Huminga ako ng malalim. "Ayoko na Rayna. Nasasakal na ako sayo." totoo yon, sa anim na buwan naming pagsasama naging sunod sunuran ako sa kanya. Kasalanan ko din naman dahil hinahayaan ko sya pero dahil wala ako sa mood palagi kaya sinusunod ko sa kanya. Pero ang araw araw ang pagpapaligaya sa kanya, nasusura na ako. Pumayag ako maging girlfriend nya dahil para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Unang buwan namin wala naman nangyayari pero sa pangalaw doon na sya nang-aakit at gustong gawin namin yon. Hindi ako pumayag na hawakan nya ako dahil nangako ako sa sarili ko na ibibigay lang ang virginity ko sa taong papakasalan ko. Pero simula nung ikaapat na buwan na pagsasama namin, doon napapadalas na gawin namin yon. Kaya hindi malabong may makakahalata talaga samin. Hindi pa naman nami

