6 : Familiar stranger

1920 Words
Kahit bahagyang nahihilo ay hindi ako makatulog dahil sa nainom. I didn’t know if it was a normal thing but I always had difficulty sleeping whenever I drink alcohol—any kind. That was why instead of tossing back and fourth on my bed, I decided to stay up and read. Hinintay kong dumating si Anna pero wala siya. The need to ask Ian about her flooded me. Dahil natanto kong wala akong alam tungkol sa kaniya. She was our neighbor, yes. But I didn’t know exactly where she lives. Isa pa, hindi ko alam kung pareho ba kami ng pinapasukang university. What course was she taking? Anong year na siya? I couldn’t believe I didn’t get to ask her all that. Pero kung bibigyan ko ng dahilan ang sarili, siguro dahil iyon sa kakulangan ng rason para itanong sa kaniya ang mga iyon. I mean, I didn’t feel the need to ask her any of that—because she felt familiar to me and I thought it was already given that I knew things about her. Tulad ng isang kabisang lugar na madalas puntahan. Strange. But I may have some ideas about what was happening. And if my assumptions turned out right, then I might get some proof that I wasn’t going crazy after all. “f**k,” I muttered when I saw the clock strikes four in the morning. Maaga pa ang pasok ko bukas sa unang subject. Lying down on my bed, I tried to get some sleep only to wake up with a heavy head. “Hangover?” Tanging iling ang naisagot ko sa nagtanong na si Franco. Kumpleto sila ro’n sa hapag nang maabutan ko kinabukasan. “’Kala ko isang bote lang ang ininom n’yo kagabi? Franco!” Tumawa ang huli sa asik ni Mama. “Tig isa lang naman talaga! ‘Di ba, Regime? ‘Di naman tayo nalasing ‘di ba?” Tinuro pa ako, parang nanghihingi ng kakampi o ano. “I saw you two hugging each other,” inosenteng kurap ni Fritzie. “Did you cry too?” “Fritzie, hindi magandang makinig sa usapan ng iba!” saway ni Franco sa nasa tabi kong si Fritzie. The latter shrugged then reasoned out, “I’m just asking. Nakita ko lang naman kayo, hindi ko naman sinabing nakinig ako sa usapan n’yo.” “Why did you let him drink? May pasok pa ‘yan ngayon!” si Mama, hindi pa rin tapos kay Franco. Bumaling siya sa akin bigla. “Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ng gamot?” Binasa ko ang labi at sandali pang natigilan bago ako umiling. “I’m fine.” Naramdaman ko ang tingin nang tahimik na si Ian mula sa tapat ng inuupuan ko. He immediately withdrew from his gaze when I turned to look at him. “Sa sunod kaming tatlo na nina Ian ang iinom,” nakangising ani Franco bago balingan ang nasa tabing anak. The latter stiffened when all our eyes went to him. “’Wag mo ngang gawing manginginom ang mga anak ko!” Umalingawngaw ang tawanan sa hapag dahil sa apila ni Mama. Nagtaas ng kamay si Fritzie. “Ako? Ba’t hindi ako kasali, Pa?” “No alcohol for my only girl.” Pumadyak sa sahig si Fritzie at agad umangal. Tinuro siya ni Franco at pinandilatan. “Sixteen ka pa lang, tumigil ka!” I wasn’t aware of the smile curving on the corner of my mouth if I didn’t saw it reflected on Ian’s face. Would it be a betrayal for my late father if I found a new family with them? Bitbit ang dalawang pizzaroll, nagtungo ako sa tapat ng patay na puno para sa vacant period matapos ang isang major subject. Okupado ang bench na naro’n kaya’t ilang sandali akong tumayo para lang hintayin kung makikita ko ro’n ang babae sa sketch ko. I saw her here for two consecutive times so I was guessing that her sudden appearance had something to do with this tree. And like a ghost, maybe she would turn up whenever I least expected it. The question was why am I seeing her? And why couldn’t I seemed to brush her off my mind. Mula sa ilang minutong pag-obserba sa bawat taong nagdaraan, sumuko na ako nang hindi siya magpakita. Does she need anything from me? May nagawa ba akong malaking kasalanan sa kaniya bago siya mamatay? O tulad ng mga ghost stories sa pelikula, mayro’n siyang regret sa buhay at gusto niyang tulungan ko siya ro’n? Fuck. Why am I having these thoughts? At kailan pa ba ako naniwala sa existence ng spirit world? Matapos bumili ng bottled water ay nahantong ako sa bleachers katapat ng field. Ang bigat ng mga mata’y ibinaling ko sa pagkain habang nagsi-sketch. Abala ako sa ginagawa nang panandaliang matigilan sa nasulyapan. Nilukot ko ang balot na papel nang ubos nang pizzaroll. Pagkasinop niyon sa roll top ay muli kong binalingan ng tingin ang grupo ng mga estudyante sa court na nasa tabi ng field. Suot ang P.E. uniform para sa volleyball, agad rumehistro sa memorya ko ang pamilyar nitong mukha. Alam kong puyat ako pero hindi naman siguro ako namamalik-mata? Para makasigurado, dali-dali kong sininop ang sketchbook sa loob ng bag, binitbit iyon pati nang drawing tube at saka dahan-dahang bumaba ng bleachers. Tinahak ko ang ilang metrong layo nito hanggang sa makarating ako sa gilid ng court. With a silent gasped, my lips were left agape when the girl turned towards my direction. Ngunit ang akto ko sana muling paghakbang palapit ay naudlot nang may biglang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. “Hala! Nellie, nawalan yata ng malay!” “Regime!” Pagmulat ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Anna. From her slightly bent figure, it only registered to me that my head was lying on her lap when she chuckled from my momentary astonishment. Krus ang magkabilang braso at angat patupi ang isang binti ko habang nakahiga sa damuhan ng field, matapos ko iyong mabalingan ng tingin. Nang magtuon akong muli ng atensyon kay Anna ay naabutan ko siyang nakatunghay sa malawak na field. Why am I here? Sandali—narito siya sa campus? Ibig bang sabihin pareho kami ng pinapasukang university? “Anna.” “Hmn?” Niyuko niya ako sa sariling kandungan. Eyes trained on hers, I mumbled, “Matagal na ba tayong magkakilala?” May hapyaw na ngiti ang dumapo sa mga labi niya. “Do you feel like we do?” Sinubukan kong tumango, hindi nagbibitiw ng titig sa kaniya. “You know what they say about some people that felt like home?” I kept my silence and let her continue. “How many lives do you think a single soul lives?” Bahagyang kumunot ang noo ko. “Are you talking about reincarnation?” Naalala ko ang mga nabasa ko kagabi. It was odd enough that I was reading something like that. But talking about it now with her was weirder. “Just food for thought.” She smiled as if dismissing the topic. “Souls don’t die,” at least from what I’d read last night. “Does that make everyone an immortal then? If that’s the case, how do you explain spirits? Ghosts?” Hindi ko maiwasang mahinang matawa sa mga pinagsasabi. It didn’t make any sense. Kailangan ko na bang umpisahan ang pagbabasa sa mga elementong ‘yon? “Hindi ba parang siklo lang din tulad ng mga natural na bagay? The changing of seasons, process of reproducing, predator-prey—everything’s a cycle if you look closely. Siguro tayo rin?” Nakatitig lang ako sa kaniya buong sandali. Dinadala nang mabining ihip ng hangin ang preskong amoy ng mga d**o sa paligid. With the calming blue sky framing her pale face, I breathed in consecutive steady breaths and felt contented. “A different body with the same soul?” Stretching an arm towards her face as if I was trying to catch the smile that rose from her lips, a sudden voice echoed. “Kuya, sorry na! Sorry na talaga! Hala nama—Aren kasi eh. Kanina pa ‘to walang malay! Anong gagawin ko?” Natitigilan, nilinga ko ang paligid para lang hanapin kung saan iyon nanggagaling. “A familiar stanger.” Pumikit ako nang mariin sa biglang pag-atake ng hilo. “Anna?” Kasabay ng pagsinghap ang muli kong pagdilat. “What did you sa—” “Buhay pa siya!” Isang babaeng sapo ang labi ang tumunghay sa gilid ko. “Akala ko napuruhan kita… sorry, Kuya, ah? Hindi ko naman sinasadya. Ito kasing halimaw sa garapong binuro—” Matalim niyang sinulyapan ang taong nasa tabi. “—napakalakas mamikon!” “Wow? Mas nakakapikon ‘yang mukha mo hoy.” “Aba’t—ba’t ka namemersonal?!” Napaupo ako mula sa pagkakahiga. “Sandali.” Natigilan siya mula sa akmang pagtayo para sugurin ang kasama nang hawakan ko ang pulso niya. Lips agape and eyes widening, nasulyapan ko pa iyon nang matantong nahahawakan ko siya. Totoo siya! Tao sya’t mainit ang balat niya! It was more than a hallucination! “Bakit?” Bahagya siyang napaurong mula sa pagkakaupo sa gilid ng infirmary bed nang maigi ko siyang tinitigan. I couldn’t be mistaken! Mula sa nangungusap na pares ng mata, maliit at pointed na ilong, hugis pusong labi hanggang sa mahaba’t maalong itim na buhok. She was the girl I saw near that dead tree! “Totoo ka?” Animong tambol ang pagdagundong ng dibdib ko. Out of all the confusions from the last days, finally having an answer from one of the puzzles felt like seeing a faint light from a long, dark tunnel. “Huh?” Naituro niya ang sarili. “Kamukha ko ba si Barbie?” With an unsure chuckle she shook her head then said, “Hindi po ako plastic. Totoo po ako, Kuya.” “Nagkita na ba tayo noon?” Bahagyang napahigpit ang hawak ko sa braso niya, na para bang siya na lang ang natatanging sagot sa dagat ng mga katanungan ko. Ni hindi ko magawang iwaglit sa kaniya ang titig sa takot na baka maglaho siyang bigla, tulad ng mga nauna kong pagkakakita sa kaniya. “Hindi pa…” Ngunit nagdala ng disappointment ang bawat pag-iling niya. Reincarnation. Hallucination. A different body with the same soul. A cycle. “Brad, nagkita na kayo.” Napigtal ang linya ng iniisip ko pagkarinig sa lalaking kasama niya. Pagkalapit ay ngumisi ito sa akin nang mahawakan ang buo kong atensyon. “Sa field kanina bago ka niya batuhin ng bola.” “Hoy, hindi ko sinasadya! Binato talaga?” “Halika na nga!” Matapos mailagan ang hampas ay pilyo nitong pinadaan ang daliri ng ilalim ng ilong ng babae. “Aren!” “Bahala ka riyan.” Tumalikod ito at nauna nang umalis ng infirmary matapos. Bumaling naman siya sa akin, bakas ang isang apologetic na ngiti sa labi habang tumatayo. “Sorry ulit, Kuya.” Umawang ang mga labi ko para sa mga salitang hindi ko magawang sabihin. Tuluyan kong nabitiwan ang pulso niya kahit may kung ano sa aking tumututol. “Nellie, patapos na period!” “Oo, ito na!” With a last rueful smile, she turned around to take her leave. Leaving me with foreign emotions I couldn’t name. “Nellie,” I mumbled to myself. Tulala sa kamay kong hawak ang pulso niya kanina, dumapo ang isang ngiti sa mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD