Chapter 3

1704 Words
Chapter 3 Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa nakasanayan ko. Pakiramdam ko, kahit hindi pa bumabangon ang araw ay gising na gising na ang utak ko, puno ng tanong at kaba. Pagkaalis ng init ng shower mula sa katawan ko ay ramdam ko agad ang bigat ng panibagong araw. Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, pilit kong iniwasan ang pag-iisip sa mga nangyari kagabi — si Red, ang misteryosong banta, ang tensyon sa dibdib ko... at ang mainit na eksenang halos ikatakbo ng puso ko. "Focus, Cheska. School. Routine. Normal." Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko habang inaayos ang polo uniform ko at pinipilit isuot ang pamilyar na 'walang pake' expression sa mukha. Pagkarating ko sa university, normal ang lahat. Maaga pa, at wala pang masyadong estudyanteng gumagala sa hallway. Pero may isang bagay akong agad napansin. Wala pa si Quicee. Usually, siya ang una kong nakikita sa may hallway sa tabi ng bulletin board. Lagi siyang may dalang kape para sa akin — vanilla macchiato kung bad mood ako, black kung late ako. Pero ngayon, wala siya. Walang bakas ng malanding tawa niya, ng overly bright scrunchie niya sa buhok, o ng pagyakap niyang parang sinasakal ako. Napakagat ako sa labi. "Baka late lang. Hindi naman siguro masama ang pakiramdam." Pilit kong sinasabi sa sarili ko, pero may kung anong kutob ang gumagapang sa sikmura ko. Pumasok ako sa classroom namin, tumingin sa usual seat ni Quicee. Bakante. Sa tapat nito, naupo ako, inilapag ang bag ko, at mabilis na sinilip ang cellphone ko. Wala. Walang chat. Walang missed call. Wala ring story update sa i********:. Weird. Si Quicee pa ba 'yon? Bigla kong naisip si Red. "May kinalaman ba ‘to sa sinabi niya kagabi? Na may nagbabantay sa akin? Posibleng si Quicee…?” Umiling ako. “No, no, stop it. Huwag mong isama si Quicee sa paranoia mo.” Habang tuloy-tuloy ang pasok ng mga kaklase namin at nagsisimula nang maging maingay ang paligid, hindi ko pa rin mapakali. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype ng message: “Bes? San ka? Late ka ah. Need my caffeine fix!” Wala pa ring reply. Hanggang sa biglang nag-vibrate ang phone ko. Akala ko siya na. Pero ibang pangalan ang lumitaw sa screen. Mr. Red Tumigil ang mundo ko saglit. Bakit siya tumatawag ngayon? Sa school oras? Dali-dali akong tumayo, bitbit ang phone, at lumabas ng classroom. Maya maya pa ay pumasok si Quicee ng room. “‘Ba’t late ka?” bulong ko kay Quicee habang pasimpleng siniko siya nang mapansin kong kararating lang niya. “Long story,” sagot niya sabay irap. “Ikaw kaya ‘tong biglang nawala kagabi sa bar!” “Tangiks! Ikaw kaya ‘yung biglang nawala!” balik ko agad. Napatingin kami sa isa’t isa, parehong hindi nagpapatalo. Pero bago pa kami makapagsigawan ng tuluyan, may napansin ko na may nakakuha ng atensyin ni Quice. Siya Ang bagong substitute teacher namin. Mr. Dark Salves. Well masasabi kong matipuno Ang katawan niya kaya nagulat si “Wait… sino siya?” tanong ni Quice sa gulat , sabay kurot ng braso ko. “Practice teacher daw. Substitute ni Sir Gilliam,” sagot ko. “Nasa party ko ‘yan kagabi. Ang gwapo, ‘di ba?” “Gwapo? Eh nakatalikod,” sagot ko sabay taas ng kilay. Pero parang sinagot agad ng langit ang tanong ko, dahil bigla siyang humarap. “Okay, class. Ano nga ulit ang chlorophyll?” tanong niya. At boom. Tumigil ang mundo. As in literal na parang nag-pause ang lahat. Maputi, makinis, matangos ang ilong, pinkish lips — at ‘yung boses niya? Diyos ko, parang panaginip. Napatingin ako sa paligid. Lahat ng babaeng blockmates namin — nakanganga. Kahit si Quicee ay parang tinamaan. Pero ang mas ikinagulat ko? Nakatingin si Sir… kay Quicee. Hindi basta tingin. ‘Yung tipo ng tingin na parang may galit, may hinanakit, o… may alam? Napatingin pa ako sa likod ni Quicee para siguraduhin kung siya nga ba talaga ‘yung tinitingnan. Pero wala namang iba. Halata rin ng iba naming blockmates kaya lahat kami parang napatingin kay Quicee. “What’s going on?” bulong ko. “Ewan,” sagot niya, pero halatang kinabahan siya. “You,” sabi ni Sir sabay turo kay Quicee. Napakunot noo si bestie. “Me, Sir?” Tumango si Sir. Tumayo naman si Quicee at nagrecite. “Chlorophyll… one of the reasons why every prant—” Prant? Napakagat ako sa labi para ‘di matawa. Pero kinabahan ako sa susunod na nangyari. “Why were you late?” tanong ni Sir. Buong-buo ang boses. Seryoso. Sumeryoso rin ang mukha ni Quicee. “It’s my personal reason, sir. And I don’t need to say it to you because it’s my privacy.” GIRL?!? Kalabit ako nang kalabit kay Quicee, sinenyasan ko siyang ayusin niya ‘yung sagot niya. Pero parang wala siyang naririnig. Diretso ang titig kay Sir, parang may tension sa pagitan nila na kami lang ang hindi nakakaintindi. “I’m asking, and you need to answer it!” sigaw ni Sir. “Even if it’s your privacy, you have to tell me! I’m your teacher and I have a responsibility to know why you were late!” “Yes, I’m late! So why should I tell you? You’re just a f*cking practice teacher! You’re not even licensed yet!” PUTOK. Literal na parang may sumabog. Lahat kami napalunok. “Are you cursing at me?” tanong ni Sir, nanginginig ang panga. "Yeah i am! So stop barging here and just put on that fvcking attendance list that I'm late! Also i have a training so I don't need that because I'm still have a exemption for quiz" sabi ni Quicee. Ibang level na ‘to. Hindi lang to rebelde vibes — World War III na ‘to. “GET OUT!!!” sigaw ni Sir, at nag-echo pa sa buong room."Your freaking absent now! And not late anymore!!!" “Gusto mo ako pa magsulat sa board?” bulyaw ni Quicee habang kinuha ang bag niya. “Ako na! Ako na magsusulat ng AB-SENT!” Walang gumalaw. Lahat kami nanahimik. "I said. GET OUT!" "Fine, sayo na seat ko!" At habang lumalabas si Quicee, ako ay naiwang tulala. Hindi ko maintindihan kung saan galing ‘yung galit ni Sir. O kung bakit parang may personal issue siya kay Quicee. Sobrang intense ng tingin niya, parang kilalang-kilala niya si bestie ko. At ang mas nakakakilabot? Parang nakita ko na silang dalawa na magkasama. Hindi lang ‘to simpleng alitan ng teacher at student. Parang may pinanggagalingan. At sa bawat hakbang ni Quicee palabas ng room, ramdam ko na may kasunod pa ‘tong kaguluhan. Nagpatuloy na Ang klase Hannah nasa labas si Quicee. Maya maya pa ay natapos na kaya lumabas na kami. Pagkalabas ko ay nakita ko si Quicee na tulog sa may upuan. “Hoy,” sabi ko habang bahagyang niyuyugyog ang balikat ni Quicee. “You have to wake up!” Una, pabiro lang. Pero nang hindi siya gumising, doon na ako kinabahan. “Quice?” muling tawag ko, mas mahina. Mas seryoso. Ilang ulit na. Pero wala pa rin. Hindi siya dumidilat, hindi man lang umuungol. Tulad ng tipikal niyang arte kapag ayaw pa niyang gumising. Pero ngayon... wala. Nagkatinginan na kaming mga blockmates. Ang iba sa kanila ay nagsimula nang tumayo at lumapit. Kahit ‘yung masungit naming practice teacher—si Mr. Dark, yes that brooding demon—ay napalapit na rin. “Baka inatake ‘to,” bulong ng isa. “Low blood?” hula ng isa pa. Ako? Literal na nanginginig ang kamay ko sa kaba. “Quice, please. Gising na,” bulong ko habang bahagya siyang tinatapik sa pisngi. “Hindi na to nakakatawa.” Hanggang sa bigla siyang gumalaw. Lahat kami napaatras. Dumilat ang isa niyang mata, tapos sumunod ang kabila. At parang wala lang. Parang siya lang ‘yung hindi tinakot ng kamatayan sa loob ng dalawang minuto. “Ano?” aniya habang inaantok pa. “I’m sleepy…” Tangina talaga ‘to. Gusto ko siyang sapakin. Nag-eyeroll ako. “Kala namin namatay ka na, bakla!” “Anong oras na ba? Nagpa-alarm naman ako, ah?” tanong niya habang nag-unat pa at kamot-kamot ang ulo. Literal na walang pake sa kaba naming lahat. “We heard your alarm,” sagot ko. “Pero ‘di ka magising! Kala tuloy namin inatake ka o something!” At anong isinagot niya? Tawa. As in halakhak. Loud and proud. “HAHAHAHAHAHA! Kaya ba parang may luha ka?” sabay turo sa akin. Napatingin ako sa gilid. Tangina, napansin pa talaga ‘yun?! Grabe talaga ‘tong si Quicee. Kahit nasa bangin na ng suspended, ang bilis pa ring mang-asar. Pero sa loob-loob ko, kahit nainis ako, gumaan ‘yung dibdib ko. “Ang OA mo Cheska!” dagdag pa niya habang tumatawa. “WE NEED TO TALK. NOW.” Boom. Naputol ang halakhakan namin. Lahat kami, natahimik. Napalingon kami sa nagsalita. Si Mr. Dark. Nakatayo sa gilid. Nakapamewang. At parang handang i-exorcise si Quicee gamit lang ang titig. “Paano kung ayaw ko?” sungit ni Quicee habang inaayos ang buhok niya. Di pa ata fully gising pero game na game pa rin sa bardagulan. Ako? Napa-facepalm na lang. “Then let’s meet at the guidance counselor’s office, I guess?” malamig na sagot ni Sir. Parang wala nang energy makipag-sagutan. Pero ramdam mong ready siyang humila ng demerit slip anytime. “Sumunod ka na lang,” sabi ko kay Quicee. Tahimik pero may diin. Girl, please. Just this once. Be normal. “Fine,” sagot niya, sabay tayo, bitbit ang bag. Naglakad siyang parang bida sa anime, sunod kay Mr. Dark na parang lead actor sa dark romance series. At ako? Naiwan sa hallway. Pinagmasdan ko silang dalawa—si Mr. Sungit at si Miss Pabibo. Parang dalawang planetang dapat hindi nagtatagpo, pero ngayong nagkabanggaan na... may something na. May tension. May history? May... secrets? Hindi ko alam kung ano ang meron, pero isang bagay ang sigurado ako: This isn’t just a student-teacher argument. This is war... with feelings. At gusto kong malaman kung sino ang unang aamin. O sasabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD