chapter 28 Tumatangis pa rin si Amara habang mahigpit na niyakap ito ni Zach. Maraming tumakbo sa kanyang isipan. Galit at panghihinayang ang kanyang nararamdaman. Nagagalit siya kay Rain at Japeth nais niyang saktan ngayon ang lalaki na lumuluha habang nanatiling nakatayo sa kanyang harapan. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Wala na ng magbabago kahit pa saktan niya ito ng paulit-ulit. Hindi na maibabalik ang nga na sayang na panahon. Nagkalayo at nasira na ang relasyon nila ni Zach. Ang kailangan niyang gawin ngayon nabuuin ang nasira nilang pamilya. “Umalis ka na, Japeth. At ayaw ko ng makita ka pa ulit. Kung may natitira ka pang kabaitan sa sarili mo sa respetuhin mo ang desisyon ko,” alam ni Amara na harsh ang binitawan niyang salita para sa taong ilang taon niyang pinakakatiw

