Binasa ko ang restaurant na favorite ni Troy.
"Paradise Dinasty."
Chinese restaurant ata ito. Okay na rin dahil mukhang magugustuhan din dito ni Chen. Pumasok na kami in-assist kami ng isang babae na na parang naka traditional na Chinese clothing.
"Ang dami mo namang inorder Troy." ako 'tong nagreklamo kahit hindi naman ako ang magbabayad.
Dati nga ay nahuli kami ni Tita dahil nga binibilhan niya ako ng kung ano-ano. Ayon, pinagalitan ako ni Tita kaya kahit gusto niya pa rin akong bilhan, ako na ang tumatanggi.
"Niya, who's that?" biglang tanong ni Chen kaya napatingin ako sa kanya. Inisip ko ang tanong niya kung sino ang tinutukoy niya nang maalala ko si Jacob nga pala ang nakasalubong namin kanina.
"Ah, si Jacob tsaka girlfriend niya. Kaibigan ko si Jacob at tsaka kaklase." sagot ko.
"Yeah, your first love right?" sabi ni Troy habang kumakain. Bigla tuloy akong nasamid kaya binigyan ako ng tissue ni Chen.
"Naka-move on na ako." depensa ko sa kanya. Nakakainis, bakit kailangan niyang i-bring up 'yon? Gusto ko na talaga siyang tirisin ng buhay.
"I like Kuya Jacob pa naman kaso may girlfriend na siya 'e, ikaw na lang Kuya Chen." ngumiti si Tessa sa kanya.
Natawa ng mahina si Chen. "What do you mean Tessa?" huminga ako ng malalim dahil parang gusto niya pang klaruhin ang gustong palabasin ni Tessa.
"Tumigil na nga kayo, ang daldal nyo." pagputol ko sa kanila. Kinain ko na yung Xiao Long Bao na inorder ni Troy.
Mabuti naman ay nag-focus na rin sila sa pag kain. Masyado silang madaldal at gusto ko silang pasukan ng tissue sa mga bunganga nila nang matigil na sila.
Nang matapos na kaming kumain ay lahat kami ay busog kaya nagdesisyon kami na magpahinga na lang mun bago lumabas ng restaurant. Nakabayad na rin ng bills si Troy gamit ang credit card niya.
"Ate, move to Kuya Chen's seat, i will take of a picture of you guys." ngumiti si Tessa sa akin. Si Chen na ang lumapit sa akin kaya wala na akong nagawa.
Hindi ko alam kung bakit lahat ng trip ng mga kapatid ko ay lagi niyang sinusunod. Nag-pose na lang ako ng peace sign at ngumiti.
"Kuya, put your hand in her shoulder so it looks romantic." pinandilatan ko si Tessa ng mata pero ngumiti lang siya.
Tumingin sa akin si Chen na parang nanghihingi ng permiso, at hindi ko siya binigyan ng permiso dahil ayoko rin na mailang siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti dahil naintindihan niya naman ang gusto kong iparating.
Naka-ilang take si Tessa hanggang sa apat na kami ang nag-picture. Nag-picture din ang dalawa 'kong kapatid na solo pic dahil ipo-post daw nila sa i********:.
"Ate, should take a picture also, post it on Instagram." sabi ni Tessa na ikinailing ko. Hindi ako mahilig mag-picture at bukod doon ay wala akong i********:.
"She doesn't have an i********:, Tessa." pagpapaalala ni Troy sa kanya.
"I made her an account, you didn't use it Ate?" tanong ni Tessa. Umiling ako, napapadyak naman siya dahil hindi ko na naman ginagamit ang mga ginawa niya sa akin.
Ginawan niya rin ako ng Twitter pero ang hirap gamitin, hindi ko alam kung paano gamitin. Sa i********: naman, naintindihan ko naman siya kaso wala naman akong ipopost na picture. f*******: lang ang meron ako at hindi ko rin masyado nagagamit. Messenger lang ang ginagamit ko para sa contact ko sa mga kaklase ko.
"Wala naman akong ipo-post Tessa." yun ang sinabi ko sa kanya na mas lalo ikinakunot ng noo niya.
"Marami akong pictures mo ate, you can post it naman 'e. Ako na nga lang ang magpo-post." hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.
"Kuya Chen, do you have IG? I will follow you on Ate's account." tumango si Chen at kinuha ang phone ni Tessa ay siguro para i-type ang kanyang account. Pinanood ko lamang sila.
"You have many followers Kuya Chen ah." gulat ang boses ni Tessa habang nakatingin sa kanyang cellphone. Kinuha ko na lamang ang phone ko para tignan ang messenger ko.
May chat ni Jacob iyon kaya binuksan ko ang ang conversation namin.
Jacob Cervantes
Na saan ka?
Agad na nag-reply ako dahil hindi ko rin alam kung bakit niya tinatanong.
Sa SM Aura, bakit? Oo nga pala, may activity bukas diba? Ako ba ulit partner mo?
Yung ang nireply ko sa kanya. Sana naman um-oo siya dahil mas mabilis akong matuto sa kanya kaysa sa teacher namin.
Jacob Cervantes
Kailan ba nagbago ang partner ko Niya?
Medyo natawa ako. Tama naman siya, mula Grade 11 ay siya na ang partner ko. Siya pa ang nagiging kagrupo ko lagi dahil siya rin naman ang namimili dahil isa rin siya sa mga leader.
Naalala ko na naman ang trauma na inabot ko nung Grade 11. Pinahiya ako ng Prof namin dahil hindi ko magawa ng tama ang activity namin dahil nahihirapan ako at pinagtanggol nya ako sa harap ng klase.
Kaya nagkaroon ako ng bad impression sa Programming kaya hindi ko na rin itutuloy ang Computer course sa college.
Sabi ko nga hehe.
Tinago ko na ang cellphone ko dahil gusto nang umuwi ni Tessa. Lumabas na kami ng restaurant. Nakahawak si Tessa sa braso ni Troy at nakasandal pa sa balikat nito habang naglalakad. Napangiti naman ako dahil halata sa dalawa pagiging close nila.
Kaya mahal mahal ko ang dalawa dahil mabait sila sa isa't-isa pati sa akin. Grade 9 ako nang tumira ako sa kanila. Alam nila kung bakit ako bigla na lang umeksena sa kanila dahil nga ay nabuo ako na aksidente lang.
Hindi matanggap ni Tita, na mommy nila kaya galit pa rin ito sa akin hanggang ngayon. Akala ko hindi ako tatanggapin ni Tessa at Troy, pero winelcome ako ni Tessa. Napailing na lang ako nang maalala kung gaano ito kabait. Si Troy ay medyo nahirapan na tanggapin ako pero si Tessa ang naging daan kaya ngayon ay pati sa akin ay protective siya.
Masaya rin naman ang dalawa dahil may mas matanda na silang kapatid which is ako. Pa minsan-minsan kasi ay nagtatalo sila at ako ang taga-awat nila dahil hindin naman lagi ay ansa bahay si Tita at Papa dahil may businesses silang mina-manage kaya ako ang taga-awat nila.
"Your siblings are cute." sabi ni Chen habang nakatingin sa kanila.
"Oo, tapos madaldal." dagdag ko na ikinatawa niya.
"And you're quiet." sabi niya kaya napatingin na ako sa kanya.
"E wala naman akong sasabihin." mahina 'kong sabi.
Tumango tango lang siya at ngumiti. Ma-cute siya pag nangiti.
"May skincare ka ba?" tanong ko, wala na namang connect. Hindi ko alam kung kailan ako titigil kakatanong sa mga tao. Ang kinis kasi ng mukha niya.
"Well to be honest, I do not have a skincare routine. I do not like products." sabi niya.
"Ah okay, sabagay magaganda kasi ang genes ng Chinese no?" tanong ko, tumawa siya ng mahina at tumango.
Nakarating na kami sa parking lot dahil nandoon daw si Kuya Alvin, ang driver nilang dalawa. Hinatid na rin kami ni Chen sa parking lot kahit pinigilan ko siya pero ang sabi niya ay okay lang naman.
"Na saan na ang driver mo?" tanong ko sa kanya. Nasa loob na ng van ang dalawa.
"I'll wait for him here." sabi niya.
"I-text mo na agad ah, para hindi ka na maghihintay dito." tumango naman siya.
"Mag-ingat ka ah, uuwi na kami." sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at ngumiti. Kumaway ako sa kanya bago pumasok sa loob ng van. Ang dalawa naman ay halatang antok na antok na rin, umupo ako sa likod at sumandal para magpahinga na rin.
Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog iyon at ang message ni Chen ang bumungad sa akin.
Thank you, I had fun.
Tumingin ako sa labas at nakatingin si Chen sa cellphone niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero masaya din ako at nag-enjoy.
Thank you din Chen, next time ulit! :)
Reply ko.
All right, next time.
Nag-drive na si Kuya Alvin kaya nakaalis na kami sa Aura. Nang makarating kami sa bahay ay may truck sa labas ng bahay. Ngayon na siguro lilipat.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay nasa loob si Tita at tsaka si Papa at ang iba naming kasambahay ay nag-aayos na rin.
"Roheinea, pack your important stuffs, and also you Troy and Tessa." sabi ni Papa. Tumango kaming tatlo at pumunta sa kanya kanya naming kwarto.
2 weeks lang itinagal namin sa bahay dahil nga temporary lang naman kami dito. Hindi na rin siguro kukunin yung mga gamit dahil ang mga personal things lang naman ang pinapakuha ni Papa.
Binigyan ako ni Ate Lina, ang kasambahay ng bahay ng box na paglalagyan ng gamit ko at tinulungan pa ako. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at nilagay sa box. Halos isang oras ang tinagal non, nagpalit na rin ako ng damit dahil suot ko ang uniform kanina.
Nang matapos na ako ay tinulungan ako ni Ate Lina ilabas ang limang box na puno ng gamit ko. Nandoon na rin ang mga damit ko. May mga tumulong na nagbuhat sa mga gamit ko at nilagay sa truck.
"Ate, are you done na?" pinuntahan ko si Tessa na nag-aayos pa rin ng gamit. Patapos na rin siya.
"Alam mo kung saan tayo lilipat?" tanong ko kay Tessa at tinulungan siya.
"Sa McKinley Village daw ate." sabi niya. Tumango ako. Mapapalapit naman sa school kaya mas okay para sa akin.
Nang makuha na ang mga gamit namin at nalagay na sa truck ay pinasakay na kami ni Papa sa van na dinadrive ni Kuya Alvin. Sa sasakyan ni Papa si Tita at Papa sasakay.
Bago ako sumakay sa van ay tinawag ako ni Papa. "Niya." agad na tumingin ako kay Papa.
"Yes po Pa?" magalang na sabi ko.
"I'll buy you a Laptop tomorrow okay? I didn't know that you need it. I'm sorry." lumambot ang puso ko sa sinabi ni Papa.
Hindi ako masyadong nabibigyan ng atensyon ni Papa at kahit ganoon ay hindi naman sumasama ang aking loob dahil laging nasa kambal naman ang atensyon niya. Wala naman siguro akong karapatan na magalit dahil sapat na rin siguro na pinapatira niya ako sa puder niya.
Sobrang nagpapasalamat na ako dahil tinanggap niya ako, na hindi niya rin nakalimutan si Mama at hindi niya nakalimutan na may anak siya kay Mama at ako 'yon.
Ngumiti ako kay Papa. "Thank you Pa." niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi showy si Papa sa akin pero alam ko na kahit papaano ay nag-aalala rin siya sa akin.
"Do not hesitate if you need anything okay?" tumango ako at ngumiti. Hinalikan niya ako sa noo at saka pumunta na sa sasakyan niya. Pumasok na rin ako sa van at bigla akong niyakap ni Tessa at hinalikan sa pisngi.
Wala naman siyang sinabi. Si Troy ay humalik din sa pisngi ko. Hinalikan ko rin silang dalawa sa pisngi nila.
"Ang cute nyong dalawa." ngumiti lang sila.
Nag-drive na rin si Kuya Alvin. Sa C5 kami dumaan, mabilis kaming nakapasok sa McKinley Hill Village at halos mamangha ako sa sobrang ganda ng mga bahay sa loob.
Nag-stop ang van sa isang malaki na bahay. Hindi ko alam kung paano ko siya idedescribe, basta ang alam ko ay malaki ang bahay at maganda ang disenyo nito. Mas malaki ito kumpara sa temporary house nila Papa.
Excited na pumasok ang kambal kaya sabay kaming pumasok at napakaganda ng loob. Kumpleto na ang mga gamit at halatang mahal ang ginastos ni Tita at Papa dito. Hindi ko alam kung deserve ko ba tumira sa ganto kagandang bahay.
Pero sigurado ako na mas maganda ang tinitirhan ni Mama ngayon. Nagpapasalamat ako sa kanya na pinakilala niya sa akin si Papa bago siya mawala.