Zoe's POV Hinarangan ko si Japan na hawak ngayon ang bola. Mabilis nyang drinible ang bola at sa pagdribble nya ng bola alam kong mag-a-ankle break sya kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Nakita ko syang napangisi at mabilis tsaka tumalon para itira ang bola. "Shit." inis na sambit ko dahil isa yon sa possiblidad kapag lumayo ako sa kanya kapag nag-ankle break sya pero kapag hindi naman ako lumayo sa kanya matutumba naman ako. Wala talaga akong laban. "Not so fast Japan!" may biglang humawak sa balikat ko at mabigat na hinila ako pababa. Pagtingin ko si Torey lang pala at nablock nya ang tira ni Japan. "Nah you can't beat me Japan." sabi ni Torey kay Japan na nakaharap ngayon sa kanya. Napasmirk lang si Japan sa kanya at mabilis na umalis. Tumingin ako kay Torey "Okay ka lang?" tanong

