Will of Hate and Testament of Love

2475 Words
Pinagmamasdan ni Annie ang kanyang sarili sa salamin. Tinapik niya ang sariling pisngi at hindi pa rin makapaniwalang ikakasal siya ngayon. Ikakasal siya sa lalaking akala niya ay sa pangarap niya lamang. Lalaking napilitan lamang magpakasal sa kanya dahil sa manang iniwanan ng namayapang Alejandro Jimenez sa Will and Testament nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na kailangan muna siyang pakasalan ni Alyjah para mapunta rito ang mana. Kung hindi nito susundin ang nasa Will, tuluyang mamumulubi ito at mapupunta sa kanya lahat ng kayamanan ng matandang Jimenez. Napangiti siya sa sarili. Ngunit hindi halos nakarating iyon sa kanyang mga mata. "Hindi ba dapat masaya ka, Annie? Hindi ba dapat ay nagtatalon ka na sa tuwa. Mapapasaiyo na ang pinangarap mong lalaki!" pangungumbinsi niya sa sarili ngunit tuluyang pumatak ang pinipigilang luha. Alam niyang hindi siya magiging masaya. Alam niyang impiyerno ang magiging buhay niya sa piling ni Alyjah. Dahil sa isip nito, sa pinapaniwala nito, isa siyang kabit ng matandang Jimenez. Ginawa iyon ng dahil sa pagmamahal sa kanya. Na inareglo ang pagpapakasal nila para sa kapakanan niya. "Welcome to hell, wife!" ika ni Alyjah nang mapag-isa na sila sa sala. Galit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Napatungo siya upang hindi nito makita ang luha niyang nag-uunahang pumatak. Kung bakit hindi niya pa ring magawang mamuhi sa lalaki kahit lantaran siya nitong pamukhaan na isa siyang basura. Isa siyang maruming babae. Ayon sa Will and Testament, kailangan nilang magsama ni Alyjah ng isang taon. Kailangan rin nilang makabuo ng pamilya para mahati ang mana sa kanilang dalawa. Hindi dapat sila magdiborsiyo. Ang gagawa niyon ay mawawalan ng karapatan sa mana. Wala siyang pakialam doon. Iisa lang naman ang nag-udyok sa kanya para magpakasal sa lalaki. Iyon ay ang wagas niyang pagmamahal dito. Ngunit paano niya ipaparamdam ang pagmamahal na iyon? Paano niya paiibigin si Alyjah kung ang lalaki na mismo ang lumalayo sa kanya. Halos ayaw siyang makita. Pinandidirihan siya. "Kung hindi mo ako aanakan, hindi mo makukuha ang mana mo. Anim na buwan na lamang ang natitira sa palugit ng will ni Papa," desperada niyang saad kay Alyjah isang gabi. Kailangan niyang mabuntis. Kahit iyon na lamang ang maiwan sa kanyang alaala ng lalaki. Pagak na tinawanan lamang siya nito. Puno ng pandidiri ang titig na iginawad sa kanya. "Ganyang ka na ba kadesperada para makuha ang kalahati ng mana? I'm sorry, pero ayoko ng napagsawaan na ng magaling kong ama." Napakagat labi siya. Pilit kinakain ang bawat katagang binibitiwan ng lalaki. Kung hindi ito magkukusang may mangyari sa kanila. Siya na ang gagawa ng paraan para mabigyan siya nito ng anak. Isa-isa niyang binuksan ang butones ng kanyang blusa habang papalapit sa lalaking matalim ang tingin sa kanya. "Don't you dare coming near to me!" banta nito sa kanya pero nakita niya ang sunod-sunod na paglunok nito habang isa-isa na niyang inihuhulog ang kanyang mga damit. Lalaki lamang si Alyjah, alam niyang madadarang ito anumang putahe ang nakahain dito. Sa pag-iwas pa lang nito ng tingin, alam niyang nagtagumpay na siya. Tila naman itinulos si Alyjah sa kinatatayuan. Hindi niya maiwasang hangaan ang katawang nakahain sa kanya. Noon pa man ay pinagpapantasyahan na niya ang kabit ng kanyang ama. Pilit nga lamang niya iyong iwinawaksi sa isipan. Pilit niyang kinamumuhian ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya nabigyang pansin noon. Napatda siya ng hawakan siya ng babae. Parang may hipnotismo itong gamit dahil nang hilain siya nito sa kama ay nagpatianod siya. "Hayaan mong punan ko ang panganagilangan mo. Hayaan mo akong gampanan ang pagiging asawa sa iyo," anas nitong nagpalibog sa kanya ng husto. Kanina pa nga siya darang na darang. Hinagilap ng mga kamay ni Annie ang butones ng kanyang pantalon. Binuksan nito iyon at ibinaba ang zipper. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa noong marahas niyang sinibasib ito ng nagbabagang halik. Itinulak niya ang babae sa malaking kama. Agad niyang tinanggal lahat ng nakatabing sa kanyang katawan. Pinalaya ang kanina pa tinitimping pagnanasa. Kinubabawan niya ang babae at marahas na inangkin. Naisip niyang hanggang nasa poder niya ito'y gagamitin na lamang niya. Magpapakasasa siya hanggang ito na ang sumuko at iwanan siya. Madilim na sa labas noong umalis si Annie sa bahay ni Alyjah sa Maynila. Masakit man ang buong katawan. Paika-ika man siya sa paglalakad ay pinilit niyang makalayo. Hilam siya ng luha habang tinutunton ang daan palayo. Iiwanan na niya si Alyjah. Pakakawalan na niya ito at hindi na muling gagambalain pa. Ibibigay niya ang kalayaan nito para lumigaya sa piling ng iba. Masakit man tanggapin, masakit man na hindi man lamang siya nagawang mahalin. Babaunin na lamang niya ang isang gabing pinagsaluhan nila. Masakit sa kanya noong iwanan siya nito pagkatapos nitong malamang birhen pa siya. Hindi niya ipinahalatang nasaktan siya. Tiniis niya ang marahas nitong pag-angkin sa kanya. Pero ang bakas ng dugo sa kobre kama ang naging patunay na hindi siya maruming babae. Na hindi siya kabit ng ama nito. Galit na galit itong iniwanan siya habang mura nang mura. Para siyang basahang pagkatapos gamitin ay ibabasura na lamang. Tanggap naman niya iyon, masakit lang talaga sa kalooban. Bago umalis ay pinirmahan na niya ang divorce paper. Nag-iwan rin siya ng isang sulat na nagsasabing kasalanan niya ang lahat. Na ayaw na niya dito. Na gusto na niya ng diborsyo. Muli niyang pinahid ang naglandas na luha sa kanyang pisngi. Puno ng agam-agam ang kanyang sistema. Hindi niya alam kung paano pa niya bubuhayin ang sarili. Wala siyang pera. Ni sentimo ay hindi soya kumuha sa pera ng mga Jimenez. Tanging mga kasuotan niya lamang na luma ang dala-dala niya sa maliit na bag. "Hindi ka pababayaan ng Diyos, Annie. Magpakatatag ka lamang. Huwag kang sumuko," piping pampalubag loob niya sa sarili. Patuloy siyang naglakad, nang bigla nakaramdam siya ng hilo at paninikip ng dibdib. Unti-unting lumabo ang kanyang paningin. Hungkag ang pakiramdam ni Alyjah habang nalamukos na sa palad ang sulat na iniwan ni Annie. Hindi niya akalaing wala na siyang dadatnang asawa. Sumuko na ang babae, hindi na siya nito nagawang hintayin. Galit na galit siya sa kanyang sarili nang malamang birhen ang babae at siya ang nakauna. Ni hindi niya nagawang irespeto ito at marahang angkinin. Tanging galit lang niya ang kanyang pinairal. Mas nagagalit siya dahil habang sakop sila ng tawag ng kanilang laman. Habang iniisip niya ang makaraos, paulit-ulit binabanggit ni Annie ang mga katagang mahal kita. Hindi niya inuwian ang babae ng isang linggo dahil wala siyang mukhang maihaharap dito. Lalo na pang nadagdagan ang hiya niya at galit sa sarili nang matanggap ang sulat ng kanyang ama mula sa abogado nito. Naglalaman ng paliwanag kung bakit may arrange marriage na nangyari. Kung bakit ginusto ng kanyang ama na ipakasal siya kay Annie. Ayon dito, si Annie ang naging ilaw ng kanya ama sa madilim nitong mundo simula noong mamatay ang kanyang ina. Si Annie ang naging gabay nito para magpatuloy sa buhay at hindi siya tuluyang iwanan. Si Annie ang nagbukas sa isipin nito na walang may kasalanan sa pagkamatay ng kanyang ina. Gusto rin ng kanyang ama na maging ilaw niya si Annie. Nakakulong pa rin kasi siya sa isang malalim na bangin ng pagsisisi. Nalulunod pa rin siya sa kumunoy ng kalungkutan. Ninais ng kanyang ama na si Annie ang kamay na hihila sa kanya paalis sa lugar na iyon. Ang matagal ng pagmamahal nito ang magiging gabay niya para lumigaya. Ngayon, wala na ito. Iniwanan na siya at nag-iwan pa ng mga kasinungalingan para lamang makuha niya ng buo ang mana. "Nasaan ka, Annie?" Lalo siyang nanlumo dahil pagbukas niya ng silid na inuukopa nito, tumambad sa kanya ang mga gamit na hindi na pinag-aksayahang kunin. Ang mga credit card at bank book nito ay nasa drawer din. Walang nabawas na kahit sentimo. Napasalampak siya sa kama at napasabunot sa ulo. Sumibol ang luha sa kanyang mga mata. Puno ng pagsisisi ang kanyang isipan. Humiga siya at sinamyo ang amoy ng asawa. Naiwan ang halimuyak nito sa unan. Niyakap niya iyon ng mahigpit habang paulit-ulit na binibigkas ang paghingi ng kapatawaran. Ginawa ni Alyjah ang lahat para mahanap si Annie. Nagbayad siya ng mga private investigator para mapabilis ang paghahanap niya sa dalaga. Pero anim na buwan na ang nakalilipas, wala pa ring balita dito. Nasa isang event siya sa bahay ampunan. Malaki ang investment na inilaan niya para mapalago ito. Iyon ang bahay ampunan na ninais noon ni Annie na pagbigyan ng manang matatanggap. Nalaman niya iyon noong makausap niya ang abogadong humawak sa Will ng kanyang ama. Masaya siyang pinapanood ang mga batang nagtatanghal sa stage nang mahagip ng kanyang mata ang isang bulto ng tao na nakaupo mula.sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. "I found you!" anas niya habang mabilis ang hakbang palapit dito. Nang tuluyang nakalapit, naitulos siya sa kinatatayuan nang mapagmasdang mabuti ang itsura ng babae. Malaki ang umbok nito sa tiyan. "Annie!" tawag niya dito. Walang kaabog-abog na lumuhod siya sa harap nito. Ginagap ang kamay na nakahawak sa libro. "Patawarin mo ako. Pinagsisisihan ko na ang p*******t sa damdamin mo. Please, bumalik ka na sa akin..." Nagulat siya sa paghila nito ng marahas sa kamay na hawak niya. Tiningala niya ang babaeng blanko ang ekspresiyon. Nakamata lamang sa kanya at walang mababanaag na kahit anong emosyon. "Kilala mo ako, Mister?" tanong nito sa kanya na itinuro pa ang sarili. "Hindi ako si Annie, nagkakamali yata kayo ng taong nilalapitan," dagdag pa nito at tumayo. Hahakbang na sana palayo ang babae nang marahan niya itong hinaklit sa braso pagkatapos niyang tumayo. "Please, don't do this to me. Alam kong kilala mo ako. Galit ka lang sa akin kaya nagmamaang-mangan kang kilala mo ako..." "Jane, anak. Bakit narito ka sa labas?" Isang tinig ang nagpalingon sa kanilang dalawa. Isang Madre ang papalapit sa gawi nila. Pasimpleng hinila ng babae ang brasong hawak niya. "Sister, mukha pong nawawala ang lalaking ito. Tinatawag pa po ako sa pangalang hindi ko kilala," sumbong nito sa Madre. Napanguso pa itong parang bata. Maraming katanungan ang nabuo sa isip ni Alyjah. Alam niya sa sarili niyang si Annie ay si Jane. Anong nangyari sa asawa niya at hindi siya nito kilala? "Dumating siya rito, limang buwan na ang nakalilipas. Wala na siyang maalala noon. Nanggaling daw ito sa isang hospital. Nagising na lang na walang maalala. Dito siya pinadpad ng kanyang mga paa." Nakuyom niya ang kanyang kamay dahil sa kuwentong narinig mula sa madre. Kasalukuyan silang nasa library ng bahay ampunan. Nasa gilid naman si Annie na tuwang tuwa habang nagbabasa ng libro. "Hindi ko alam kung anong hirap ang pinagdaanan niya para ginusto niyang malimutan na lang ang lahat. Ayaw niyang magpa-doctor. Kahit nanghihina na ay ayaw magpa-ospital," saad ng Madre at nagpahid pa ng luha sa mata. Hindi niya maintindihan. Ayaw niyang paniwalaan. "Gusto ko po sana siyang kunin sa poder ko. Asawa niya ako," amin ni Alyjah sa Madre. Mapait itong ngumiti. "Hindi mo siya basta-bastang mahihikayat na sumama sa iyo, Mr. Jimenez. Baka lalong makasama sa kanyang kalagayan kung ipipilit mo." Naipinid niya ang kanyang mga labi. Kailangan niyang amuin ang kanyang asawa. "Bigyan mo siya ng panahong makilala kang mabuti. Sana lamang ay hindi maging huli ang lahat." Tuluyan nang umiyak ang Madre. Naikuwento nito ang kalagayan ni Annie. Hindi dapat itong magbuntis dahil sa kalagayan ng puso nito. Ngunit pinili ng babae ang baby kesa sa sarili nitong buhay. "Ang sabi ng doctor, maaring i-ceasarian na lamang siya ng maaga. Pareho nilang maisasalba ang buhay ng mag-ina." Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Nanatiling nakadukdok ang kanyang mukha sa kanyang palad. Hanggang sa yumugyog na ang kanyang balikat. Lumabas ang mahihinang hikbi kahit pigilan man niya. "Anong nagawa ko, Sister Helena? Bakit hanggang ngayon ay pinaparusahan pa rin ako? Bakit ngayon nakita ko na siya, ang hirap pa rin niyang abutin?" Humahagulgol niyang saad. Tumayo ang Madre sa harap niya at niyakap siya. "May plano ang Diyos, anak. Hindi niya ibibigay ito sa iyo kung hindi mo kaya. Lumaban ka para sa mag-ina mo." Iyon nga ang ginawa ni Alyjah. Halos sa isang buwan ay araw-araw niyang dinadalaw si Annie. Sa una, iniiwasan siya ng babae. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asang mapalapit dito. Ginawa niya ang lahat, hanggang sa isang araw ay pinagbigyan siya ng kapalaran. Magkatabi sila ngayon ni Annie sa hardin ng bahay ampunan. Nagbabasa ito ng libro samantalang pinagmamasdan niya lamang ito. "Bakit ba sa tuwing narito ka, lagi ay pinagmamasdan mo ako?" tanong nito ngunit ang mata ay nakatitig pa rin sa librong binabasa. "Naalala ko lang ang babaeng pinakawalan ko sa iyo..." Napatigil si Annie sa pagbabasa. "Ano naman ang ipinapaalala ko tungkol sa kanya?" Humugot ng malalim na hininga si Alyjah bago muling magsalita. "Pinapaalala mo ang katangahan nagawa ko. Pinakawalan ko siya at sinaktan..." Gumaralgal ang boses niya. Namuo ang luha sa kanyang mata kaya yumuko siya. "Hinanap ko siya, nagbabakasakaling bumalik siya sa akin. Baka sakaling mahal pa niya ako, gaya ng pagmamahala na meron ako sa kanya ngayon." Naramdaman niya ang biglang pagtigil ni Annie sa ginagawa. Nang lingunin niya ito, hilam na ang mukha ng luha. "Annie..." mahinang tawag niya dito, nais niya itong abutin. Ngunit agad na tumayo si Annie at kumaripas ng takbo. Hindi pinakinggan ni Annie ang malakas na pagtawag ni Alyjah. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid. Pagkalapat ng pinto, sumandal siya roon at pinakawalan ang malakas na hagulgol. Akala niya ay kaya niyang magpanggap ng matagal. Akala niya ay kaya niyang balewalain ang lalaki gaya ng pagbabalewala nito sa kanya. Pero hanggang ngayon, ipinagkakanulo pa rin siya ng kanyang puso. Itinitibok pa rin nito ang lalaking gusto niyang kalimutan. "Annie..." Mula sa labas ng pinto ay tawag ni Alyjah. Nakagat niya ang kanyang labi para sukilin ang hikbing papakawala. Ayaw niyang marinig nito ang kanyang pag-iyak. "Annie, alam kong naaalala mo ako. Gusto kong humingi ng tawad. Please, give me another chance. Hayaan mong ako naman ang magmahal sa iyo ng lubos." Mariin siyang napapikit. Gustuhin man niya. Huli na ang lahat. Gustuhin man niya, wala na siyang panahon. Dahil nararamdaman niya sa kanyang sarili na hindi na rin siya tatagal. Masasaktan niya lamang ang lalaki. Mas lalo lamang niya itong ibabaon sa kumunoy ng kalungkutan. Hindi alam ni Alyjah kung anong gagawin. Muling nawala sa kanyang paningin si Annie. Umalis raw ito ng walang paalam at walamg nakakalam kung nasaan. Muli, halos sukuan na niya ang kanyang buhay. Nang isang regalo ang natanggap niya makalipas ang dalawang buwan. Isang sanggol na lalaki. Kalakip noon ang isang sulat. Ali, Salamat at patawad. Salamat kahit siyam na buwan lang, naging masaya akong kasama ang anak natin. Isang napakagandang regalo mula sa iyo. Ngayon, iiwanan ko na siya sa iyo. Sana ay mahalin mo siya. Patawad, hindi na tayo binigyan ng pagkakataong maging buo. Mahal ko kayo ni Alejandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD