Chapter 15 -A New Start

1287 Words
[Kai's POV] Nagising ako ngayong umaga na magkayakap kami ni Wren. Napangiti na lang ako ulit at napapikit. Simula noong may nangyari sa akin ay inaya na niya akong doon na matulog sa kwarto niya palagi. Wala na rin naman daw kasi dapat maging restriction sa aming dalawa kaya naman pumayag na ako. Simula rin noon ay ipinaparamdam niya talaga sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Kaya lang, kasabay ng pagiging okay ng relasyon namin ay ang pag-usbong ng problema ko kay Courtney. Hindi niya ako tinitigilan at madalas din niya ako itext na hindi niya hahayaan na maagaw ko si Wren. Wala naman akong inaagaw sa kanya, kung tutuusin siya naman ang naunag umayaw eh. Nagmakaawa pa nga sa kanya si Wren pero hindi niya pa rin pinagbigyan. Tapos noong nalaman niyang ikakasal kami gusto niya biglang magkabalikan sila. At ngayon hindi niya matanggap na parang nagiging okay na kaming dalawa. Napadilat ako ng maramdaman ko ang halik ni Wren sa noo ko. "Good Morning." nakangiting bati niya sa akin. "Good Morning." pagbati ko naman pabalik sa kanya. Umalis ako sa pagkakayakap niya para magprepare ng breakfast namin. Nakaupo na ako sa kama at nagtatali ng buhok ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko. "Bakit?" nakangiting tanong ko naman sa kanya. "Wala lang. Gusto ko lang yakapin ang asawa ko." sagot naman niya sa akin. Ang sarap pakinggan matawag na asawa pala. Naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng dibidb ko dahil sa itinawag niya sa akin. "Sige na, magpeprepare na ako ng breakfast natin." sabi ko naman sa kanya atsaka tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Habang nagluluto ako ng umagahan namin ay nagprepare na rin ako ng pagkain ng 2 dogs namin at pinakain sila. Maya-maya sa kalagitnaan naman ng pagprepare ko ay bumaba na rin naman si Wren. "How about we go for a vacation?" tanong niya sa akin. "Wala ka naman sigurong kailangan gawin next week?" dagdag na tanong niya. Napaisip naman ako. Parang wala naman akong upcoming meetings for next week, so I think we can go and have some vacation? "Tayong dalawa lang?" tanong ko naman sa kanya. "Yes, tayong dalawa lang." sagot naman niya sa akin. "Okay ako, pwede naman ako." nakangiting sabi ko naman sa kanya. "It will also be our celebration para sa pagsolve mo ng problem sa company niyo. And also celebration dahil unti-unti ng nakakabangon ang company namin. And that is all thanks to you and your family, Kai." nakangiting sabi niya naman sa akin. Nakaramdam naman ako ng kaba ng sabihin niya na nakakabangon na ang company nila. Does this mean, malapit na rin niya akong iwan? Hindi naman siguro. *** Nagpunta kami sa isang hotel nila sa Batangas. Yes, the Cruz family owns various hotels and resorts. Maganda rin ang business talaga nila, no wonder at nag-agree si Dad na tulungan talaga sila. Malaki rin kasi ang pwedeng bumalik sa kanya once na makabangon ang Cruz. "As you can see, unti-unti na naming naipaayos ang Batangas branch namin dahil sa tulong niyo. And there are investors who keeps on contacting us for investments kaya mas magiging maayos pa ang mga susunod na projects namin." nakangiting sabi niya sa akin habang naglilibot sa loob ng hotel nila. "I'm happy na ganito na ang nangyayari sa business niyo. I'm happy na naging daan din ako para maachieve niyo ang mga bagay na ito." sagot ko naman sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko kaya nakaramdam ako ng mabilis na daloy na kuryente sa buong katawan ko at ang pag-ikot ng sikmura ko. "You were a big part of my success." sambit niya naman habang patuloy na nakahawak sa kamay ko. ***** [Courtney's POV] No, hindi ako makakapayag na maagaw sa akin si Wren. Oo, simula noon ay hindi ko naman talaga mahal ang lalaking iyon. Ginagamit ko lang siya for my own good. Kaya naman noong nalaman ko na nalulugi na ang company nila ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na makipaghiwalay sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi noong una dahil wala na rin naman akong mapapala sa kanya. Pero laking pagsisisi ko dahil hindi ko alam na tutulungan pala sila ni daddy eventually. Kung sana hindi ako nakipaghiwalay, edi baka kami pa ang ikinasal at magkaroon pa ako ng malaking share sa company nila dahil ako ang legal na asawa. Unlike sa manufacturing companies ni daddy, alam kong wala akong lugar sa kahit saan doon dahil si Kaileen talaga ang magmamana. Ako? Ito, magiging empleyado lang buong buhay ko at sunud-sunuran ng babaeng iyon. Hindi ko kayang tanggapin na mas mababa pa ako sa kanya! I'm better than her, in all ways! Swerte lang siya at ipinanganak siya sa mayamang pamilya. Pero pagdating sa kagalingan, mas lamang ako sa kanya. Sige okay, ikinasal sila, wala naman akong magagawa. Masaya naman ako noong una kahit na alam kong kasal sila dahil alam ko sa sarili ko na hindi magiging masaya si Kaileen at magiging miserable lang ang buhay niya sa buhay may asawa niya. Una, hindi naman siya mahal ni Wren, pangalawa, ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Pero bakit pakiramdam ko ay may nag-iiba? Bakit parang hindi na sigurado si Wren kung mahal niya ba ako? Bakit parang nasesway siya sa kung anong meron sa kanila ni Kaileen?! Hindi ko matatanggap kung magugustuhan niya ang babaeng iyon at lalo na kung maaagaw siya! Hindi sila bagay, at dapat alam niya iyon. Dati kapag tinatanong ko siya kung mahal niya pa ba ako ay nasasagot niya iyon agad. Kapag tinatanong ko siya kung kailan siya makikipaghiwalay ay nasasabi niya. Pero lately kapag nasasabi ko ang mga bagay na iyon ay tumatahimik lang siya. Lagi niya na rin iniiba ang usapan at para bang iwas na iwas siyang saktan ang damdamin ng babaeng iyon. Gagawin ko ang lahat mapunta lang siya ulit sa akin. Hindi ko matatanggap ang pagkatalo ko sa babaeng iyon! Pumunta ako ngayon sa opisina ni Wren. "Nasaan ang boss mo?" tanong ko sa secretary niya. "Umalis po, ma'am." sagot niya naman sa akin. "Umalis? Kakaalis lang?" tanong ko naman. "Hindi po. Ang ibig ko pong sabihin ay nag-out of town po siya with his wife. Kaya nakaleave po siya. Hindi ko po alam kung kailan ang exact na balik niya." pagclarify naman niya sa akin. "Saan pumunta?" tanong ko naman sa kanya kaagad. "Um, hindi ko po pwedeng idisclose. Pasensya na po kayo." sagot niya naman sa akin. Argh! Bakit sila nag-out of town? Bakit niya ipinasyal ang babaeng iyon?! Bakit niya pinapasaya? Oo, alam kong ako ang nagsabi nun, gampanan niya ang pagiging asawa niya kahit ayaw niya ay magpanggap siya pero magpapanggap lang dapat hindi tototohanin! Sinabi ko iyon para kapag naghiwalay sila ay umiyak ng sobra si Kaileen. Pero bakit parang hindi na iyon pagpapanggap?! BAKIT?! Ni hindi 'man lang niya sinabi kung nasaan siya ngayon? Hindi 'man lang nya ako inupdate, ni hindi nga niya ako nirereplyan sa chats and messages ko sa kanya. Bumalik ako sa kotse ko na sobrang inis na inis. Saan ko sila ngayon hahanapin?! Paano ko magugulo ang pagbabakasyon nila. Kaagad kong kinuha ang phone sa bag ko at tumingin sa social media platforms nilang dalawa. As usual, walang nakapost kay Wren dahil hindi naman siya mapost. Pero kay Kaileen ay may isang random photo siyang inupload, picture ng dalawang aso sa parang garden area ng hotel. Tinignan ko ang nakatag na lugar at sa wakas nakita ko rin kung nasaan silang dalawa. Pinaandar ko ang kotse para sumunod kung nasaan sila. Kung akala niya magiging masaya ang bakasyon niya, pwes, hindi ko hahayaan iyon mangyari. Hinding hindi mapapa sakanya si Wren, kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD