Maaga ako nagising pero mas maaga si Japan dahil wala na ito pagkagising ko. Mukhang nagjogging pa yon. Tumingin ako sa mga kasamahan ko na tulog na tulog. Pinilit kong wag matawa dahil si Torey at Jayden ay magkayakap. Tinignan ko naman ang babaeng sinolo ang higaan ko. Kaya pala sinolo nya dahil ang likot nyang matulog. Tumayo ako at nilapitan sya. Napailing ako. Yung unan nya nasa sahig na habang yakap yakap naman nya ang unan ko. Yung kumot nya parang ahas na nakapulupot sa kanya tapos nakabaliktad sya ng higa nasa paanan ng higaan ang ulo nya. "Pambihira ka." sabi ko. Gumalaw sya ay hindi, sumipa sya at tinamaan nya ako, ang masaklap sa down there ko pa talaga! Napaupo ako sa sahig habang hawak ang tinamaan nya. Namimilipit ako sa sakit na gusto kong sumigaw kaso magigising sila.

