01

1981 Words
"Kaya pa?" tanong sa akin Jacob. Umiling ako dahil sa totoo lang ay hindi ko na kaya. Masyadong mahirap na ang mga lessons ng programming at hindi na ako nakakasunod dahil nga hindi rin ako makapag-practice dahil wala akong Laptop. Hinila niya nang marahan ang upuan ko at umupo siya sa tabi ko, siya na ang nag-code sa akin at sinasabi niya rin kung bakit yun yung mga tinatype niya at kung ano yung magiging use non. Nang i-run niya na yung program ay tama ang lumabas. Napangiti ako. "Thank you." sinsero 'kong sabi sa kanya. Siya na lang lagi ang tumutulong sa akin. "Tss, sabi ko kasi hiramin mo na Laptop ko, may Laptop naman yung si Samantha, pwede 'kong hiramin." sabi nito na ikinabuntong hininga ko. Jacob is very kind. Pero minsan ay namimisinterpret ko 'yon to the point na I had a crush on him when I was in Grade 11. Pero tinigil ko na rin naman since off limits na siya. At alam ko ang worth ko kaya hindi ko na rin iniisip masyado ang ginagawa niyang pagtulong. "Wag na, baka masira ko pa." mahinsang sabi ko at tinitigan ko lang ang mga codes na tinype niya para mapag-aralan. "Magshi-shift ka pa rin ba?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi na, tapusin ko na 'tong taon. Pero sa college, doon ako magshi-shift, hindi Computer course ang kukunin ko." humagikgik ako. Natawa lang siya. Nang i-annnounce ng Prof namin na magkakaroon ng activity na partner ay kami na ang partner ni Jacob. Siya na ang nanguna sa pagco-code at madali rin naming natapos dahil magaling talaga siya sa pagco-code. "Thank you ulit!" sabi ko sa kanya nang makalabas na kami ng Computer Lab. Tumango lang siya. "Kunin mo Laptop ko mamaya." sabi niya. Tumawa lamang ako dahil sa kakulitan nito at umiling. Umalis na rin siya kasama ang iba naming kaklase para pumunta sa canteen. Hinintay ko na lang si Mariel na alam 'kong nahihirapan rin sa activity. Hindi rin kasi ganoon kagaling ang partner niya at nahihirapan din. Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila ang codes ay ginawa ko na. Halos 15 minutes ako naghintay at natapos na ang lahat. Lumabas ng Computer Lab si Yell nang lugmok at parang hindi ito nagtagumpay sa ginawang pagco-code. "Grabe, ang hirap. Minsan nga ipahiram mo sa akin 'yang si Jacob. May favoritism naman kasi 'yang si Hakob at ikaw lang ang pinipili." reklamo niya sa akin. Naglakad na kami papunta sa canteen sa Admin Building. "Siya ang tanungin mo ah, di ko rin alam kung bakit ako ang gusto niyang makapareha." sabi ko sa kanya na ikinatawa niya "Baliw ka ba? Malamang espesyal ka sa kanya. Nakita mo ba trato niya sa iba nating kaklase at sa 'yo? Magkaiba." kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Anong magkaiba?" tanong ko sa kanya. Binuksan na namin parehas ang bag namin at chineck na iyon ng guard ng Admin Building at pinapasok na rin kami. "Duh, tuwing uwian, ikaw lagi ang pupuntahan niya. Hindi siya uuwi hanggat hindi ka kasama." sabi niya "E parehas kaming taga-Taguig. Wala namang masama sa sabay umuwi. Tsaka kasama naman namin yung iba niyang mga kaibigan. Di lang naman kami dalawa ang sabay, wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano." bumaba na kami sa basement dahil nandoon ang canteen ng school. "Naalala mo yung wala tayong last subject nung Grade 11 tayo? Bigla siyang lumapit sa 'yo, tapos ang sabi 'Niya, uwi na tayo.' para siyang bata na gusto ng umuwi. Pero hindi siya uuwi hangga't di ka kasama." napapalakpak pa siya na parang kinikilig, napailing na lang ako. "Alam mo naman na hindi pwede diba? Wag ka nga. Normal na lang ang tingin ko sa kanya. Wag ka magbigay ng kahulugan sa mga ginagawa niya, wala lang 'yon sa kanya." Nakapasok na kami sa canteen at pumunta sa usual na kinakainan namin. Bumili lang ako ng burger steak na 25 pesos with rice and vegetables dahil yun na ang pinakamura. "Bakit ba naman kasi may girlfriend 'yang si Hakob, ship ko pa naman kayo." nanghihinayang na sabi niya. Naghanap kami ng table at may nakita kaming bakante at doon na kami agad umupo. "Naalala ko tuloy, umiyak ka sa akin kasi gusto mo si Hakob pero wala kang magawa." natatawa niyang sabi. Sumimangot lang ako. Ipinaalala niya pa talaga sa 'kin 'yon. "Sinong umiyak?" halos matuod ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Jacob. Tumawa si Yell. "Umiyak si Niya kasi nga ang hirap ng ginawang ativity kanina." Talagang nagsinungaling pa siya na umiyak ako 'e siya nga itong halos umiyak na. "Nagawa naman natin kanina, bakit ka umiyak?" tanong niya at tumabi sa akin. Kinuha niya ang pagkain ko at pinalit niya ang pagkain niya. "Tsk, 'eto na naman ang kakainin ko." sabi niya. Kinuha ko ang pagkain ko at binalik sa kanya ang pagkain niya pero pinagpalit niya kang ulit 'yon. "Yan na lang lagi ang kinakain mo, magkakasakit na ako nito." sabi niya pero kinain pa rin ang pagkain na binili ko. "Hindi ko naman sinabi na kaininin mo 'yan 'e." mahinang sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at umiling. "Kumain kana." yun lang ang sinabi niya. Tinignan ko ang pagkain na binili niya. Calderetang manok ang ulam at panigurado ay mahal 'yon. Baka nasa 50 pesos ang presyo 'non. "Paano naman ako Hakob?" madramang sabi ni Yell, ang ulam niya ay gulay na mas okay naman dahil masustansya ito. "Tss, anong gusto mo?" napapalakpak si Yell dahil ngayon lang siya tinanong ni Jacob kung ano ang gusto niya. Tinuro niya lang ang longganisa na nagkakahalaga ng 10 pesos kada isang piraso. Bumili si Jacob ng apat na piraso. Dalawa kay Yell at tig-isa kami. Nahihiya na ako dahil ang dami niya ng gastos. Kumain na rin kami ng sabay nang pumunta pa sa amin ang iba naming kaklase. "Two timer talaga 'to si Jacob." komento ng isa naming kaklase na si Nicole. Tumawa ang iba at ako ay napayuko lang. Ito ang ayaw ko, ang tuksuhin kami at magsabi ng kung ano-ano. Nawalan na rin ako ng gana pero inubos ko na lang ang pagkain ko at ganon rin si Yell. "Tara bili tayo tubig." yaya sa akin ni Yell nang matapos na kami. Tumango ako. Nilinis ko ang pinagkainan naming dalawa at iniwan na lang ang plato sa lamesa dahil may kukuha rin naman non. Umalis na kami sa table at bumili ng tubig malapit sa entrance. "Baliw talaga 'yon si Nicole, sarap bigwasan." sabi ni Yell na ikinatawa ko. "Baliw." yun lang ang nasabi ko. Bumili na kami ng tubig at pagkatapos ay lumabas na ng canteen at pumunta na sa next subject namin. "Hindi na nga kita ishi-ship kay Hakob, maghanap ka na lang ng bagong ika-crush ah? Yung mas gwapo kay Jacob." tumawa siya kaya natawa na rin ako. Hindi naman ako lagi nagkakagusto sa isang tao. Baka dahil nga halos konti lang rin ang mga nakakasalamuha ko. Hindi rin naman ako mahilig mag-social media. Mayroon akong social anxiety at hindi ko kaya makipag-usap sa online na hindi ko naman kilala. Kalahating oras na ang nakakalipas at wala pa rin ang teacher namin. Mukhang nakarating na rin naman sa iba naming kaklase dahil hindi konti na lang rin kaming nasa classroom. Nagdesisyon na ang aming Presidente na mag-dissmiss na dahil nasa rule na pag ang teacher ay wala pa sa classroom 30 minutes na ang nakakalipas ay pwede nang umuwi. Lumabas na kami ng classroom at nasa labas rin si Jacob kasama pa ang iba naming kaklase. Lumapit siya sa akin. "Tara." tumango na lang ako. Sabay-sabay kaming lumabas ng building. Nagpaalam na rin si Yell dahil iba ang way niya palabas ng school. At kami naman ay sa shortcut kami dadaan. Tahimik lang ako naglakad at sinusundan sila nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad na kinuha ko 'yon at tinignan ang cellphone ko. Hi :) Nagulat ako nang makita ang text ni Chen. Agad na nireply-an ko 'yon dahil may load naman ako pang-text. Hello Chen : ) ) "Sino yan?" tanong ni Jacob na nasa gilid ko lang. Medyo nagulat pa ako dahil kanina lang ay wala naman sa tabi ko. Umiling lang ako. "Wala, nakilala ko lang." tumingin ulit ako sa cellphone ko kung may reply. Do you want to go here in school? We have an event, outsiders can participate. Nanlaki ang mata ko sa text niya. Talagang pwede pumasok sa school nila? Pwede?? Agad na nagreply siya. Yes. Wanna come? Napangiti ako at nag-reply. Sige, punta ako diyan ngayon. Thank you sa pag-invite. "Saan ka pupunta? Anong school 'yan?" tanong ni Jacob. Ngumiti ako. "Chinese International School." Nakasakay na kami ng Jeep at McKinley ang sinabi ko na bababaan ko. "Sama ako." sabi ni Jacob na ikinakunot ng noo ko. "Monthsarry nyo ni Sam ngayon diba?" tanong ko sa kanya. Mukhang nakalimutan niya pa. Napailing na lang siya. Wala na rin naman siyang nagawa nang makababa na ako sa McKinley. Magtu-twelve pa lang ng tanghali at medyo mainit pa. Ang haba ng nilakad ko at halos ilang minuto ang ginugol ko makarating lang sa school. Nakita ko agad si Chen sa labas na mukhang hinihintay ako. Bigla siyang ngumiti nang makita ako. Agad na tumakbo ako palapit sa kanya. "Pwede talaga pumasok?" hindi ko mapigilang ma-excite. Tumango lang siya at ngumiti. Tinignan ko ang simple niyang suot na hoodie na gray at jogging pants na gray. Medyo magulo ang buhok niya na nakadagdag sa kanyang magandang itsura. Pumasok na kami sa school. Halos mga elementary students ang nakikita ko at di ko mapigilang ma-cute-an sa kanila dahil puro Chinese na mga cuties ang nakikita ko. Napangiti na lang ako nang makita sila. "It's my last day here." biglang sabi nito. "Last day?" tanong ko. Babalik na kaya siya sa China? "I'll transfer in ISM." sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Alam ko ang ISM, doon nag-aaral ang dalawa 'kong kapatid. "Wow! Mahal ang tuition doon diba? Doon nag-aaral ang dalawa 'kong kapatid. Grade 10 na sila, hala baka makita mo sila!" napapalakpak ako. Pero siya ay nakatingin lang sa akin. "Your siblings are studying there?" tanong niya, tumango ako. Para siyang nagtataka na hindi ko maintindihan. "You are not studying in ISM?" tanong niya na ikinatawa ako. Umiling ako. "Mahal ang tuition doon. Sa UMak ako nag-aaral. Maganda rin ang school ko, at libre pa." hindi rin naman basta basta ang UMak, ang ganda ganda ng school ko at wala pang ginagastos sa akin. Mukhang hindi niya rin naman alam ang school ko. Hindi na rin siya nagtanong. Parang tinour niya lang ako sa school niya, hindi naman siya ganon kalaki pero maganda ang school. Halos dalawang oras kami nasa loob ng school. "Wala na ba kayong klase? Baka uwi na rin siguro ako, may mga assignments pa ako." sabi ko sa kanya na ikinatango nya. "All right." parang may sasabihin pa siya pero itinikom niya na lang ang bibig niya. Kumaway na ako sa kanya at tumango lang siya at ngumiti ng tipid. Naglakad na ako palayo ng school nang mag-text siya sa akin. Mag-iingat ka. Di ko mapigilang mapangiti dahil kumpleto ang pag-text niya ng 'Ingat'. Nag-reply ako sa kanya. Ikaw din ay mag-ingat. Tumingin ako sa pwesto niya dahil hindi pa rin naman ako nakakalayo. Nakita 'kong nakatingin siya sa akin kaya kumaway ulit ako. Ngumiti siya at kumaway din. Nakita ko pang may mga kasama siya na parang kaklase niya lang rin at nakatingin sa akin kaya medyo nahiya na ako. Kumaway na lang ulit ako at tumalikod na at naglakad na ulit. Nakasakay na agad ako ng Jeep dahil tanghali pa lang naman. Nang makauwi na ako ay walang tao sa bahay at ang mga kasambahay lang ng bahay. Pumunta na agad ako sa kwarto para magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD