Nagdadabog na ibinagsak ni Teddy ang kanyang bag pagkapasok na pagkapasok sa pintuan ng kanilang bahay.
“Well, hello there, my little sunshine,” masayang bati ni Ann sa bunsong nakasambakol ang mukha. Narinig niyang bumusina ang school bus ni Teddy kaya naisip ni Ann salubungin ang anak sa foyer ng kanilang bahay.
Ngayon ang first day ni Teddy as a fourth grader. Bago pa man matapos ang bakasyon ng bata ay naglakas loob na ito at nagsabi sa mommy niya na ayaw na niya magpahatid sa school on her first day. Malaki na siya at kaya na niya mag-isa. Araw-araw, nag-aaway ang pride ni Ann sa kung gaano kaayos lumalaki si Teddy at pagkalungkot na her child is growing up too fast.
Masaya si Ann marinig ang mga salita ni Teddy dahil this means effective ang pagtuturo nila ni Johnny ng indepence sa bata. Kaya lang, it’s also bitter sweet. Gusto na niya mag-school bus tulad ng Ate Tiana niya. Does this mean, just like her ate, ‘di na rin niya masyado kailangan si Ann? That she can and prefers to do things on her own now?
“Aren’t you scared, honey, about being alone? And hindi ka ba mabo-bored na ang dami pang dadaanan ng school bus bago ka mahatid sa bahay?” tinanong ni Ann. Of course, she’s happy that Teddy is turning out to be a child who’s not very clingy. It will also free up a lot of time for Ann to take care of her own things. Pero she didn’t realize na the day would come so soon.
“Mama, please get Uno’s school bus. If you call Tita Raine, I know she will give you the number, diba?” sinagot ni Teddy who continually proves to her parents na she is very intelligent for her age.
“Oo nga naman. May point ka diyan, sweetheart. Are you sure this is what you want? Kasi ‘pag nag-school bus ka na, wala nang bawian ha? I’ll start doing things na in the afternoon once nag-school bus ka na kaya if you change your mind, hindi na pwede,” dagdag pa ni Ann. Natawa na lang siya sa sarili. Gusto niya ba mag-school bus ang anak o hindi? Sino ba ang totoong clingy sa kanilang dalawa?
“Mama, I’m sure! I’ll be with Uno naman. Sabi niya he’ll take care of me. He always takes care of me naman, diba?” dagdag pa na hirit ni Teddy.
Napailing na lang si Ann. Talagang sineryoso ni Uno ang sinabi niya nuong bagong panganak pa lang si Teddy at dinibdib na ang pagiging bodyguard sa bunso niyang babae. “Sometimes, I wonder if we need to guard you from Uno,” bulong nito sa sarili.
“What’s that, Ma?” tanong ni Teddy.
“Ha? Wala, sweetie. Sabi ko, I’m glad Uno’s there to guard you. O sige, after dinner, I’ll give Tita Raine a call and get the number of the school bus from her para we can get you a slot. Sure ka na talaga, ha?”
Tumango si Teddy. “Sure na po talaga, Mama.”
Buntong hininga na lang ang naisagot ni Ann. “Ok, sige. I’ll talk to your Papa na rin tonight.”
Every day since she started taking the school bus, ay walang naging kahit anong issue ang bata. True to his word, walang makalapit na kahit sino mang estudyante, kalaro, o kaibigan kay Teddy unless aprubado ito ni Uno. Buti na lang at well-adjusted ang bata, maayos at marespeto sa boundaries ni Teddy, or else baka naging red flag na ito sa napakabatang edad na dose años. Pero matagal na nilang kilalang mag-asawa si Uno at alam nilang concerned lang talaga ito sa happiness at safety ng kanilang anak. Besides, ‘di naman apektado ang social well being ni Teddy sa eager protection ni Uno so Ann and Johnny let it slide.
Madalas pa ngang biro ni Johnny kay Ann na ‘di na niya kailangan mag-alala kay Teddy at pwede na siyang mag-concentrate kay Tiana dahil tinanggalan na siya ni Uno ng babantayan. Sakto naman at nagiging habulin na ng mga nagbibinatang lalake ang panganay nila.
Kaya naman laking gulat ni Ann nang makitang mainit ang ulo ni Teddy.
“Let me repeat myself ‘cause I don’t think you heard me. Hello there, my little sunshine,” hirit ni Ann.
Huminga ng pagka-lalim lalim si Teddy bago tinignan ang ina sa mata. “Hi, Mama. Afternoon,” nakasimangot na bati nito.
“Bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba? Nag-away ba kayo ni Uno?” probe ni Ann. Siyempre, si Uno agad ang naisip niya dahil parang magnets ang dalawa: hindi mapaghiwalay.
Sa lakas ng pag-iling ni Teddy, nahampas na siya sa mukha ng sarili niyang ponytail. “No, Mama.”
“Okaaay…” sagot ni Ann. Hinintay niya magpaliwanag ang anak pero makalipas ang ilang minuto, tikom pa rin ang bibig nito, kaya minabuti na niyang mag-follow-up. “So bakit ka mukhang nalugi sa mahjongan?” tanong niya.
“Ano po, Mama?” nagtatakang sagot ni Teddy.
Napatawa na lang si Ann sa sarili. Siyempre, di naman alam pa ng bata ang mahjong. ‘Di nila ineexpose mag-asawa ang mga anak nila sa mga lolo’t lola nilang nakakaubos ng buong araw kalalaro nito. Pagtanda na lang nila, when they can appreciate the culture and tradition but not get addicted to it.
“Ang sabi ko, sweetie, bakit ka mukhang sobrang galit?”
Huminga ng malakas muli si Teddy. “Mama, sometimes I hate my busmates.”
“Bakit? Inaaway ka ba nila?”
“Mama, sabi nila crush ko daw si Uno kasi I keep following him everywhere! Tapos he’s older than me daw but I don’t call him kuya. Hello! Diba sabi mo my teacher said my brain is older than my age? Sabi mo yon, Mama! Sabi mo my brain age is ten to twelve! E di magka-age lang kami ni Uno, if you think about it.” Never mind na matured rin si Uno for his own age so mas matanda pa rin siya kay Teddy, kahit paikot-ikutin pa ang mundo.
Tumango si Ann. “Oo nga. Sabi ko nga yon.”
“Saka Uno said since we’re best friends, we can call each other by our names. Kahit na sabi ko sa kanya my name is Sofia Isabel not Teddy Girl. But sabi niya his name’s Juan Antonio but I call him Uno so it’s the same, Mama. Sabi niya yon.”
“Oo nga naman,” agree ni Ann.
“But our busmates keep teasing me to him. Pati my classmates now. Ang kulit kulit nila, Mama! Every time Uno walks me to my classroom, all my classmates go, ‘yihee!’ But Uno always walks me to class kasi sabi nya he’s my bodyguard. Baby pa lang ako he promised you na he will be my bodyguard. And we’re best friends! We’re always together. I know Tita Raine and you will be sad if we don’t spend time together, diba?”
Napakagat ng labi si Ann. Iba na talaga mag-isip ang mga bata ngayon. “I see. Pero matanong nga kita, sweetie. ‘Di mo nga ba crush mo ba si Uno?”
Napa-padyak na lang si Teddy sa inis. Pati ba naman si Mama tinatanong siya ng ganto? “Mama! Hindi ko crush si Uno!” kumpirma nito.
Tumango si Ann. “I see. Do you know what a crush means, sweetheart?”
Nag-isip ng malalim ang bata. “I know that’s what Papa always says when you do something. Pag hug ka niya kasi masarap ulam natin or pag aalis tayo tapos you dress like you, Papa always says, ‘Crush talaga kita!’ tapos he has this weird look on his face, Mama. I don’t say that to Uno. Yuck!” sagot ni Teddy.
“I also hear Ate Tiana when she’s talking to her friends. She says she has a crush on her classmate or her friends say some boys have a crush on her. Minsan nga pati girls, Mama, may crush kay Ate Tiana. Kasi she’s pretty daw saka smart saka she’s a great dancer daw. I don’t care about how Uno dances, Mama. I don’t think I’ve really seen him dance.”
Hindi na nakapagpigil sa pagtawa si Ann. Oh, my! Napaka-observant talaga ng bunso nila. She better tell her husband to watch how he acts around the kids dahil marami sila nakikita kahit na di nila necessarily naiintindihan. And she also needs to tell Johnny to check on their elder daughter para lang siguradong crush lang ang meron siya and nothing else. Masyado pang bata si Tiana to get into any kind of relationships.
Lumapit si Ann sa anak at kinuha ang kamay. “You’re too young to have a crush, Teddy Girl,” sabi ni Ann. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang anak. Mabilog ang mga pisngi nito kahit na hindi naman mataba ang bata. Masyadong magalaw, always burning energy, itong si Teddy. Kaya mukha nga naman siyang teddy bear. Uno was on to something. “Don’t worry about it too much. And don’t let it affect the way you and Uno are friends. When you get older, you will appreciate the kind of friendship you have with Uno. But for now, just enjoy it and don’t listen to the other kids, ok?”
Napasimangot si Teddy. Just like that, biglang nalungkot ang bata. “But Mama?”
“Yes?”
“What if Uno listens to the other kids?”