CHAPTER 16 ••• Resolution ••• Tulak-tulak ni Mitch ang wheelchair kung saan sakay no'n si Nanay Lidya na may malawak na ngiti sa labi. Kay tagal na rin kasi mula nang huling makalabas ang ginang matapos itong maratay dahil sa stroke. Pero kaagad napasimangot at napahirap si Mitch nang makasalubong nilang dalawa si Lee pagkalabas ng silid ni Nanay Lidya. Halatang kanina pa nag-aabang ang binata sa labas ng kwarto. Mitch didn't bother to hide her irritation. She still can't believe Lee called her out for bringing a wheelchair. Dati pang nagiging ugat ng mga away nila Mitch ang pride ni Lee. Kaya't hindi niya akalaing hanggang ngayon pala ay ganoon pa rin. May ugali kasi ang binata na gusto nitong akuin ang lahat kasi raw siya ang lalaki na hindi naman gusto ni Mitch. "Jared, anak! Ka

