Chapter 2
•••
Possibilities?
•••
May malapad na ngiti sa mukha ni Mitch habang nakatingin kay Angel at sa napangasawa nito. Mitch and Lee decided to attend Angel's reception. Hindi na kasi pumunta ang iba nilang kaibigan sa reception lalo na si Deme dahil hindi na nito matiis ang mga pangungulit ng mga taga-media.
Mitch was really happy for Angel. Finally, destiny gave her heart what truly desired.
Habang nakikinig sa matamis na palitan ng mensahe ng bagong kasal, hindi naiwasan ni Mitch na bumaling sa lalaking katabi niya. Natigilan siya nang salubungin ni Lee ang kaniyang tingin. Mukhang kanina pa ito nakatitig sa kaniya.
She smiled sweetly at Lee to hide the loud and fast beating of her heart.
"What? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Mitch.
Natigilan siya nang ngumiti lang sa kaniya si Lee 'tapos ay hinaplos ang kaniyang pisngi.
"Ang ganda mo talaga," Lee said.
Mitch smiled widely and she teasingly wrapped her arms around his neck.
"I know right. Kailan ba ako pumangit?" Then she winked at him which was reciprocated with a sexy and soft laugh from Lee.
"I want to kiss you right now." Lee leaned forward, closer to her face.
Napalunok si Mitch sa sunod na sinabi ng binata. Napaawang ang bibig niya dahil sa mabilis na t***k ng kaniyang puso. Her gaze went down to his lips. She wanted those delectable lips of him.
"Mitch," he whispered.
Nawala na sa sarili si Mitch nang tuluyang magtagpo ang kanilang mga labi. She forgot the fact that they were in Angel's wedding reception. She forgot about the people and the reporters. She forgot that Lee was a stripper and his dark life will only taint her perfect image to the public. She forgot everything.
Nagpaubaya siya sa kanilang halikan. Dama niya ang init at pagkasabik sa pinagsaluhan nilang halik.
It was Lee who cut their kiss. Doon lang bumalik si Mitch sa kaniyang wisyo.
Hindi niya napigilan ang sariling hampasin nang mahina sa balikat si Lee dahil sa nakakabaliw na halik na 'yon. Natawa lang naman ang binata.
Nahihiyang ngumiti si Mitch sa mga taong nakatingin na sa kanilang dalawa, kasama ang mga kaibigan niya— sila Jam, Rex at Shaine na pare-parehong nakataas na ang mga kilay sa kaniya.
Masama ang tingin na bumaling si Mitch kay Lee na malapad naman ang ngiti sa kaniya.
"Stop smiling! Hindi nakakatuwa 'yong ginawa mo!" aniya bago inirapan si Lee.
"What did I do? I just kissed you. And for me, it’s enjoyable." Naramdaman niya ang pag-akbay ng braso nito palibot sa kaniyang mga balikat.
Naiiling na lang siya sa kalandian ni Lee. Michelle was a major flirt and she never settle to one guy. Wala siyang seryosong relasyon maliban sa mayro'n sila noon ni Lee. He was the only guy who could make her heart thumps like crazy back then.
Akala niya ay wala nang epekto ang binata sa kaniya ngayon. Pero mali siya.
Like before, her heart was still beating like crazy because of him. At ‘tulad din ng dati, hindi niya matumbasan ang kalandian ng binata.
"Mukhang malalim ang iniisip mo a? You wanna dance?"
Naiiling na bumaling siya kay Lee na nakalahad ang kamay sa kaniya. She badly needed to stop thinking how past became cruel to both of them. They were in a new timeline now. It was the now and she's a different version of Michelle.
Mitch smiled sexily at Lee before she accepted his hand. Iginaya ni Lee si Mitch sa dance floor at pumuwesto sila sa bandang gilid.
Mitch knew why. Lee hated reporters.
She circled her arms around Lee's neck as his arms wrapped around her waist to pull her body closer to his.
"Remember the song?" masamyong tanong ni Lee.
"Yeah. I can still recall how you sang that for me when we were in high school." Ngumiti si Mitch kay Lee na may kakaibang kislap ng saya sa mga mata. "Kinilig ka no'ng kinanta ko sa 'yo 'to. Pero ngayong inaalala ko... Jeez! My voice sounded horrible back then!" ani ni Lee na bakas ang disgusto sa alaalang 'yon.
Mitch chuckled as she tightened her arms around his neck. Hindi niya alam na p'wede rin pa lang maging masaya ang pagbabalik sa nakaraan.
"Mabuti na lang talaga at hindi ako gano'n kagaling sa music noon kaya hindi mapili ang tainga ko," Mitch commented before she winked at Lee which was reciprocated with a kiss on her forehead.
She leaned her head on his shoulder when the song changed. Naramdaman niya naman ang paghigpit ng yakap nito sa kaniyang baywang. She could hear his heartbeats. They're fast.
"Ang bilis ng t***k ng puso mo," she pointed out.
"It’s your fault, Honey." Then she felt his hand caressed her hair as his other hand settled on the side of her waist.
Their body swayed together, dictated by a slow and sweet tempo. Mitch felt contented. She felt good. Ayaw niya na itong matapos. Gusto niya lang na patuloy na marinig ang t***k ng puso ni Lee.
They were in peace while dancing together. But that peace didn't last because it was disturbed by her oh-so-dear friend, Rex. Hinampas kasi ni Rex ang likuran ni Mitch na nagpaigtad sa babae.
"Sobrang lapit? Gano'n? Landing-landi ka, Girl?" Rex teased as she gave Mitch a scrutinizing glance.
"What the heck, Rex!" Nanlalaki ang mga matang baling ni Mitch sa kaibigan.
Hindi makapaniwalang nag-peace sign lang sa kaniya ang kaibigan pagkatapos ay hinila na ang kasama nitong lalaki, na gaya ni Lee ay kasali rin sa Lucky 9.
"She's crazy." Saka umakbay si Lee kay Mitch.
"I know right," Mitch agreed. Napairap na lang siya sa hangin.
Hindi na naituloy ni Mitch at Lee ang kanilang pagsasayaw dahil tinawag si Mitch ni Angel.
"Wait for me here. Angel is calling me."
Tumango naman kaagad si Lee sa kaniyang sinabi 'tapos ay hinalikan muna siya sa labi bago hinayaang lapitan si Angel na ngayon ay kasama na ang iba nilang kaibigan.
"Hey friends!" masayang bati ni Mitch at naupo sa tabi ni Rex na malawak ang ngiti.
"Really, Angel? Bakit may pa-gan'to?" tanong ni Jam na nagpakunot sa noo ni Mitch.
"Ano ba 'to, Gel?" Mitch asked as she waited for Angel's reason behind this sudden meeting.
Alanganing ngumiti si Angel sa kanila bago naupo sa bakanteng upuan sa gitna nila. "Saglit lang naman 'to. Pinsan kasi ni Enzo 'yong editor in chief sa magazine na 'to at gusto nilang i-feature tayo. You know, our friendship... the it-girls and our special someones."
Natigilan silang lahat lalo na si Mitch sa sinabi ni Angel. Okay lang ma-feature sa magazine. Ilang beses na rin namang nangyayari 'yon sa kanila. Mga sikat sila at naiintindihan 'yon ni Mitch. Pero, special someone? Really? Ibig sabihin, kasama si Lee Jared?
"Sabi ko nga ba! Dapat dumiretsong uwi na lang talaga kami no'ng lalaking 'yon," aniya ni Rashaine at palihim namang sumang-ayon ang utak ni Mitch.
"Ang s'werte ni Deme dahil umuwi na sila ni Domingo," nakangusong sabi ni Cristel.
Probably, Deme already knew this was going to happen.
"How will it go, Gel? " tanong ni Mitch para masimulan na at matapos kaagad.
"Well, the magazine sent a lot of reporters, enough to interview each couple, simultaneously."
Napatango-tango naman si Mitch pero kasabay nito ang kaba. One reporter per couple. For sure, Lee's job was going to get mentioned.
"Gel? P'wede bang kapag ayaw namin sagutin 'yong tanong, no comment na lang?" tanong ulit ni Mitch.
Ngumiti naman kaagad si Angel sa kaniya 'tapos ay tumango.
Okay. Mitch shrugged her nervousness away and all of them agreed. Para kay Angel, gagawin nila ito. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa simpleng interview na 'yon.
Nagkaniya-kaniya na sila ng tayo para sunduin ang mga lalaking naging instant boyfriend nila dahil sa larong Lucky 9.
Nakangiting sinalubong siya ni Lee na umiinom ng champagne.
"Stand up. We have an interview," ani ni Mitch.
Kaagad napawi ang ngiti ni Lee at napalitan ng pagkunot ng kaniyang noo.
"Interview? Do we really need to do that?"
Kaagad na tumango siya at inilahad ang kaniyang kamay sa binata. Lee took her hand and finally stood up. His arms circled around her waist and they stride to the mini stage where a reporter was waiting for them. Everything for the interview was set up. Sila na lang ang kulang.
Pagkarating sa mini stage, napalingon si Mitch kila Rashaine na nagsisimula na ang one-on-one interview.
Kinamayan silang dalawa ng reporter na naka-assign sa kanila na nagpakilala bilang si Ms. Danica Mendoza. Naupo sila Mitch sa katapat na mga upuan ng reporter. Hinawakan naman kaagad ni Lee ang kamay ni Mitch na nakapatong sa kaniyang hita.
"This interview will only consist of five questions. This will be done in an instant." Nakangiting bumaling si Ms. Danica kay Lee na nagpataas ng kilay ni Mitch.
"Ms. Danica, will you please start this interview?" Mitch didn't bother to hide the irritation in her voice.
Kaagad namang napatingin sa kaniya si Danica at nawala ang matamis na ngiti nito.
So kung kay Lee, sweet smile... pero 'pag sa akin, pilit na ngiti? What a flirt! inis na naisip ni Mitch.
"For the first question, how did you meet each other?"
Napalunok si Mitch sa unang tanong. Nawala ang inis niya sa reporter na ito. Sa halip, napalitan siya ng pag-aalangan. Anong isasagot nila? They met each other way back in high school or they met in a crazy game called Lucky 9 and get stuck with each other for a month?
"We were high school friends. We went in the same school. We have something special back then but we have to go in separate ways for some reasons," paliwanag ni Lee. Walang kaba ang boses nito. "Then we met again. The rest is history," sagot ni Lee na nakapagpangiti kay Mitch.
Nice answer, she thought.
Tumango-tango naman si Danica 'tapos ay nakangising nagtanong ulit.
"So, Mr. Trinidad... How do you feel that your girlfriend is one of the famous bachelorettes in the country and being fantasized by a lot of men?"
Napalunok si Mitch sa tanong. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya at naku-curious sa isasagot ni Lee. She badly wanted to know what was Lee's opinion about that thing.
"Mitch is a very successful and gorgeous woman and there's no question why she's one of the most pursued bachelorette of the country." Lee shrugged. "But she's mine. She's mine and nothing will change that. I don't give a f**k about other men. I can assure them that they can never have Mitch. My Honey is only mine."
Mitch's heart was beating erratically and she’s sure that her face was burning red— Thanks for that wonderful speech from Lee.
"Wow!" Danica sighed dreamily as she stared at Lee. "I can really see in your eyes the possessiveness for Miss Arga. How do you feel about that, Ma'am?" Saka bumaling ang reporter kay Mitch.
Hindi naiwasan ni Mitch na mapabaling kay Lee na mataman siyang tinitingnan.
Anong nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Lee? Her heart was beating rapidly and she felt giddy. She's very satisfied with his answer and she wanted to kiss him badly because of that. That's what she truly felt.
Pero ayaw niyang maging katulad ng dating Mitch. Kaya iba ang lumabas sa kaniyang bibig.
"I am not really into possessive man. Nakakasakal kasi." Mitch giggled. "But I understand him because I am really one of every guy's fantasy," she said before she turned her gaze at Lee who's looking at her intently.
"By the way Honey, don't be that possessive ha? Nae-enjoy ko naman kasi na pantasya ako ng mga kalalakihan." Then she winked at Lee before turning her gaze back to the reporter.
Mitch kept her smile. She wanted to gag with what she just said. Pero kailangan niyang panindigan 'yon. This was the new version of her after what she had with Lee, flirty and manipulative. Ayaw niya nang bumalik sa dating Mitch no'ng nasa piling pa siya ni Lee—That version of her is fragile and vulnerable. That Mitch would not suit her new environment.
"Oh. Mukhang kailangan mong bawasan ang possessiveness, Mr. Trinidad," naiiling na tugon ng reporter. "Okay. For the third question... This is for Miss Arga. What can you say for those bashers who didn't agree on your relationship with Mr. Trinidad because of his job as a stripper?"
Napalunok si Mitch sa sunod na tanong. Inaasahan niya na ‘to. Palagi namang nauungkat ang pagiging stripper ni Lee.
She heaved a deep sigh before she bit her lower lip. Honestly, she didn't know what to say.
"Uhmn... Lee is a stripper, I know that... " Nag-iwas ng tingin si Mitch. "Stripper siya kaya alam ko rin na marami nang nakakita ng dapat ako lang ang nakakita... But I want him. So I need to accept him. He's a stripper but I know he's a better person than those kidnappers and killers. He is a good man," ani ni Mitch bago pasimpleng nilingon si Lee.
Hindi nakatingin sa kaniya si Lee at nanatiling nakatingin nang diretso sa kawalan. Mitch sighed before she focused her gaze to Danica the reporter.
"And if being a stripper is part of Lee Jared Trinidad, then I'm willing to accept it. I am an open minded person, I can handle it. So, f**k off bashers! I don't care about you!" Mitch added with smirk. Danica smiled at her.
What she said was not part of pretending. Lahat ng kaniyang sinabi ay totoo at mula sa kaniyang puso. Ito ang bagong Michelle Arga, matapang.
So, she just said what she should have said back then.
"That was so sweet, Miss Arga. No wonder, Mr. Trinidad is blushing."
Napatingin si Mitch kay Lee dahil sa komentong 'yon ni Danica. Kaagad siyang napangisi nang makita na totoong namumula nga ang mga pisngi ng binata. Lee was cute when blushing. Kaya naman, hindi na napigilan ni Mitch na bigyan ng magaang halik sa pisngi ang binata. Nanlalaki ang mga matang napabaling naman sa kaniya si Lee.
"Stop blushing, Lee. You're turning me on." Then she squeezed his hand.
"I-I'm not blushing," tanggi ni Lee habang pilit kinakalma ang nagwawala niyang puso.
Naiiling na bumaling na lang ulit si Mitch sa reporter na nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.
"For the fourth question... Have you ever watch Mr. Trinidad performing as a stripper, Miss Arga?"
Nawala ang ngiti ni Mitch dahil sa tanong na 'yon. Sa totoo lang, hindi niya pa napapanood ang kahit anong performance ni Lee dahil hindi niya kaya. She didn't want to. Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman kapag napanood niyang naghuhubad si Lee sa harap ng mga bading at malalanding babae. Just the thought of it, hurt her heart big time.
"She never did. But I always have a special performance for her," sabi ni Lee na ikinatigil ni Mitch. Bumaling siya ng tingin sa binata.
Lee squeezed her hand before he turned to her and he gave her a reassuring smile.
"Oh! Special performance? Mukhang maraming maiingit sa 'yo, Miss Arga."
Mitch smirked when she noticed the fake smile on Danica's face. Kunwari pa, pero alam ni Mitch na isa ito sa naiingit sa kaniya.
"Come on Miss Danica, what is the fifth question? We want this done," sabi ni Lee bago sumandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Mitch at nagsumiksik ang mukha niya sa leeg nito. "This is too long... Hmm... You smell good," bulong pa ni Lee na nagpataas sa mga buhok sa batok ni Mitch.
"Lee, umayos ka nga," mahinang sita ni Mitch sa binata pero parang wala itong narinig at naramdaman niya pang hinalikan siya nito sa leeg na naghatid ng libo-libong kiliti sa kaibuturan niya.
"Ah... Uhmmnn... Okay... For the last question... Are the two of you, somehow find yourselves being married to each other?"
Mitch could hear awkwardness on the reporter's voice and she knew why. Lee was literally eating her neck. She tried to push him but he didn't budge. She didn't have any strength to push him away. She's being lost on what he's doing.
"Pardon, Miss Danica?" Mitch bit her lips, trying to suppress her moans.
"Uhmnn... Are you seeing yourselves being married like Miss Angel and Mr. Enzo?"
Hindi naman talaga nagrehistro sa utak ni Mitch ang tanong ng reporter kahit na inulit na nito ang tanong. Lee's magical tongue was what she's focusing on.
"Hmnn... I don't know really... But who knows, right? Everything has possibilities..."
Mitch wanted to punch Lee when he suddenly stopped nipping her skin. He stilled instantly after what she just said.
"Are you serious about what you said, Honey?" Umayos ng pagkakaupo si Lee bago sinapo ang mukha ni Mitch. Pinagkakatitigan niya ang dalaga na para bang bigla siyang tinubuan ng dalawang tainga ng kuneho.
"Serious about what?" Mitch asked, very much confused about Lee’s question.
Biglang bumagsak ang mga balikat ni Lee at binitawan ang mukha ni Mitch. Humarap siya sa reporter.
"I don't think she meant what she just said. Please don't include that."
Nakakunot ang noo ni Mitch sa sinabi ni Lee. Totoo naman ang sinabi niya ah. Everything has possibilities and marriage between them was included. Walang nakakaalam ng hinaharap. Lalo na at mayro'n pa ring epekto si Lee sa kaniya at napapabilis pa rin nito ang t***k ng kaniyang puso.
Bakit sinasabi nitong 'wag na isama ang naging sagot niya?
"Then, what will be your answer for number five?" Danica asked Lee with a frown.
Napatingin si Mitch kay Lee nang bitawan nito ang kamay niya bago sagutin ang tanong.
"We were not considering marriage in this relationship. We were just having fun." Then, Lee stood up, leaving Mitch with the reporter.
Hindi makagalaw si Mitch dahil sa sinabi ng binata. Tama rin naman ang sinabi nito. They were together because of that game, Lucky 9. Nothing more, nothing less.
Pero hindi maintindihan ni Mitch kung bakit sumakit ang puso niya at hindi siya makagalaw. Bakit hindi niya matanggap ang sinabi ni Lee? Nagtatanong ang puso niya kung bakit hindi man lang inisip nito na may posibilidad na mauwi sila sa kasalan?
Eh siya ba? Gusto ba niyang magpakasal kay Lee?
Sabi ng isip niya ay hindi, dahil hindi pa rin sila p'wede gaya ng dati. Pero bakit kinukulit siya ng kaniyang puso na dapat siya ang pakasalan ni Lee.
Napatingin bigla si Mitch sa reporter na maharot na nasa harapan niya at nagliligpit ng mga gamit nito. Nag-init bigla ang ulo niya nang maisip na marami pang 'tulad ng malanding reporter na 'to na p'wedeng umaligid kay Lee.
Hindi s'ya papayag! May kontrata sila at kaniya si Lee sa loob ng isang buwan!