[Courtney's POV] Effective naman pala ang acting ko kay Wren. So, I think may pag-asa pa na maagaw ko siya kay Kaileen dahil kahit paano ay may effect pa rin sa kanya ang ginawa ko noon sa bahay nila. Mas lalo na siyang mahihirapan na iwan ako dahil makokonsensya siya kung may masamang mangyayari sa akin. Kawawang Kaileen, aasa na lang sa wala. "Mana ka talaga sa akin, Courtney. Magaling ka rin talaga umacting. Biruin mo, napaniwala mo si Wren na baliw na baliw ka sa kanya at sobra kang nasasaktan sa mga nangyayari ngayon. Nagawa mo pang tutukan ng kutsilyo ang sarili mo para lang mapaniwala siya. Good job! Sa ipinakita ni Wren na concern sa'yo, mukhang may chance ka pa na bumalik ulit sa buhay niya." pag-appreciate naman ni Mommy sa aking naging acting. "Kung hindi lang talaga mayama

