Naalimpungatan ako nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Kahit antok ay sinagot ko ang tawag.
"Hello?" hindi ko alam kung sino ang tumatawag kaya bahala na kung sino man 'yon.
"Are you sleeping?"
"Ikaw pala ang tumatawag, bakit? Inaantok pa ako." gusto kong bumalik ulit sa pagtulog pero ayoko namang maging rude.
Narinig ko na naman na may kumatok sa pinto ko kaya halos wala na akong nagawa kung hindi tumayo at buksan yung pinto.
"Ay tulog ka ate?" tanong ni Tessa. Bigla niya akong hinila palabas ng kwarto at kahit medyo nakapikit pa ako ay nakababa ako sa hagdan.
"Ate was sleeping pala." hindi ko alam kung namamalikmata ako at nasa harapan ko ngayon si Chen.
Parang nagising ang buong diwa ko dahil nga totoong nandito siya.
"Did I disturb you?" tanong niya. Agad na umiling ako. Inayos ko ang buhok ko dahil alam 'kong magulo ang buhok ko.
"Hindi naman, okay lang." nakakahiya, bakit naman ako hinila ni Tessa dito, hindi man lang sinabi na nandito si Chen.
"Ate, Kuya Chen is living here pala in the village. Nasa kabilang house lang ang house niya." rinig 'kong sabi ni Tessa na ikinagulat ko.
"Ay dito ka rin nakatira?" tanong ko, tumango siya.
"Dad bought a house here." sagot niya. Napatango na lang ako. Talaga ngang small world ang mundo. Saka ko naalala ang kanyang tryout.
"Nakapasok ka sa varsity?" tanong ko. Tumawa siya ng mahina at tumango.
Napapalakpak ako. "Wow! Sabi ko na 'e, makakapasok ka!" hindi ko mapigilang maging masaya dahil maging siya masaya rin sa naging resulta.
"Kuya, want a snack?" tanong ni Tessa kay Chen, tumango silang si Chen at ngumiti.
"Mag-aayos lang ako ah, babalik ako dito." paalam ko sa kanya, tumango siya. Tumakbo ang paakyat papunta sa kwarto ko at pumunta sa bathroom.
Agad na naghilamos ako dahil baka may mga muta ako sa mata. Nagsuklay din ako at pagkatapos ay bumaba na rin. Pumunta ako sa sala dahil nandoon sina Tessa at Chen.
"Na saan si Troy?" tanong ko kay Tessa.
"He's with his girlfriend." sabi niya na ikinagulat ko.
"May girlfriend na si Troy?" tanong ko. Wala siyang sinabi sa akin.
"Uh yes Ate, pangalawa niya na 'yon this week." agad na napasampal ako sa noo nang sabihin niya 'yon. Alam 'ko namang gwapo si Troy, pero hindi ko alam na babaero siya.
"Tawagan mo at pauwiin siya dito." utos ko kay Tessa. Sinunod rin naman ako ni Tessa dahil wala siyang choice at ako ang ate.
"Umuwi kana daw sabi ate, lagot ka." gusto 'kong matawa dahil masungit at pagkakasabi niyang iyon at pagkatapos ng huli niyang salita ay binaba niya na rin ang tawag. Pero kailangan ko maging seryoso.
Umupo na ako sa couch sa sala at nakikain sa meryenda nilang cookies na binake pa ata ni Tessa dahil yun ang lagi niyang ginagawa pag meryenda time.
"You are a strict ate." sabi ni Chen na ngayon ay kumakain ng cookies na binake ni Tessa.
"Hindi naman ako strict, dapat lang matuto sila ng tamang pag-uugalim Hindi laruan ang mga babae." iling-iling nga sabi ko. Gusto ko tuloy kurutin si Troy.
"You're right, girls are not toys." pag sangayon niya.
"Wag mong paglaruan si ate ah Kuya Chen." sabi ni Tessa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Mukha ba akong laruan Tessa?" tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Kuya Chen looks like a playboy kasi ate." natawa si Chen sa sinabi niya, yun pala ang ibig sabihin niya. Bigla tuloy akong nahiya. Ayan na naman siya.
"Don't worry, I don't play girls. They are too precious." sabi nito habang nakatingin sa akin pero agad ring umiwas at tumingin kay Tessa. Bigla namang kinilig si Tessa at napapalakpak pa. Napailing na lang ako.
Ilang minuto ay dumating na sa bahay si Troy, deretso siyang pumunta sa couch at umupo.
"What is it ate?" walang gana niyang tanong.
"Babaero ba ang pagiging sideline bukod sa pagiging estudyante?" tanong ko sa kanya. Umikot ang mata niya.
"I just appreciate girls." prente niyang sagot. Parang ang sarap niya tuloy ipabugbog sa nga gangster.
"Umayos ka Troy ah, hindi laruan ang mga babae."
"I know." nag-walkout na siya at umakyat papunta sa kwarto niya.
"Stubborn right?" sabi ni Tessa, tumango lang ako at kumain pa ng isang cookie. Umakyat na rin si Tessa marahil ay para kausapin ang kanyang kambal.
"Why aren't you studying in ISM? I'm just curious." tanong ni Chen. Umupo ako malapit sa kanya para magkarinigan kami ng maayos.
"It's my choice. Ayokong mag-aral sa mahal na school kung may choice naman na libre at maganda rin ang quality ng education. Nasanay lang kasi ako sa public school at ayokong nagwo-worry sa tuition fee." explain ko sa kanya.
"So you don't want to study in ISM?"
"Mas gusto ko lang sa UMak, mga ka-vibes ko kasi mga tao don." natatawa 'kong sabi.
"I should have transfer in your school." sabi niya na ikinagulat ko.
"Hah? Bakit naman? Maganda naman sa ISM ah." wala siguro siyang matinong desisyon sa buhay.
Napakamot na lang siya sa ulo. "Maybe I should try?" tanong niya.
"Ikaw bahala, maganda rin naman sa school namin. Hindi ba masyadong komplikado? Kakalipat mo lang ng school, lilipat ka ulit." tumawa naman siya.
"But there's nothing wrong about it. Okay, I should try." yun na lang ang sinabi niya kaya tumango na lang rin ako dahil choice niya naman.
Nagchikahan pa kami sa mga bagay bagay hanggang sa pumatak na rin ang alas singko ng hapon at nagpaalam na siya.
"Ikaw lang mag-isa nakatira diyan?" tanong ko at tinuro ang bahay niya na sobrang laki din.
"Uh yes." napakamot pa siya sa kanyang ulo.
"O sige, uwi kana, teka may kasama ka ba diyan? Kasambahay? Driver?" tanong ko. Naisip ko kasi kung siya lang mag-isa para ang lungkot naman. Masyadong malaki ang bahay para sa iisang tao.
"Yes, I have ate Jolina with me and Kuya Roy." medyo nakahinga naman ako ng maluwag doon.
"Can I call you later? Before you sleep?" nahihiya niyang tanong. Di ko mapigilang ngumiti. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Nakakainis naman.
"Anytime." ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti siya ng malaki na akala mo ay parang nanalo sa lotto. "Thank you." kumaway na ako sa kanya at pumasok na siya sa bahay at pumasok na rin ako sa bahay.
Pumunta ako sa kwarto ni Troy para kausapin siya pero tulog na ito. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya at nagpapanggap lang naman na tulog dahil yinakap rin ako pabalik.
"So he'll court you now?" tanong niya habang nakapikit ang mata.
Tumawa ako ng mahina. "Sira."
"You like him." hindi 'yon tanong kung hindi statement at parang sigurado siya sa sinasabi niya.
"Masama?" tanong ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Knew it." siniksik ko ang mukha ko sa kanya.
Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng ganitong kilig. Naramdaman ko rin naman ito kay Jacob, pero iba ang mas nararamdaman ko kay Chen. Hindi ko maipaliwanag. Parang lumulundag ang puso ko sa saya.
"Me too!" naramdaman ko ang pagsampa ni Tessa sa kama ni Troy at yumakap din kay Troy. Ganito ang bonding namin. Niyakap kaming dalawa ni Troy at napangiti ako nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
WALANG ganang umupo si Yell sa tabi ko nang makarating na 'to sa school. Halatang antok na akala mo ay dalawang oras lang ang tulog.
"Anong problema?" tanong ko sa kanya. Umiling lamang siya at nag head down sa desk.
"F*cking childish." halos lahat kamk magulat nang magdabog ang Presidente namin at lumabas ng classroom.
"Anong problema?" gulat na tanong ko. Maski ang iba naming kaklase ay nagtataka din.
Tumingin ako kay Yell na ngayon ay parang naiinis na. "Ako pa talaga ang childish." mahinang bulong niya at umikot pa ang kanyang mga mata dahil sa sobrang inis.
Siya ba ang sinasabihan ni Kalvin? Teka, ano ang nangyayari sa kanilang dalawa?
"Mariela, may dapat ka bang sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. "Wala." at alam ko na nagsisinungaling siya.
"Nakakainis talaga!" lumabas siya ng classroom na walang pasabi. Ano bang problema non?
"May LQ yung dalawa." sabi ni Jacob na kakarating lang at umupo sa tabi ko.
"LQ? Sila ba? Wala namang sinasabi sa akin si Mariela." takang sabi ko. Tumawa lamang siya na parang alam niya ang nangyayari.
"Tanungin mo siya mamaya." ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Habit niya talaga ang guluhin ang buhok ko.
Itinaas ko ang kamay ko at ginulo ko rin ang buhok niya na ikinatawa niya. Parehas kaming nagtawanan dahil gumaganti rin siya.
"Sweet naman ng mag-jowa." tukso ni Mark kaya doon na kami napatigil. Natatawa lang si Jacob sa tabi ko kaya hindi ko na lang pinansin ang tukso ni Mark.
Unang bumalik si Yell at sinundan ni Kalvin na ngayon ay parang kalmado na. Si Yell naman ay tahimik lang sa tabi ko. Pumunta si Kalvin sa harap at kinuha ang lahat ng atensyon namin.
Halos dalawang araw na rin ang nakakalipas nang huli 'kong makausap si Chen marahil ay busy. Gusto ko nga sana itanong kay Troy kung ano ang ginagawa niya pero nahihiya ako.
"May bago tayong kaklase na transferri student. Ipapakila ni Sir Dantes mamaya sa subject niya. Wag sana tayo magpapansin o mag-ingay man lang."
"Pinapatamaan mo ba ako?" biglang sabi ni Yell na ikinagulat ko. Para siyang sasabog na bulkan. Nakita 'kong nakatingin lang din si Kalvin sa kanya.
"Wala akong sinasabing pangalan." nagsukatan sila ng tingin at naputol lang 'yon ng dumating na ang teacher namin sa first subject namin.
Talaga ngang may nangyayari sa kanilang dalawa. Sila ba at nag-away sila sa hindi ko malaman na dahilan? Tama nga bang may lovers quarrel sila? Masyadong masikreto itong si Mariela.
1 hour and 30 minutes ang una naming subject. Nag-lecture kami at nag-quiz na halos pitong mali ang nakuha ko. Hindi na rin masama dahil pasado pa rin naman. Si Yell naman ay tahimik lang buong subject at ganoon din si Jacob.
May 15 minutes kaming bakante bago mag second subject at ginrab na namin ni Yell 'yon at pumunta sa canteen. Bumili lang kami ng snacks dahil nga 15 minutes lang pero nagtagal kami sa canteen nang umiyak na si Yell.
Agad na naalarma ako sa kanya. "Mariela, anong problema?" tanong ko sa kanya. Niyakap niya lang ako at umiyak. Mga ilang minuto ay tumigil siya.
"Okay na, makikipagbardagulan ulit ako kay Kalvin, anong akala niya magpapatalo ako?" parang nag-ibang anyo si Yell at akala mo ay hindi umiyak.
"Tara na, 15 minutes na tayong late." nag fliphair pa siya at hinila na ako palabas ng canteen. Anong nangyari?
Buti na lang ay sa first floor ang classroom namin. Nang makarating na kami sa harap ng classroom namin ay nakasarado na ang pinto. Halos bumagsak ang balikat ko dahil pag ganoon ang senaryo ay bawal na kami pumasok.
Pero itong si Mariela ay kumatok ng maraming beses sa pinto kaya wala nang nagawa yung kaklase namin at binuksan ang pinto na si Kalvin ang nagbukas dahil malapit rin siya sa pinto.
"You guys are 15 minutes late." sabi ni Sir Dantes, medyo kinakabahan na nga ako.
"Sorry Sir, di na po mauulit. May ginawa lang po kaming importanteng bagay." ngumiti si Mariela kay Sir Dantes.
Hindi na ako nakapag-focus kay Sir Dantes dahil napunta na ang atensyon ko sa lalaking katabi niya na mas matangkad pa kay Sir. Nakatingin ito sa akin na parang nagulat, at ako din ay nagulat.
"Anong importanteng bagay 'yon?" tanong ni Sir Dantes kay Yell.
Kinurot na ako ni Yell nang patago. Tumingin ulit ako kay Sir. "Syempre po importante po, uhm it means mahalaga po Sir." lutang na sabi ko ay nagsitawanan sila. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Sir, inutusan ko silang dalawa na tignan kung anong meron sa Grand theater." sabi ni Jacob na hindi naman totoo.
"Kung ano ano ang rason na binibigay nyo sa akin, umupo na kayo." badtrip na sabi ni Sir. Lihim na napangiti ako sa pagsalba sa amin ni Jacob.
Agad na hinila ako ni Jacob papunta sa tabi na upuan niya. "Magpa-late pa kayo sa susunod." sarkasmong sabi niya.
Ngumiti lang kami ni Yell sa kanya.
"Thank you Master Hakob." aakmang hahalikan pa ni Yell si Jacob sa pisngi pero tinaboy lang niya ito. Lumipat rin agad ng upuan si Jacob dahil may seating arrangement na dapat kaming sundan.
Kaya lang naman kami nagkatabi ni Yell dahil pinilit niya kay Sir.
Napunta na ang atensyon ko sa harap nang ipakilala na ni Sir ang transferee na sinabi kanina ni Kalvin.