CHAPTER 18 ZEIGHMOUR'S POV Underworld I'm currently staring at my soon-to-be fiancée, no other than Blizzary Callahan. She's smiling widely while staring back at me. Kahit kailan, hindi pa ko nagmahal ng ganto. Na ang babaeng habang buhay kong mamahalin at ang babaeng magiging ina ng mga anak ko ay isang babaeng galing sa kasalukuyang mundo. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi sya galing sa mundo namin. Galit ako sa mga tao sa kasalukuyang mundo. Makasalanan silang lahat. Sarili lang nila iniisip nila. Kaya magmula nang mamulat ako tungkol sa mundong iyon ay kinamuhian ko na to. Sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan, hinding hindi ako mahuhulog sa kahit na sinong babaeng manggagaling sa mundong yun. Pero simula nung makita ko palang sya na nakakakulong dun

