Lunes ng umaga, hindi mo ako pinapansin. Nalungkot ako pero napawi ang lungkot na iyon noong lapitan ako ni Derek at kausapin. Sa unang pagkakataon, kinausap ako sa harap ng buong klase. Parang eskandalo ang nangyari dahil sa reaksiyon ng mga kaklase natin. Karamihan kinikilig na naiintriga kung anong meron kami. Paano kasi, nagtanong siya kung pwede akong ihatid pauwi.
Unang-una kong tinignan ang reaksiyon mo. Nakatingin ka at tinanguhan ako. Tama nga siguro ang hinala kong alam ninyong nanliligaw si Derek sa akin at siya ang sinasabi mong kaibigan na manliligaw. Mali ako ng inakala, akala ako...
Akala lang pala.
Umoo ako na siyang ikinasigaw ng buong klase. Grabe! parang hindi nakakakita ng nagliligawan.
Bigla kang nawala. Naghalf day ka yata. Di bale, wala namang test o lecture kaya okay lang siguro na hindi ka pumasok. Kasama mo yata sina Jayson siguro nag-inuman na naman kayo.
Busy kami sa pagdedecorate para sa gaganaping valentines day sa cafeteria. Nagtaka ako dahil nagmamadaling umalis si Janet matapos makatanggap ng tawag kung kanino.
Nagkibit balikat kami dahil walang adviser kaya naglalayasan na ang ibang kaklase.
Inihatid nga ako ni Derek hanggang sa bahay. Naipakilala ko na rin siya kila mama. Nasabing manliligaw siya. Okay naman sa kanila, pero siyemprw may paalala. Third year college na ako nasa tamang isip na raw. Basta grumaduate muna bago talagang magseryoso.
Kinagabihan, katext ko si Derek pero ewan ko kung bakit nangangati ang kamay kong itext ka. Kamustahin ka at tanungin bakit hindi ka pumasok.
Pero naduwag ako, alam ko kasing galit ka pa sa akin. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit.
Kinaumaghan, nagtaka ako sa aga ni Janet sa school. Ako maaga talagang pumapasok dahil ilang barangay pa bago ang iskwelahan. Sasakay pa ako ng jeep at isang tricycle. Aabutin ako ng trenta minutos.
Napakunot noo ako habang palapit, nasa harap ka ni Janet. Naghaharutan kayong dalawa na parang mag jowa. Parang slow motion ang lahat na nasasaksihan ko. May pagtataka. Bakit kayo magkasama? Bakit ang sweet ninyo?
"Oh, Hannah nandito ka na pala," napatigil ako. Nakatingin na nakangiti si Janet sa akin. Nakatalikod ka pero agad na humarap at umakbay kay Janet.
May namuong tensiyon sa katawan ko. Lalo na noong mapadako ang mata ko sa kamay mong nakaakbay sa kaibigan ko. Ipinilig ko ang ulo at pilit na nilagyan ng ngiti ang aking labi.
"Ano'ng meron?" Tanong kong ininguso ang kamay mong hindi pa rin naaalis sa pagkaka-akbay.
Namula si Janet. Ikaw naman napangisi nang malaki.
"Kami na!" Deklarasyon mo. Expected ko dahil sa kinikilos ninyo pero nagulat pa rin ako. Bakit parang ang bilis naman yata. Parang noong isnag araw lang! Kasasabi ko lanh na gusto ka niya. Pero hindi na rin ako umimik. Naupo na lamang ako sa may umbrella kasama ninyo at nagreview.
Nagreview nga pero parang wala ang atensiyon ko sa binabasa. Parang gusto kong maiyak.
Recess time noong maikuwento sa akin ni Janet ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi ako nagtatanong pero nagkuwento pa rin siya. Siguro dahil talagang masaya siya.
Lasing ka raw noong nakatanggap siya ng tawag galing sa iyo. Sabi mo kung talagang gusto ka niya, puntahan ka sa pamilihang bayan. Kaya nga dali-dali siyang umalis para puntahan ka. Doon naging kayo. Hinalikan mo raw siya. Kaya kayo na agad.
Dapat matuwa ako. Ako pa yata naging dahilan para maging kayo. Pero bakit naiiyak ako. Bakit masakit.
Doon ko na realize na gusto pala kita. Gustong-gusto kita.
Sa gabing iyon wala akong ginawa kundi ang umiyak. Nasaktan ako eh. Siguro dahil na rin sa realisasyong hindi mo rin naman ako magugustuhan kahit narealize ko agad na gusto kita. Hindi mo naman ako kayang mahalin. Mahal ka ni Janet at for sure mamahalin mo rin siya ng husto.
Pinagpatuloy ni Derek ang panliligaw. Halos araw-araw kada hapon sabay sabay tayong umuuwi. Ikaw at si Janet, ako at si Derek. By partners tayo.
Minsan nagkakayayaan kumain muna bago umuwi. Nililibre niyo kami ng kahit ano. Masaya! Kaya naman kinalimutan ko ang pagkalito sa nararamdaman ko at iniukol ang lahat kay Derek. Si Derek na sinagot ko makaraan ng isang buwan ng panliligaw.
Smooth flow ang naging relasyon namin. Ganoon din kayo. Iyon lang hindi gaya ng dating Derek na nakita ko noong sila ni Meanne ang kasama ko ngayon. I'm not a materialistic person, pero parang may inggit ako kung paano niya noon itrato si Meanne. Naipapakita naman niya na mahal niya ako. Pero hindi ko alam parang hindi ako masaya.
Kayo ni Janet, halatang masayang-masaya sa relasyon ninyo. Blooming sobra si Janet. Sobra mo siya alagaan. Siyempre, inaalagan mo naman ako gaya pa rin ng dati kahit wala pang Derek sa buhay ko at Janet sa buhay mo.
Grumaduate tayo. Nagkanya-kanya tayo sa buhay. Nagtrabaho ako sa Maynila. Nagseaman si Derek. Nag abroad si Janet at iba pang barkada. Ikaw nagtayo ng negosyo sa probinsiya.
Masaya tayong lahat at tanging sa messenger lang nagkukumustahan at nag-uusap. Hanggang sa unti-unting naging busy ang lahat. Madalang na ang pagkakamustahan. Kami ni Derek, mas lalo yatang naging malayo ang kalooban sa isat isa. Nag-aaway kami lagi sa tuwing may chance na mag-usap.
Siguro dahil magkalayo kami sa isat isa. Mahal ko naman siya. Pero parang walang patutunguhan ang amung relasyon. Limang taon na ang nakakalipas. Limang taon on and off ang relasyon namin. Kumapit ako sa kanya dahil nasasayangan akong mabasura ang taong pinagsamahan namin na ganoon na lamang.
Pero kahit anong kapit mo pala, kahit anong tatag mo para panatilihin siya. Sa isang iglap lahat mawawala.
Nalaman ko sa pinsan niya na dumating siya at nasa Maynila. Pero anong nakita ko noong matagpuan ko siya. May kalandiang iba. Galing pa ang mga hinayupak sa motel!
Gusto kong sugurin siya. Gusto kong sumbatan siya. Gusto kong sumigaw.
Gusto ko silang patayin na dalawa. Gustong-gusto kong ipamukha na kaya kong wala siya. Kaya kong mawala siya sa buhay ko.
Pero alam mo Aldred kung ano ang pinakagusto ko? Ang magsumbong sa iyo. Sabihin lahat ng sakit na naramdaman ko. Gusto kong sabihin na niloko niya ako. Pero naduwag ako. Inignora ko ang mensahe mo noong kinamusta mo ako.
Hindi alam ni Derek na alam kong niloloko niya ako. Pero lalo kaming nagkalabuan. Hanggang sa nagka-oportunidad ako na makapunta ng America. I grab it, kahit pa pinigilan niya ako.
Alam kong patuloy siyang nambababae. Ako parang naging bulag at bingi. Hindi ko alam hanggang kailan ko magagawa ito. Ang tiisin ang panloloko niya.
Pero kahit gaano pala ako magtiis, mapupuno ako. Lalo na noong sumbatan ako na ako ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito. Ako pa ang akusahan na may iba. Ako ang manloloko.
Tang-ina mo Derek. Tama na siguro ang pagtitiis ko at pagbibigay ko ng chance na baguhin mo ang sarili mo.
Hiwalay na tayo. Bahala ka na sa buhay mo.
Hindi na ako umiyak. Wala na yata akong luha para kay Derek. Pero alam mo Aldred, naalala kita. Kumusta ka na kaya. Nagkapamilya na ba kayo ni Janet?
Nakatutok ako sa computer ko. Sa messenger at f*******:. Gusto kitang kamustahin. Icliclick ko na sana ang account mo noong may mag pop out na message.
Galing iyon sa account ni Derek.