[Kaileen's POV] "Dad, kamusta ka?" tanong ko naman sa kanya nang madalaw ko siya. Noong dumalaw ako sa kanya ay nasa bahay na siya at doon na nagpapalakas. "Umiinom ka ba ng meds mo?" dagdag na tanong ko pa sa kanya. "Okay lang ako. Tumatanda na ako kaya ganito ang nangyayari na sa health ko. You don't have to worry." sagot naman niya sa akin. "Hindi pwedeng hindi ako magworry, Dad. Ayokong pinababayaan niyo lang ang health niyo." sambit ko naman sa kanya. "Hindi ko naman pinababayaan, anak. Talagang tumatanda na ako kaya ganito na at nagkakasakit." pagkontra niya naman sa sinabi ko. "Dad, you have to take a rest and let me manage the company." sabi ko naman sa kanya. "Kaya mo ba magmanage? I heard from Wren that your pregnancy is really sensitive." concern na sambit ni Daddy sa ak

