiyak.” Napalingon ako kay Anna na ngayo’y nakaupo sa kama ko. Malungkot ang ngiting kumurba sa mga labi niya habang nagbabalik-tanaw. Anong ginagawa niya rito sa kwarto ko? “Nasaan sina Ian at Fritzie?” Inumpisahan ko ang pagsinop sa mga nagawang plates para ilagay sa drawing tube. Pasulyap-sulyap ako kay Anna habang inililigpit ko ang mga ginamit paalis sa drafting table. Pinisil-pisil ko ang mga balikat matapos. “Hindi na ako naniniwala noon sa pag-ibig. But he made me feel loved… the right way. Lahat ng bagay para lang mapasaya ako ginawa niya.” While stretching my arms, I turned to look at her. “Noon? Nasaan na siya ngayon?” Pagkapaling ng upo ay nangalumbaba ako sa lamesa habang pinagmamasdan ang paglingon niya sa ‘kin. Matapos nang sandaling pagpako ng mata sa isa’t isa ay nauna siyang magbitiw ro’n. Smiling faintly then, she made a slight shook of her head, both eyes now trained on the floor. “Sa mundong option lang ang role ko sa ibang tao, siya lang ang nagpakita at nagturo sa ‘kin ng halaga ko. I was a wreck but he see passed my brokenness.” Nabasag nang kaunti ang boses niya. Nakatitig lang ako sa kaniya habang tahimik na nakikinig. I didn’t want to interrupt so I let her continue. “Naaalala ko pa noong nag-effort siyang mag-bake ng cookies para sa ‘kin nang nalaman niyang hobbie ko ang baking. Sunog ‘yung iba pero sobrang na-touch ako lalo na nang makita ko ‘yung mga paso sa kamay niya. Ang sabi niya masyado raw siyang excited kaya palagi niyang nakakalimutang gumamit ng potholder.” Natawa siya habang pinaglalaruan ang mga kamay sa kandungan. “He even learned how to braid. Kasi palagi kong ginagawa ‘yon sa buhok ko.” “That guy’s smitten,” namamalat kong utas, bahagyang napapangisi. She tried laughing again but tears started to fell from her eyes. Napahupa ang ngiti ko nang wala sa oras akong mapaayos ng upo. Ang akma kong pagtayo para sana lumapit ay naudlot matapos matigilan sa pagtaas niya ng palad. I watched how she wiped her own tears. “Anna…” Gripping the wooden backrest of my chair, I realized that I couldn’t do anything for her but to listen and let her cry it all out. Tulad ng ginawa niyang pagdamay sa akin. I wasn’t good with words anyway. Hindi ko lang mapigilang isipin kung si Ian ba ang tinutukoy niya. And the latter having Senin as his girlfriend, was it possible that Anna lose Ian after taking him for granted? Kaya ba siya nanghihinayang ngayon? “I didn’t know love until he happened.” Malungkot pa rin ang ngti niya nang mag-angat ng tingin sa akin. Tama nga ba ang hinala ko? Si Ian nga kaya ang tinutukoy niya? “If you happen to meet him, would you do me a favour and tell him all that?” “How would I know it was him?” Mahina ang mababa kong boses nang tinanong iyon. Mas lalo lang lumakas ang kutob kong kay Ian niya iyon gustong sabihin. Why else would she ask me for that kind of favour if she could just straight out say it? Probably because that guy was committed with someone else. Made sense. Umahon siya mula sa pagkakaupo at tumungo palapit sa akin. Standing in front of me, we held gaze as she leaned in closer. Ang mahaba niyang buhok ay halos tumabing sa magkabilang gilid ng mukha niya. “Makikita mo siya sa mga mata mo.” With her palm on my cheek, she bent forward until her lips touched my other cheek for a kiss. Before letting me go, she whispered, “Goodnight, Regime.” Naiwan ako ro’ng naguguluhan sa sinabi niya. Nagising ako kinabukasan nang nakadukdok sa drafting table. Pupungas-pungas kong inumpisahang ligpitin ang mga nagawang plates. Para lang mapahinto sa kalagitnaan ng pagsinop niyon. Inayos ko na ang mga ‘to kagabi ah? Bahagyang nangungunot ang noo, binalewala ko ang naisip at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. I felt a sudden cold air passing by on the side of the table, causing some of the papers left to stir. Patayo na sana ako para isara ang bintana sa gilid ng kama para lang muling matigilan. Sarado iyon. Swallowing hard, I continued with what I was doing. Matapos mailagay sa drawing tube ang mga papel ay sunod ko namang inayos ang mga nagkalat kong gamit sa lamesa. I was no believer of the supernaturals or whatever it was called. But it seemed like all of my beliefs have been put in a test lately. Matapos mag-shower ay gumayak na ako para lumabas. Dala ang bag na naglalaman ng ilang lapis at sketchbook, nilakad ko ang kahabaan ng daan. Mula sa kulay asul na kalangitan hanggang sa nagsasayawang matataas na d**o sa gilid ng kalsada, huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang ihip ng pang-umagang hangin at sikat ng araw sa balat. Maya’t maya akong humihinto para lang i-sketch ang makitang interesanteng senaryong madaanan. Road sign, dandelions, street light, roadside, lighthouse, seaside. It cleared my mind from unwanted thoughts. Hawak ang brasong nakapatong sa mga tuhod, tahimik kong pinanood ang mga alon mula sa pampang. Hanggang sa may matanaw akong pigurang nagtatampisaw ro’n sa ‘di kalayuan. Eyes turning to slits while trying to recognize the familiar figure, I mumbled, “Anna?” Anong ginagawa niya rito? I got up on my feet and leisurely walk towards her. Nang masulyapan ako’y ngumiti siya kaagad, ni hindi man lang nasurpresang narito rin ako. She continued trailing the sand where the waves crashed, leaving footprints from her bare feet. Hands in my pocket, a smile made its way to curved on my lips when she squealed and jumped in surprise from a sudden huge wave. She was then laughing as she turned to look at me. The long strands of her hair was being blown by the gusts of wind. It had only been a week since I met her yet I still couldn’t brush off the feeling that I’ve known her all my life. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang soulmate o kung ano pa man. But if that turned out to be true, then it probably woulnd’t hurt to admit that we were connected in some way. Napailing ako sa sarili dahil sa mga naiisip. I hadn’t been feeling like myself with all the confusion going on lately. Ito na siguro ang epekto n’on. “Look at this shell!” Pagkalapit ay inilahad niya ang palad sa harap ko. Bumagsak ang tingin ko ro’n ngunit imbes na ang shell ang pagtuunan, mas nakuha ng atensyon ko ang suot niyang singsing. “That looks nice.” I tried to smile in her excitement as we held gaze. Wala si Franco nang madatnan ko ang tatlo sa lamesa kinabukasan ng umaga. Kinausap ako kaagad ni Mama’t Fritzie habang si Ian ay tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain. My mother’s treatment still felt foreign to me. Ni hindi niya ako matignan nang matagal noon kaya medyo naninibago ako sa dalas niyang pagpansin ngayon sa akin. Hindi ko rin maikakailang may kaunti pa rin akong hinanakit sa ginawa niyang pag-wan sa amin ni Dad noon. At hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa katotohanang sinabi niya. And though I still wasn’t sure how, giving her a chance was probably a good thing to start the process of acceptance. “Alis na ‘ko.” Tumayo si Ian kahit hindi pa niya natatapos ang pagkain. At tulad ng mga nakararaang araw, may dala muli siyang white rose. I started thinking about Senin. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita sa klase o kahit saan. May nangyari ba? Hindi ko matandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD