Zoe's POV Grabe yung mga seniors. Kakatapos lang ng kasal nila Ate Kill kahapon pinagtraining kami ngayon. Parang mga hindi nagkaroon ng hangover o puyat dahil sa party, cool na cool pa din silang nag-wa-warm up habang kaming mga rookies at ibang Miracles tamad na tamad na gumalaw at parang mga rock star na panay ang headbat dahil inaantok pa. "Kill..bakit pati tayo kasama sa training ng mga 'to?" inaantok na sabi ni Ate Ashley na sya ang pinakasabog sa lahat. "Kaya nga diba dapat nasa honeymoon kayo?" tanong ni Ate Elli. "Hey Kill, kamusta first night nyong mag-asawa? may thrill ba si Avey habang nag-aano kayo?" mahalay na sabi ni Ate Sam. Nakatanggap naman sya ng paltok kay Ate White kaya natawa kami sa kanya. Nagtaka kami nung ngumisi lang si Ate Kill at tinignan si Ate Avey na nam

