Naglakad ako kung saan man ako dalhin ng paa ko na sana sa kusina nila ako mapunta. Patingin tingin ako sa mga frame na nakasabit sa mga pader habang naglalakad ako. Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ang isang malaking picture frame. Mukhang Dad ito ni Alexa dahil medyo kahawig ni Kuya Al at parehas ito ng ngiti ni Alexa. Sa kaliwang pader naman ang Mom panigurado ni Alexa dahil magkamukhang magkamukha sila ni Alexa at minsan ko na din sya nakita sa pagbisita kay Alexa. Kaya pala ang ganda ni Alexa dahil ang ganda ng Mom nya. Kuha nya din ang kulay ng mga mata nito. Kanina ko pa napapansin ito, yung kaliwang bahagi ng pader ay puro picture ng Mom nya habang sa kanan naman ay Dad nya. Ang kulit lang. "Yo!" s**t. Napatalon ako sa gulat. Natawa naman ang salarin. Ang Kuya ni Alex

