Chapter 2

1152 Words
Chapter 2 “Kailangan ng anak ko. . . pagkain. . . pagkain. . . hindi sila pwedeng magutom.” Pinagtitinginan ng mga tao ang isang babaeng marungis at gutay-gutay na ang saya na suot. Naglalakad ito sa tabi ng daan at halos lahat ng tao ay iniiwasan siya at pinangdidirihan. Malikot ang kaniyang mga mata at hindi alam kung saan tutungo. Blanko ang kanyang isipan at hindi alintana ang mga tingin ng tao sa kanya. Wa siya sa matinong pag-iisip. Pero iisa lang ang alam niya, iyon ay ang kailangan ng pagkain ng tatlo niyang anak na naiwan sa kanilang barong-barong na bahay. Mahal na mahal niya ang mga anak at hindi niya pwedeng pabayaan na lamang ang mga iyon sa gutom. Tumitig siya sa kaniyang palad. “Pera. . .” bulong niya na puno ng kasiyahan. Luikot ang kaniyang mga mata na tila ba naghahanap ng isang bagay na nais. “Pagkain. . .” muli niyang bulong nang makakita ng isang karinderya sa hindi kalayuan. Nakatuon ang kaniyang mga mata sa pagkaing nakabalot na. Tumakbo siya at lumapit sa karinderya. Napatingin sa kaniya ang ilang mga taong kumakain roon at napatapon ng kanilang mga ilong. Animo‘y isang napakabahong bagay ang lumapit sa kanila. Ang ilang kumakain na malapit kay Salvi ay nagsilipat ng pwesto para makalayo sa kaniya. Ang may-ari ng tindahan ay agad na lumapit kay Salvi at pinagtabuyan siya. “Umalis ka ritong baliw ka! Naapektuhan ang karinderya ko sa iyo, baka malasin pa ako sa araw na ito dahil sa iyo. Malas ka pa naman.” Hindi siya pinansin ni Salvi. Patuloy lang sa pagbulong si Salvi habang nakatitig sa mga pagkain. “Pagkain. . . Bili pagkain. . .” sabi niya saka dumampot ng tatlong supot ng plastic bag na may laman ng pagkain. Nagalit ang aleng may-ari ng karinderya. “Magnanakaw!” “Ito bayad. . .” Iniabot rito ni Salvi ang perang hawak-hawak. Mas lalong nainis ang ale sa nakitang halagang ibinigay sa kaniya ni Salvi. “Bente pesos?! Hindi mo ba alam na nobenta pesos ang halaga ng kinuha mong iyan?! Aba‘y magnanakaw ka!” Biglang nanginig si Salvi sa narinig. Walang tigil sa pag-iling habang umaatras rito palayo. “Hindi! Hindi ako nagnakaw! Bayad na pera! Hindi! Pagkain ng anak ko ‘to!” Ang ilang mga tao ay nakiisyuso na sa mga nangyayari samantalang ang iba ay walang pakialam at patuloy lamang sa kanilang pagkain. Umatras si Salvi saka tumakbo. Tumakbo siya na hindi alam kung saan pupunta. “Bahay. . . Anak. . . Pagkain. . .” bulong niya habang walang tigil sa pagtakbo. Hindi na rin niya naririnig ang sigaw ng matanda sa kanya kanina. Ngumiti siya at humalakhak. “Tumakas Salvi. . .” Patuloy ito sa paghalakhak habang tumatakbo papalayo. Tumigil siya sa pagtakbo nang matanaw niya ang isang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan. “Nanay!” sigaw nito habang papalapit sa kanya. Napatingin siya sa barong-barong nila. Napangiti siya, nakauwi na siya. Yumapos agad ng yakap ang babaeng dalagita sa kanya. Kasunod nito ang dalawang batang lalaki na nasa edad labing isa at walo. Uminit ang puso niya nang yakapin siya ng mga ito nang napakahigpit. Tumulo ang mga luha sa kaniyang pisngi, dahil sa labis na kasiyahang naramdaman. “Saan ka ba nagpunta, Inay?” tanong sa kaniya ni Esang ang panganay sa tatlo niyang anak. Labing pitong taon na ito at maasahan niya na ito sa lahat ng bagay. Tumingin siya sa mga dalang pagkain saka ibinigay sa taglong anak isa-isa. “Hanap Nanay ng pagkain. . . Kain na kayo sa loob.” Labis na kasiyahan ang naramdaman ng puso niya nang makita ang maliwanag na mukha ng tatlong anak nang makakita ng pagkain. Pero hindi nakaligtas ang pagtataka sa paningin na ipinukol sa kaniya ni Esang. “Macky at Cardoy. Mauna na kayo sa barong-barong at ihanda na iyan sa plato. Papaliguan ko lang si Nanay. Ang rungis na niya, ilang araw na rin siyang hindi nakauwi sa atin.” Agad namang sumunod ang dalawa sa sinabi ni Esang. Nagtatakbo ang mga ito papasok ng kanilang barong-barong. Ang ingay ng eskenetang kanilang tinitirhan. Mabahong mga amo‘y ng mga naghalong basura ng mga nakatira sa lugar ng Tondo. Isama pa ang ingay ng mga taong nasa gilid lang ng daan. Nagsisigawan, nagbabangayan, nagkakatuwaan, iyak ng bata, at away. Sa hirap ng buhay, kailangan nilang magtiis sa ganoong klaseng lugar. Kung hindi mo kakayanin ang ganoong klaseng buhay hindi ka magtatagumpay sa buhay. “INAY, kain ka na rin po. Saluhan mo kami sa pagkaing ito,” yaya ni Cardoy sa Inang sinusuklayan na ni Esang dahil napaliguan na niya ito at nabihisan. Lumabas ang kagandahang taglay ng kanilang Ina na namana ni Esang at napunta ang ilan kina Macky at Cardoy. May mga maganda at gwapong mukha. “Ang ganda talaga ni Nanay!” masuyong wika ni Cardoy habang nakatitig sa Ina. “Naman! Mana tayo sa kaniya!” segunda naman ni Macky na sinamahan pa ng hagikhik. Komontra naman si Esang saka umupo na rin para makakain na silang apat. “Ako talaga ang nagmana kay Nanay kaya huwag kayo.” “Nakung mga batang ire, kumain na tayo at alam kong kanina pa kayo nagugutom,” kontra naman ng kanilang Lola Sarah— ang nanay ng kanilang Nanay Salvi. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kanilang munting barong-barong. Ilang katok pa at bago iyon pagbuksan ni Esang. Sumalubong sa kanya ang dalawang pulis. “Dito ba nakatira si Salvi Asuncion?” Kumunot ang kanyang noo. Bakit hinahanp ng mga ito ang kanilang Ina? “Dito nga. Bakit ho, Sir?” Humakbang papasok ang dalawang pulis. Saka nagtungo sa kanilang Ina na tahimik sa pagsubo ng pagkain. May iniabot ang isang pulis na may balbas kay Esang. Isang nakatuping papel. “May warrant of arrest kami para sa iyong Ina dahil sa kasong pagnanakaw.” “Ano?! Walang ninakaw ang Nanay namin!” sigaw niya dahilan para magulantang rin ang Lola Sarah at mga kapatid niya. Mas lalong gumulo silang lahat nang damputin na ng dalawang pulis ang kanilang Ina at sapilitang ilabas ng kanilang barong-barong. “Hindi! Hindi ako takaw. . .” iyak ng kanilang Ina habang pilit na kumakawala mula sa pagkakaposas ng dalawang awtoridad rito. Nakita niya kung paano naiyak ang Ina. Lumapit siya rito at niyakap. “Nay, huwag kang mag-alala. Ilalabas kita sa kulungan.” Umiling-iling ang Ina saka lumikot uli ang mga mata. “Hindi ako nagnakaw. . . Binili ko pagkain. . .para sa anak ko. . .” Napatakip sa kaniyang bibig si Esang upang pigilan ang sarili sa paghikbi. Alam na niya kung bakit ikukulong ang kaniyang Ina. “Naaaay!” sigaw ng kaniyang dalawang kapatid nang tuluyan nang ilabas ng dalawang pulis ang kanilang Ina sa barong-barong. “Salvi!” Humabol pa sa labas ang Lola Sarah niya kahit mahina na ang mga tuhod nito. “Anaaaak!” Rinig niyang sigaw ng kanilang Ina mula sa labas. Dinurog ang puso niya. Lumapit siya sa dalawang kapatid at niyakap ang mga ito. “Huwag kayong mag-alala. Makakauwi rin si Nanay.” Kahit imposible ang sinabi niya. Kailangan niya iyong sabihin at panindigan. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa ang kapatid. Magtatrabaho siya para sa pampiyansa ng kaniyang Nanay Salvi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD